𝗡𝗔𝗞𝗔𝗡𝗚𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚, naglalakad naman ako pauwi sa asyenda Lucretia. Habang si Heneral Legazpi naman ay nasa likudan ko.
Grabe, pakiramdam ko bundat na bundat yung tiyan ko sa kabusugan.
''Franceska...'' takang hinarap ko naman, si Heneral ng tawagin ako nito.
''Bakit heneral?'' At dahil goodmood ako sempre nginitian ko ito. Aba minsan lang akong bumait lubusin niya na, buti nalang at busog ako.
Ngumiti naman ito sa akin. ''Franceska, gusto ko sanang maging kaibigan ka kung maaari sana.'' Mahinang sambit nito. Napansin ko namang na halos, mamula ang tainga niya at hindi pa ito makatingin sa akin ng deritso.
Napangiti naman ako. ''Aba heneral payag ako, basta palagi akong may pagkain.'' Mukang nakahinga naman ito ng maluwag sa aking sinambit, dahil tila natawa naman ito sa aking sinambit.
''Magana ka tagalang kumain Franceska, pagkain na naman ang nasa isip mo, kahit na kakatapos mo lang kumain.'' Natatawang sambit nito kaya tumawa nalang din ako.
''Siya nga pala, Dion na lamang ang itawag mo sa akin.'' Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.
Naalala ko, nong nasa kolehiyo pa ako, ay nakasaad sa history na si 'Heneral Dion Legazpi' ay hindi niya basta hinahayaan na sambitin, ng kung sino sino lamang ang kanyang pangalan. Maslalo na kung hindi niya ito kamag-anak, o pinagkakatiwalaan.
''Heneral, wag mo akong pagkatilawaan. Baka ika'y masaktan lamang.''
-
Tahimik naman akong nag-iisip dito sa harden ng Lecretia. Hindi mawaglit sa akin ang huling sinambit ng heneral.''𝙆𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙤 𝙢𝙖𝙣, 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙠𝙖𝙢𝙖𝙡𝙞 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙠𝙩𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙩𝙞𝙩𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 '𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣, 𝙣𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙨𝙖𝙣𝙖 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙩𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙠𝙤. 𝘽𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙣 𝙢𝙤.''
Tiwala? Sumimangot naman ako sabay tingin sa langit na puno ng bitwin ngayong gabi.
''Nong minsang, ako'y nagtiwala sa isang tao, Sinaksak lamang ako nito patalikod.''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...