KABANATA 24

2.6K 98 1
                                    

''𝗠𝗔𝗨𝗥𝗜𝗖𝗜𝗢.'' Tawag ko dito.

Kagigising ko lang, ngunit andito na agad ako sa kwadra ng mga kabayo dito mismo asyenda Lucretia.

At dahil andito ako sa kwadra ng mga kabayo sempre naka kamisa de chino ako ng darkblue at pinarisan ng slack pants na kulay itim.

''B-binibining Franceska?'' Gulat nitong sambit, kaya natawa naman ako sabay tango.

''Ako nga ito Mauricio, magandang lalaki na ba ako at hindi mo pa ako na kilala.'' Natatawang sambit ko, kaya natawa rin ito sabay hawak sa batok niya na kinaugalian niya palagi.

''Opo Binibini hindi kita agad na kilala, buti nalang at nakilala kita sa boses.'' Natatawang lintaya nito, habang nakatingin sa akin.

Sa bagay medyo hanggang balikat lang ang buhok ko. Ang Guwapo ko talaga.

''Siya nga pala, ano ang pinakapagandang kabayo dito sa asyenda?'' Tanong ko sa kanya, habang tinitignan ko ang iba't ibang kabayo sa loob ng kwadra.

May isang kabayo naman ang nakakuha ng aking pansin, kaya napangiti naman ako.

''Mauricio, gusto ko ang kabayong iyon. Maaari ko ba siyang lapitan?'' Saad ko, sabay tingin sa kaniya habang nakaturo ang isa kong darili sa kabayong kulay itim.

''Sigurado kaba talaga binibini? Medyo mailap ang kabayong iyan. Kahit nga ako, ay hindi ko pa siya malapitan, dahil na tatakot ako na baka atakihin ako nito.'' Kinakabahang sambit nito, na maslalong nagpangiti sa akin.

''Oo sigurado ako, Mauricio.'' Nakangiting saad ko.

Agad naman akong pumunta sa kabayong iyon at si Mauricio, naman ay parang binabaeng kanina pa ako pinipigilang pumunta kay Silvius, iyon kasi ang binanggit niyang pangalan ng kabayo.

''Binibini, nakikiusap ako wag niyo pong lapitan si Silvius.'' Parang bata nitong sambit, at parang na iiyak pa nga ito habang hawak ang dulo ng manggas ng damit ko.

''Mapapagalitan ako ni Señora Aloisa, kapag may ng yari sa iyo na masama.'' Dugtong pa nito. Mauricio bakit ba ang cute mo?

Natawa naman ako sa mga pinag-gagawa niya, para lang mapigilan akong lumapit kay Silvius.

''Magtiwala ka sa akin, Mauricio.'' Pagpapakalma ko dito, ngunit na tawa parin ako kasi takot na takot ito kay Silvius.

Nang makalapit na ako kay Silvius ay agad ko namang linapit, ang aking kamay sa kaniyang harapan. Inamoy-amoy naman niya ito, hanggang sa ilapat na niya ang muka niya sa aking palad.

Napangiting naman ako, ''See? Hindi naman siya ganon nakakatakot.'' Nakangiting sambit ko, sabay tingin kay Mairicio na puno ng pagkamangha ang muka niya.

''T-tama po kayo Binibini!'' Mangha nitong sambit, sabay tingin sa akin.

''Akin na kamay mo.'' Sambit ko, at kahit nagtataka ito sa akin ay inabot niya parin, ang kamay niya kaya kinuha ko naman ito at nilapad ko sa muka ni Silvius, ang kamay niya.

''Oh. Diba ang bait niya? Hindi naman pala siya nakakatakot.'' Natatawang sambit ko, sabay tingin sa kaniya ngunit hindi ko inaasahan na nakatitig pala sa akin si Mauricio.

Kaya ngumiti naman ako sa kaniya.

''Ginoong Mauricio, hinahamon kita sa isang duwelo sa karera ng kabayo.'' Ngising sambit ko, kaya nanlalaking mata nito akong tinitigan.

''Ngunit bini---''

''Walang ngunit-ngunit sa akin Mauricio.'' Mapaglaro kong sambit at siya ka, ko binitawan ang kamay niya, sabay linabas ko sa kulungan si Silvius.

Kahanga-hanga nga si Silvius para siyang kabayo ng hari at reyna, agad ko naman sinakyan si Silvius ng makalabas kami sa kwadra narinig ko pa ang mumunting sigaw ni Mauricio.

Kaya natawa naman ako.

''Binibini, hinay-hinay lang po, ang pagpapatakbo ng kabayo!'' Sigaw nito napatingin naman ako sa likudan ko at nakita ko, siyang hinahabol ako gamit ang isang puting kabayo.

Kaya nilabas ko naman ang dila ko, para asarin siya.

''Blehh, habulin mo ako.'' Natatawang sambit ko, nakita ko namang ngumiti ito sa akin kaya, naman humarap na ulit ako sa harapan at siya ka ko pa binabilisan ang pagtakbo ni Silvius.

''Pilya ka talaga binibini!'' Tatawang lintaya ni Mauricio, kaya tinaas ko naman ang aking kanang kamay.

''Alam ko matagal na!'' Buti nalang at may karerahan ng kabayo dito sa loob ng asyenda, kaya maluwang-luwang ang tatakbuhin ng kabayo namin.

Not until may na hagip ang mata ko sa gilid ng karerahan ng kabayo, nanonood ito sa amin ni Mauricio.

''Heneral?''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon