𝗦𝗔𝗥𝗔𝗣 lang sabihin na kaya ako natagalan dahil may inililigaw ako. Ngunit dahil badtrip ako sumakay nalang ako, agad sa kalesa.
Bigla namang bumati si heneral Legazpi kay tanda kaya umirap naman ako.
''Magandang umaga po Señora Aloisa, nagagalak po akong makita po kayo.'' Magalang na bati niya kay tanda.
Napatingin naman sa akin si tanda na tila ba nagtataka kong, bakit kasama ko ang heneral. ''Nagagalak din akong makita ka Heneral Legazpi.'' Maligayang lintaya ni tanda sa kanya.
Tumagal pa ng ilang minuto ang chismisan nila, hindi ko naman akalain na dakilang marites pala ang heneral at si tanda.
''Ehem. May balak pa ba tayong umuwi?'' Inip kong sambit sabay tingin kay tanda, na mukang na wala sa isip niya na andito ako.
Napatingin naman ako kay Heneral, na ngayon ay nakatingin narin pala sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at pilit inaaya si tanda na umalis na.
''Ikinalulungkot ko ngunit, kailangan na naming umalis heneral. Salamat sa oras, at kami ay hahayo na.'' Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
Papaalis na sana ang kalesa namin ng bigla muling tawagin ni Legazpi si Tanda.
''Señora Aloisa, maaari po bang akong magpaalam sa inyo?'' Lintaya ni Legazpi sabay tingin sa akin. Napakunot noo naman ako dahil sa tingin niyang iyon.
''Ano iyon heneral?'' Muli niyang binalik ang tingin niya kay Tanda ng magsalita ito.
''Kung inyong mamarapatin, maaari ko po bang ipagpaalam sa inyo si Franceska? Nais ko po siyang ipasyal sana.'' Sambit ni Legazpi. Nanlalaking mata ko naman itong tinignan.
''AYOKO, HINDI MAAARI!'' Sinamaan ko naman ng tingin si Heneral Legazpi.
'Ano na naman ba ang nasa isip ng kurimaw na ito, at gusto akong ipasyal.' Lintaya ko sa aking isipan. Habang siya ay mukang na gulat sa aking hindi pagpayag.
''HINDI AKO PAPAYAG, AYAW KONG SUMAMA SAYO!''
_
''Pagkain lang pala, ang makapagpapayag sayo upang ika'y samama sa akin.'' Natatawang sambit ng mang-gogoyong ito.
Nauto na naman niya ako gamit ang pagkain.
''Hindi ko inaasahang sa balingkinitan mong katawan, ay na pakalakas mo palang kumain Franceska.'' Sinamaan ko naman ito ng tingin, dahil kanina pa siya nakatitig sa akin habang ako'y kumakan.
''Manahimik ka, kung ayaw mong umuwi ka ng nabugbog ko.''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy Reading
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Ficção HistóricaDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...