''𝗔𝗡𝗢 ang gunagawa mo dito?'' Gulat kong sambit, sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko na naramdaman na may akyat-bahay na palang nakaakyat sa aking bintana.
''Nanabik lamang ako sayo aking binibini. Kaya na pag-isapan kong ika'y dalawin.'' Nakangiting lintaya nito, masyado talaga siyang matamis magsalita.
Kung pangkariniwang babae lang siguro ako ay kanina pa ako, naglupasay sa kilig.
Ngunit! Dahil isa akong mafia at isa rin akong Lucretia mahirap makuha ang loob ko.
''Gusto mong masapak? Bakit ka andito?'' Natawa naman ito sa aking sinabi, at siya ka, naman siya lumapit sa akin upang yumakap ng mahigpit.
Naramdaman ko namang medyo mainit ito.
''Nanabik ako sayo ng labis iyon, ang sagot ko sa iyong katanungan.'' Malambing nitong lintaya, sabay haplus sa aking buhok.
''Alam kong subrang mapusok at pangahas na, ang iyong ginagawa at siya ka gabi na hindi kaba takot na baka tayo'y mahuli sa iyong kapusukan ginoo?'' Natawa muli ito sa akin, at siya ka naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
''Ako'y walang paki sa sasabihin nila, basta kasama kita ay hindi ako matatakot.'' Napatingin naman ako sa buong muka niya.
Medyo namumula naman, ang pisnge niya, kaya linagay ko naman, ang likod ng aking kamay sa noo niya upang tignan ang temperetura ng kaniyang katawan.
Nanlalaking mata ko naman itong tinignan.
''Aba't pasaway ka, bakit andito ka sa asyenda namin kong ika'y may sakit pala.'' Yamot kong sambit, kinutusan ko naman ito, kaya na pasimangot naman itong napakamot sa kaniyang ulo.
''Patawad, aking binibini.'' Ganito pala ito kapag nagkakasakit? Nagiging masmakulit at isip bata.
Jusko, maaga akong tatanda sa lalaking ito!
''Pasalamat ka at nakatapos ako ng pag-aaral ng medisina.'' Bulong ko, at siya ka ako asar na nagkamot sa aking ulo.
Akmang tatalikod na ako sa kaniya upang kumuha ng gamot sa kusina ng bigla niya namang kinabig ang aking bewang, kaya napaupo naman ako sa kaniyang kandungan patalikod.
''Dito ka lamang aking binibini, ako'y subrang nanabik sa iyong prisensiya.'' Malambing nitong sambit, sabay linagay naman niya ang kaniyang muka sa aking leeg.
Akala ko ba conservative ang mga lalaki sa panahon na ito at hindi sila basta basta lumalapit o humahawak manlang sa isang binibini?
''Heneral, kung ako sayo bibitawan mo na ako habang may mga kamay ka pa.'' Nagtitimpi kong sambit, hindi naman ito nakinig at maslalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
''Ako'y na huhulog na talaga sayo ng subra Franceska, para akong nasisiraan ng bait, kapag isang araw pa lang ang lumipas na hindi kita nasisilayan.'' Anong gusto mo palagi akong nasa tabi mo?
Abaaa sa tanan ng buhay ko hindi pa ako naging bodyguard. Hindi ako tagapagbantay ng may sira sa ulong katulad mo.
''Ano bang dapat kong gawin upang ika'y mapaibig sa akin agad, ako'y nag-aalala na baka makuha ka ng iba sa akin.'' Nagulat naman ako ng may naramdaman akong basa sa aking balikat.
T-teka lang naman bakit ba palagi nalang ito umiiyak sa harapan ko. Bigla nalang ako nakarinig ng mahihinang hikbi niya.
''Te amo mi amor.''
Tang¡na wala akong kasalanan diyan ahh, bakit ba bigla nalang to umiiyak parang masmalala pa siya sa buntis na may mood swing kapag nagkakasakit.
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...