KABANATA 4

5.8K 181 1
                                    

𝗡𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚𝗢𝗧 naman ako habang naglalakad sa harden ng Lucretia kasama ang bwesit@ ni tanda. Ang bilis naman niya akong ipinamigay sa heneral nilang mukang hito.

''Ano ngiti ngiti mo diyan? Gusto mo gawin kitang bungi huh?'' Badtrip kong sambit dito ng makita kong nakangiting nakatitig ito sa akin.

''Nakakatuwa lang, dahil ngayon lamang ako nakakilala ng isang binibining subrang sungit.'' Patawa tawa nitong lintaya sa akin kaya sinamaan ko naman ito ng tingin.

'Titirisin kita tulad ni tanda eh, sabay buburahin kita sa history!' Sambit ko sa aking isipan habang iniisip ko kung paano ko sya didispatsyahin.

Lunudin ko nalang kaya siya sa dagat. Para everybody is happy na?

''Ngunit nakakatuwa rin sa kabila ng iyong kasungitan ay nagtataglay karin ng kagandahan.'' Dugtong pa nito sa kanya sinambit. Kaya na pairap naman ako sa kawalan.

''Ginoo na playboy, hindi mo ako mauuto sa mga mabubulaklak mong salita. Ililibing pa kita ng buhay.'' Mataray kong sambit dito.

''P-pileyboy? Ano ang ibig sabihin ng iyong tinuran binibini?'' Takang sambit nito kaya nakangiting tinignan ko naman siya.

''Ang ibig kong sabihin ay makisig...tama makisig ang ibig kong sabihin sa 'yo.'' Pekeng ngumiti naman ako sa kanya. Kaya ngumiti rin ito ng malawak dahil sa aking sinabi.

Uto-uto naman ang lalaking ito.

''Kung ganon isa pala ako pileyboy.'' Nakangiting saad nito. Mukang proud pa sa sarili ang loko.

''Buti at inamin mo.'' Natatawang sambit ko dito, napatigil naman ako sa pagtawa ng napansin kong napatulala ito sa akin.

''Oh? Bakit natulala ka diyan?'' Simangot kong sambit dito.

''Nakakabighani pala ang iyong tawa binibini. Sana'y palagi kong masilayan ang iyong ngiti.'' Nakangiting saad nito.

Ipapakain ko talaga sa kanya yung mga bulaklak dito sa harden.

''Heneral wag mong gamitin sa akin ang matatamis mong mga salita na nagamit mo na sa iba't ibang babae. Hindi mo ako mabibitag.'' Ang hito'ng ito, may balak pa yatang gawin ako, isa sa koleksyon niyang napaiyak na babae.

''Wag kang mag-alala binibini hindi kita ihahalintulad sa ibang binibini. Dahil ika'y nag-iisang espesyal sa lahat.''

_

''Ano ngiti ngiti mo diyan tanda? Saya mo ata.'' Simangot kong sambit. Kaya napatingin naman ito sa akin at simaan ako ng tingin.

Ano na naman ba drama niya ngayon?

''Ikaw na bata ka! Gumamit ka ng Po at Opo! Jusko hindi ko alam kong nasaan ba ang asin mo!'' Galit na lintaya nito sa akin kaya umirap naman ako.

''Pag ako nag 'po', kabahan kana.. naka lunok na ako ng holy water.'' Pilosopang sambit ko dito, kaya nakakuha naman ako ng isang malakas na batok galing sa kanya.

''Pilyang bata, nga pala mukang maganda ang ngiti ni Heneral kanina bago siya umalis. Mukang maganda ang iyong pinag-usap--''

''Psh. Ang pangit niyang kabonding.'' Simangot kong saad. Sabay tayo at lumakad na papunta sa kwarto ko.

''Ano ang iyong sinasabi? Kung pangit siyang kasama bakit kayo ginabi? At sya ka lumabas pa kayo hindi ba?'' Sambit nito kaya nakasimangot naman akong binalingan siya ng tingin.

''Kasi nauto niya ako, gamit ang pagkain.''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 

Please vote and comment to my story
Enjoy reading

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon