𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔 ko kanina si tanda na bumibili ng gulay, kaya naman nagpaalam muna ako sa kanya na maglilibot-libot lang ako, at pumayag naman ito at sinabi sa aking magkita nalang kami sa kalesang pinagsakyan namin kanina.
''Mukang mag-isa ka lang binibini?'' Napatalon naman ako, dahil sa gulat. Bigla nalang kasing sumulpot ang heneral na palikero.
Sinamaan ko naman ito ng tingin ng makita kong nagpipigil ito ng tawa, dahil matagumapay niya akong nagulat.
''Paumanhin, binibini kong ika'y na gulat ko. Hindi ko naman alam na may pagkagugulatin ka pala.'' Nakangiting sambit nito sa akin sabay yuko ng kaunti.
At dahil yumuko ito sa akin, kunuha ko naman iyon na tyansa, upang batukan siya.
Napadaing naman ito. ''A-aray, hindi ko aakalain na isa kang binibini na, may kamay na mabigat napaka sadista mo pala.'' Natatawang sambit nito sabay tingin sa akin.
''Hindi ako tumatanggap ng paumanhin, kaya iyan ang kabayaran mo sa panggugulat sa akin.'' Masungit kong saad. Sabay tinalikuran siya.
''Binibini saglit lamang.'' Pagpapatigil na sambit nito, ngunit hindi ako nakinig at nagtuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad.
Ngunit dahil masmalaki ang biyas niya kumpara sa akin, na habol ako nito at pumunta pa mismo sa aking harapan upang pigilan ako sa paglalakad.
''Saglit lamang Franceska, ihahatid na kita sa iyong pupuntahan.'' Nakangiting lintaya nito.
Ngumiwi naman ako sa kadahilanang mukang nagfefeeling close si pareng Legazpi sa akin.
''Wag nalang heneral, baka ako'y nakakaabala lang sa 'yo at ika'y may trabaho pa.'' Labas sa ilong kong saad. Kahit na sa totoo lang ay minumura ko na siya sa aking isipan.
''Kailanman ay hindi ka naging sagabal sa akin Franceska.'' Halos masuka-suka naman ako sa aking isipan sa matamis niyang sinambit sa akin ngayon.
''Pwes ako, nagiging sagabal kana, lumayas ka nga diyan sa aking dadaanan ang laki mong harang.'' Mataray kong sambit dito. Sarap niyang itulak sa kumukulong tubig.
Papaalis na sana ako ulit ng mapansin kong sumusunod padin sa akin si Legazpi. Ayaw talagang paawat ni pareng Legazpi mukang determinado siyang ihatid ako sa kalesa namin.
Kaya na pagisipan ko naman itong iligaw. Ngunit may pagkalahi ata itong agila ang bilis niyang tempuhan kung kailan ako mawawala sa paningin niya.
Sawi pa rin ako dahil sa huli ay hindi ko pa rin siya naligaw. Malapit na kami kay Tanda kaya wala na akong nagawa kundi sumimangot.
Sarap niyang ipatadyak sa kabayo.
''Bakit ngayon ka lamang dumating? Saan ka ba nanggaling?''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Fiction HistoriqueDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...