𝗡𝗔𝗔𝗟𝗜𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡, naman ako sa mahimbing na pagkakatulog ng maramdaman kong, gumagalaw ang aking tinutulugan. Kaya napamulat naman ang mga mata ko, ngunit imbes na mga dahon ng puno, ang unang bumungad dapat sa akin, ay muka ni Heneral Legazpi ang nakita ko.
''Anong ginagawa mo?'' Antok kong sambit sabay hikab. Nasa mga bisig niya ako ngayon.
''Ika'y binubuhat?'' Patanong nitong lintaya sa akin, kaya sinamaan ko naman ito ng tingin.
''Psh. Ang ibig kong sabihin ay bakit mo ako binubuhat ngayon, na sa aking pagkakaalam ay nasa sanga ako ng puno kanina.'' Paliwanag ko pa dito, at siya ka ko siya inirapan.
Natawa naman ito ''Franceska, na alala mo pa ba ang una nating pagkikita?'' Nakumunot naman ang noo ko, dahil pinaaalala niya ang una naming pagkikita.
''Sino naman hindi makakaalala, sa pagsigaw mo na siyang naging dahilan upang ako'y nahulog sa aking tinutulugang na sanga.'' Kumislap naman, ang mga mata nito. Dahil sa aking sinambit at kalaunan ay ngumiti ito ng matamis.
''Tama ka, Franceska ganon din ngayon ang ng yari ngunit may pagkakaiba, dahil hindi na ako sumigaw upang ika'y mahulog sa aking bisig.'' Sambit nito, bigla nalang nagiba ang emosyong nasa muka niya ng magkatitigan kami.
''Ika'y muntik ng masaktan, dahil nahulog ka mismo sa sangang tinutulugan mo, buti nalang at dumating ako upang saluhin ka.'' Galit nitong lintaya sa akin, kaya na palunok naman ako.
''E-eh, bakit ka galit!'' Sigaw ko dito at sinamaan ko pa siya ng tingin. Bigla namang naging malambot ang emosyon niya sa akin.
''Paumanhin, Franceska ngunit ako'y nag-alala lamang sa 'yo, wag mo ng uulitin iyon labis akong kinabahan ng ika'y muntik ng mahulog sa lupa.'' Lintaya nito, habang nakatitig sa aking mga mata.
''Alam mo?'' Sambit ko.
''Anong alam ko na, Franceska?'' Takang sambit niya sa akin, kaya binigyan ko naman siya ng nakakadiring tingin.
''Wag kang masyadong romantiko sa akin, baka sipain kita.''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...