𝗔𝗚𝗔𝗗 naman akong umalis sa bisig niya, dahil sa nakakakilabot na cheesy line niya sa akin.
K¡ngina.
Hindi ba siya kinikilabutan sa mga pinagsasabi niya. Kasi ako sukang-suka na simula kanina.Napansin ko naman si Sonya, sa likudan niya mukang kilig na kilig ang bruh@. Kaya pala, hindi umiimik dahil gusto niyang makapanood ng romantikong palabas.
''Sonya, tara na pupuntahan ko sila Mang Kanor.'' Masungit kong sambit, kaya natauhan naman ito at nakayukong sumama sa akin.
Naramdaman ko, namang sumusunod si Heneral Legazpi kaya humarap naman ako sa kanya.
''Bakit ka naparito? Kung may pupuntahan ka, wag mo na akong sundan.'' Mataray kong sambit, kaya bumungisngis naman ito.
''Ngunit Franceska, nagkataon lamang na parehas tayo ng pupuntahan.'' Kumunot naman ang noo ko ng mapagtanto kong halos, magkaparehas ang sinabi niya noong una kaming nagkita.
''At ano naman ang pupuntahan mo doon?'' Taas kilay kong sambit sa kanya, sabay pinagkrus ang aking braso.
''Nasabi sa akin ng isa sa tagasilbi ninyo na andoon si Señora Aloisa, sa pataniman ng mga prutas.'' Who care's? Umirap nalang ako sa kanya sabay talikod upang magsimula muling maglakad.
Ngunit bigla nalamang niyang hinawakan ang aking pulsuhan, na naging dahilan upang mapatigil ako sa aking paglalakad.
Linungon ko naman ito. ''Bakit?'' Sambit ko dito sabay tingin sa kamay niya, para namang na kuryete siya sa pagkakahawak sa aking pulsuhan, na naging dahilan upang bitawan niya ito.
"Paumanhin sa aking kapangahasan, Franceska hindi ko sinasadyang hawakan ka.'' Nakayukong lintaya nito, kaya ngumisi naman ako.
''Alam mong, hindi ako tumatanggap ng paumanhin. Maliban nalang kong may pagkain ka.'' Natatawang sambit ko. Nag-angat naman ito ng tingin.
''Kakaibang binibini ka, talaga Franceska.'' Natatawang iling nito, sabay tingin sa akin na nakangiti.
''Maghintay ka dito, may kukunin lang ako sa kalesa.'' Sambit niya muli. Na naging dahilan upang maexcite ako, ngunit hindi ko ito pinahalata sa kanya.
''Hindi ko ugaling maghintay heneral. Dahil mainipin akong tao.''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...