KABANATA 5

5.1K 148 0
                                    

𝗡𝗔𝗔𝗡𝗧𝗢𝗞 pa ako, ngunit ginising na ako ng maaga ng tagapagsilbing si Sonya, sa kadahilanang pinagigising ako ng maaga ni tanda.

''Sonya, bakit nga pala ako maagang pinaginising ni tan---este ni Lola Aloisa?'' Antok na sambit ko. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti ng matamis.

''Inatasan po ako ni Siñora Aloisa na maagang gisingin ka, upang samahan mo po, siya sa pamilihan ngayong umaga.'' Nawala naman ang antok ko, dahil sa lintaya niya at nagmadali pa akong bumaba ng hagdanan.

''Señiorita Franceska! Wag kayong tumakbo sa hagdanan at baka ika'y madulas!'' Sita pa nito pero hindi ko nalang ito pinansin.

Dahil ang pansin ko ay nasa pagkain sa palengke!

''Tanda! Tara na ano pa ang hinihintay mo! Let's go to the market now! I'm hungry!'' I said to her with excitement to my eyes. Hindi ako napakain ng maayos ni Heneral palekiro ngunit ngayon ako babawi.

''Juskong bata, ako'y aatakihin sayo sa puso! At sya ka bakit tanda ang tawag mo sa akin! Walang asal na bata!'' Napasimangot naman ako dito. Bakit ba sinisita ako nito.

''Ahh basta, tara na sa pamilihan! Bilisan mo!'' Bossy kong sambit sa kanya.

''Napakapilyang binibini mo talaga Franceska.'' Umiiling na sambit nito kaya umirap naman ako sa kalawan.

Franceska again.

''Mag-umagahan muna tayo, bago tayo gumayak sa pamilihan upang mamasyal.'' nabuhayan naman ako dahil sa katagang 'umagahan' dali dali naman akong pumunta sa dining room upang kumain.

''Oi. Ano ito tanda?'' Tanong ko dito, sabay turo ang maliit na isda.

''Tuyo iyan.'' Stress nitong sambit sa akin. Kaya kumuha naman ako ng fried rice with tuyo.

''Woah. Ang alat nito parang binabad sa asin.'' Mangha kong sambit ng matikman ko ito sabay tingin kay tanda na tumatawa.

''Kakaibang binibini ka nga, kahit tuyo hindi mo narin kilala, ano bang pinapakain sayo ng iyong ina doon.'' Natigilan naman ako ng sambitin niya ang katagang 'ina'.

''Wala na akong magulang kaya wala narin akong ina'ng nagpapakain at nagluluto sa akin ng pagkain.'' Tila ba Ikinabigla naman niya ang mga sinambit ko sa kanya. Kaya malumanay naman niyang hinaplos ang aking buhok.

''Patawad iha hindi ko, sinasadyang sabihin iyon.''

_

Namamangha naman ako sa aking nakikita, kabit-kabila ang mga namimili at ang mga nagtitinda sa pamilihan o palengke.

Ngayon nalamang ulit ako, nakalabas at nakapumunta sa ganitong lugar. Hindi tulad sa panahon ko, kapag lumabas ako at pumunta sa mataong lugar palagi nalang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko.

''Mukang na aaliw ka, sa iyong nakikita binibini.'' Napagitla naman ako sa gulat, ng may lalaking bigla nalang nagsalita sa likuran ko.

Kaya nilingon ko naman ito, at napakunot noo naman ako, ng mapagtanto kong hindi ko 'to kilala.

Napatingin naman ako sa paligid, ng pagtanto kong na wawala si tanda. Kaya binalingan ko muli ng tingin ang lalaki kanina.

''Sino ka?''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon