KABANATA 46

2K 77 1
                                    

''𝗦𝗔𝗔𝗡 mo gustong magtungo aking binibini?'' Simangot naman akong tumingin kay Heneral.

Nagkabit-balikat na lamang ako bilang tugon ko sa kaniya, tumingin naman ako sa bintana ng kalesa.

Nakakainis naman iniwan ba naman ako nila Lola Aloisa at Tiyo Claudio kay Heneral ng malaman nilang niyaya ko itong sumama sa amin sa kabilang bayan.

Kaya ito magkasama kaming dalawa sa loob ng kalesa niya.

''Kahit saan nalang.'' Bagot kung lintaya, habang nakatingin sa labas ng kalesa.

Nakita ko naman ang mga taong nasa kalsada na naglalakad, dala-dala ang kanilang basket, bayong , at bilao.

''Sa aking kwarto, gusto mo?'' Binalingan ko naman ito ng masamang tingin, umaandar na naman ang pagkapilyo nito.

''Gusto mong lumipad palabas nitong kalesa heneral? Madali lang akong kausapin.'' Ngising lintaya ko, kaya napalunok naman ito sabay tingin din sa kabilang bintana ng kalesa.

''Takot ka rin palang lumipad ng walang pakpak.'' Natatawa kung bulong, sabay tingin ko rin sa labas.

Natigilan naman ako ng may nakita akong guardia civil na may s¡nasaktang pilipino.

Napapikit naman ako ng maalala ko kung paano ko patayin din ang mga pinaslang kong tao.

Kahit andito pala ako sa nakaraan ay hindi ako makakatakas sa aking ginawang mga kasalanan sa aking panahon.

Nang malagpasan na namin ang kaganapang iyon, ay nakarinig pa ako ng putok ng baril na aking kinagulat.

B-binaril kaya ang pilipinong iyon? Tumulo naman ang isang patak ng luha ko, na pangiti na lamang ako ng mapait habang nakatingin ako sa labas ng kalesa.

Sa panahong ito, walang kalayaan ang pilipino, walang hustisiya.

''Napakaganda ng tanawin hindi ba?'' Tanong sa akin ni heneral, kaya tumango na lamang ako sa kaniya bilang tugon nang hindi tumitingin sa kaniya, dahil baka makikita niyang ako'y lumuluha.

''Ngunit masmaganda ang mga iyon, kung hindi ka lumuluha.'' Lintaya nito na kinatigil ko, dahan-dahan ko naman siyang tinignan na kasalukuyang nakatingin din siya sa akin.

''Ibig kong malaman kung bakit ka tumatangis aking binibini?'' Malumanay nitong lintaya, sabay haplus sa aking buhok.

Na naging hudyat upang mas-umiyak pa ako.

Tinitigan ko lamang siya, 'Marami akong kasalanan Heneral, kung kaya't tumatangis ako, dahil hindi ko naman iyon ginusto.' Bulong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kaniya.

Ngumiti naman ako sa kaniya.

''Hindi ka dapat lumuluha aking binibini.'' Saad niya pa, kaya kunot noo ko naman nitong tinignan.

''Bakit, bakit bawal na bang umiyak?'' Tanong ko naman sa kaniya, kaya umiling naman ito.

''Hindi naman sa ganon, ngunit hindi ko na nakikita ang aking Franceska, ang aking na kikita na lamang ay ang mahinang parte mo bilang binibini.'' Sagot nito sa aking tanong, kaya pinunasan ko naman ang luha ko.

''Anong ibig mong sabihin?'' Saad ko muli, kaya bumugtong hininga naman ito sabay tingin sa labas ng kalesa.

''Dahil ang aking binibini ay hindi umiiyak, siya'y matatag, palaban , at higit sa lahat hindi siya nagpapalupig.'' Ngumiti naman ako. Sa maikling panahon lamang ngunit na kilala na ako ni heneral.

''Paano kung hindi ako si Franceska? Ang ibig kong sabihin paano kong isa pala akong huwad?'' Lintaya ko, kaya tumingin naman ito sa akin.

''Ikaw man si Franceska o hindi, basta ikaw at maging sino ka man, mahal kita.'' Sambit nito na pagitla naman ako ng bigla niyang sinara, ang kurtina ng kalesa kaya napalunok naman ako nang mariin nang makita kong subrang lapit ng muka niya sa akin.

Ilang pulgada na lamang ang layo ng aming labi kaya na palunok muli ako dahil sa paninitig nito.

''Ikaw lamang ang natatanging binibining na aking na gustuhan.'' At na amoy ko naman ang mabangon hininga nito ng magsalita na siya.

Napahawak naman ako sa aking dibdib ng maramdam ko itong subrang bilis ang pagmakatibok.

Sh¡t hindi maaari.

''Sa isang dosenang binibini, na aking sininta noon ay ikaw lang ang natatanging aking minahal ng subra.''

🇪  🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon