KABANATA 31

2.3K 92 2
                                    

''𝗜𝗛𝗔 lunasan na natin ang iyong sugat, hindi maganda sa isang binibini, ang magkaroon ng piklat sa muka.'' Malumanay na sambit ng ina ni heneral, kaya ngumiti naman ako sa kaniya at pinahintulutan ko siyang gamutin ako.

Umupo naman ito sa aking kama.

''Ako nga pala si Doña Flora Legazpi, ipagpaumanhin mo sana iha, kong hindi ako nakapagpakilala sayo noong una tayong nagkita.'' Mahinhin nitong sambit, kaya ngumiti naman ako.

''Ayos lang p-po iyon Doña.'' Nakangiwing sambit ko. Tang¡na for the first time nakalunok din ako ng holy water!

Hoo! Praise the lord haleluya.

H@yop pakiramdam ko, hindi na ako demonyo.

Francine, it's that you?

''Napakabait at napakatapang mong binibini iha, at hindi lang iyon nakakahumaling din, ang iyong kagandahan.'' Papuri nito sa akin.

''Kaya hindi na ako magtataka, kong pati ang anak ko ay mahumaling sayo.'' Nakita ko namang kuminang, ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

I miss my mom, nakikita ko kay Doña Flora, ang aking ina.

''Nasaan sila ina at Franceska?!''

''Señor Legazpi, kumalma po kayo.''

''Paano ako kakalma kong nakita ko, ang aking sinisinta na sugatan at ang aking ina naman kanina ay nadakip ng mga rebelde!''

Rinig na rinig dito ang boses ng heneral at ni Sonya sa ibaba. Kaya na patingin naman ako kay Doña Flora ng bumungisngis ito.

''Nenerbiyos siguro siya ng makita ka, niyang maraming galos.'' Natatawang lintaya nito, kaya na patalon naman ako sa gulat ng bigla, nalang bumukas ang pintuan ng aking kwarto.

''Señor Legazpi bawal po, ang ginagawa po niyo.'' Nakita ko namang kumislap, ang mata ni heneral ng makita niya kami ng kaniyang ina.

Bigla nalang ito lumapit sa akin at walang pasabing yumakap ito ng mahigpit sa akin.

''Pinag alala mo ako ng labis.'' Ramdam ko naman, ang panginginig ng katawan nito.

Kaya kahit nagdadalawang isip akong yumakap sa kaniya ay yumakap na lamang ako, pabalik upang kumalma naman ito kahit papaano.

''Batid kong hindi ka natatakot lumaban kanina ngunit dapat mo ring alagaan, ang iyong sarili dahil papakasalan pa kita.'' Binatukan ko naman ito, kaya nakarinig naman ako ng mga bungisngis tumingin naman ako sa bandang pintuan.

At nakita ko doon si Tanda at si Sonya'ng mukang binudburan ng asin, dahil hindi magkamayaw sa kilig niya.

''Baril¡n kaya kita.'' Bumitaw naman ako sa pagkakayakap sa kaniya.

Kaya tumayo naman ito ng maayos, habang nakatingin sa akin na nakasimangot ang muka.

''Napakasadista mo talaga sa akin, aking binibini.'' Parang batang lintaya nito.

Kung hindi lang kumikirot ang buong katawan ko kanina ko pa siya sinuntok.

''Manahimik ka, babaril¡n talaga kita diyan.''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon