𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 naman ako makapakali dito sa harden, dahil ang dalawang ginoo ay subrang taimtim ang katitig sa isa't isa, para bang may mga kidlat sa paligid nila.
Napalunok naman ako. ''E-ehem! Tumumigil kayo sa katitig ninyo sa isa't isa.'' Lintaya ko, hindi ko naman mapigilan matawa, dahil sa kalukuhang nabubuo sa aking isipan.
''Sige kayo, kayong dalawa ang magkakatuluyan.'' Napaatras naman ako sa inuupuan kong, bangkong kahoy ng bigla nilang ibaling ang tingin nila sa akin.
Wow magic words, hindi ko akalain na papansinin na nila ako.
''Wag kang magbiro ng ganyan binibini.''
''Ipinagbabawal ng simbahan, ang ganyang relasyon Franceska, wag kang mag bibiro ng ganyan.''
Napanganga naman ako sa halos sabay nilang sinambit, at muling naman silang nagkatinginan ng masama sa isa't isa.
''Oo! Oo na! Wag na nga kayong magtitigan ng ganyan, pag ako na inis! Sas@pakin ko na kayo!'' Galit kong sambit, sabay tayo. Kaya napatingin naman sila sa akin, at himala naging maamong tupa ang dalawang ginoo.
''Ikaw bakit ka naparito heneral kay aga-aga andito ka? May kailangan kaba?'' Baling ko kay heneral, kaya tinignan naman ako nito na parang batang naagawan ng laruan.
''Aanyayahan sana kita sa isang simpleng salu-salo sa aming bahay.'' Pagpapaliwanag nito. Kaya tumango-tango naman ako.
''Ngunit na kita kong masaya sa ibang ginoo, ang aking sinisintang binibini.'' Malungkot nitong sambit, sabay tingin sa aking mga mata.
Mapungay-pungay naman ang mga mata nitong nakatitig sa akin, ang mala-tsokolate kulay ng mata niya, ay parang nag-mamakaawa sa akin na parang bata.
Kaya umirap naman ako, sabay pitik sa noo niya, napasimangot naman ang isip batang heneral.
''Para saan naman iyon aking binibini?'' Simangot nitong, lintaya sa akin.
''Diba sinabi ko na wag mo akong tawaging 'aking binibini' gusto mo atang bogbvgin kita.'' Siga kong sambit, kaya natawa naman ito.
Tumingin naman ako kay Mauricio, na ngayon ay nakatingin sa amin ni Heneral.
''Pagpasensiyahan mo na itong si Heneral, malaki lang sira sa ulo.'' Sambit ko sa kanya, kaya na tawa naman ito sabay tango.
''Binibini, ako'y aalis muna may gagawin pa kasi ako sa pataniman. Paumanhin.'' Lintaya nito, kaya ngumiti naman ako.
''Ano ka ba, Mauricio ayos lang naman sa akin iyon. Wag ka ng humingi ng paumanhin sa akin.'' Sambit ko dito, sabay hinaplus ang kanyang ulunan.
Kaya gulat naman itong napatingin sa akin, kalaunan ay ngumiti naman ng matamis.
''Ehem!'' Sabi na nga ba may pagkadakilang ep@l itong si heneral Legazpi. Kaya napatingin naman ako dito ng tumikhim ito.
Masama naman ang tingin niya kay Mauricio, kaya humarang naman ako kay Mauricio. At siya ka ko siya sinamaan din ng tingin.
''Ahh binibini, ako'y lilisan na magandang umaga sa iyo.'' Lintaya nito, kaya humarap naman ako sa kanya, sabay tango at ngumiti.
Nang makaalis na si Mairicio ng tuluyan, ay binaling ko muli kay heneral Legazpi ang tingin ko, napataas kilay naman ako ng makita ko itong nakasimangot.
''Hindi ko matiis na ika'y makitang masaya sa ibang ginoo, ako'y naninibugho sa kadahilanang kaya ka niyang pasayahin habang ako, ay palagi kang ginagalit lamang.'' Hindi naman ako nakaimik sa kaniyang mga sinabi. Nakatitig lang ako sa kulay tsokolate niyang mga mata.
At sa hindi inaasahan ay napaatras naman ako ng bigla itong tumayo at pumunta pa sa aking harapan, seryoso ang muka nito.
''At masnanaisin ko pang ikulong na lamang kita sa aking bisig upang hindi kana maagaw pa ng ibang ginoo sa akin.'' Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan ng bigla nalang ako nitong niyakap.
T-teka bakit bigla nalang ito ng yayakap!?
''Gustong, gusto talaga kita Franceska.''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...