KABANATA 37

2.2K 83 0
                                    

''𝗜𝗞𝗔𝗪 na bata ka! Pinaiyak mo ba si Franceska?!'' Napatingin naman ako sa aking likudan at nakita ko doon, ang humahangos na si Lola Aloisa at Sonya.

''H-hindi po ina! Hindi ko po siya pinaiyak.'' Kinakabahang sambit, naman ng kamuka ni Claud.

Pinunasan ko naman, ang huling patak ng aking luha.

''W-wala siyang kasalanan Lola Aloisa, ako'y nalulubay at nanabik lamang sa aking kakambal na lalaki. Kamukang kamuka niya kasi ito.'' Mapait namang akong ngumiti sa kanila.

Kamusta na kaya siya.

''S-sandali lamang, ika'y apo ng aking ina? Paanong ng yari iyon?'' Gulat nitong lintaya, kaya nagtatakang tumango naman ako.

Ina niya si Lola Aloisa?

''Ako nga pala si Franceska Lucretia, ikinagagalak kong makilala ka.'' Pagpapakilala ko dito, ngumiti naman ito sa akin.

''Ako si Francisco Claudio Lucretia. Ikinagagalak ko ring makilala ka aking pamangkin.'' Kumislap naman ang mga mata nito, sabay tingin niya kay lola Aloisa.

''Mano po ina.'' Magalang nitong bati sa kay lola.

Para talaga siyang si Claud, halos parehas din sila ng pangalan ng aking kakambal na si Francis Claud Lucretia.

Napangiti na lamang ako sa kawalan, kahit papaano pala, ay hindi ako mangungulila sa aking kakambal.

''Kaawaan ka ng diyos anak.'' Nakangiting sambit, naman ni lola Aloisa.

''Siya nga po pala, ina bakit andito po si Franceska? Nasaan po ang ina at ama niya? Sin--- ARAY KO PO.''

''Pasaway ka talagang bata, na pakamatanungin mo rin.'' Natawa naman ako sa kadahilanang pinitik ni lola Aloisa, ang tainga ni Tiyo Claudio.

Hinaplus-haplus naman ni tiyo Claudio, ang kaniyang tainga habang ito'y nakasimangot.

''Ina naman kababalik ko lang po dito sa pilipinas, ngunit ako'y nakakuha agad ng pitik galing po sa inyo.'' Maslalo naman akong napangiti ng magsalita ito na parang batang inapi.

''Tiyo Claudio, ganyan din siya sa akin kaya palagi kaming nag-aaway.'' Lumapit naman ito sa akin at siya ka pinitik din, ang aking noo.

''Gumamit ka ng po at opo pamangkin, kong ikaw ay makikipag-usap sa masnakakatanda sa iyo.'' Pangangaral nito, kaya ngumiti naman ako ng matamis.

''Pag ako ng po at opo, nakalunok na ako non ng bendita.'' Natawa naman ito sa aking sinambit, sabay iling.

''Isa ka ngang Lucretia, napakapilya mo rin.'' Tumawa naman ito ng buong puso at nakisali narin sila Lola Aloisa at Sonya.

Isa sila sa mamimiss ko, kapag bumalik na ako sa aking panahon.

''Mana ako sa iyo tiyo.''

_

''Nagtataka ka siguro kung paanong naging magkamuka siya ng iyong kakambal, ang aking anak hindi ba?'' Pagpuputol ni Lola Aloisa sa katahimikan dito sa aking kwarto.

Gabi na, ngunit bigla na lamang itong pumunta sa aking kwarto upang ako'y kausapin.

''Ganon na nga lola, ang aking kakambal bang si Claud ay rencarnation ni Tiyo Claudio.'' Naiiyak ko muling sambit, kaya lumapit naman ito sa akin at hinaplus ang aking likudan at umupo sa aking kama.

''Hindi, ang totoo niyan ay siya, ang huling lalaki ng Lucretia, kung kaya't siya ang pinagmulan ng iyong lahi. Kaya hindi malabong may makakuha sa inyo ng muka niya.'' Ibig sabihin lolo ko si Claudio?

''Siya ang naging dahilan, kung bakit hanggang sa hinaharap ay buhay pa, ang lahi ng Lucretia .'' Dugtong pa nito, habang nakangiti.

''Eh ikaw? Paano mo ako na isama dito sa nakaraan? Sino ka ba talaga Lola Aloisa?'' Takang lintaya ko, kaya napangiti naman ito at tumayo.

''Apo sa ating mundo maraming hiwagang hindi maipaliwanag.'' Lintaya nito sa akin at siya ka, naman siya tumalikod sa akin at pumunta sa pintuan ng aking kwarto.

''Basta ang pagkakaalam ko ay matagal na akong na bubuhay sa mundo at ako ang taga-pangalaga ng mga susunod na herenasyon ng Lucretia.'' Ang huling sambit nito, bago ako iwanan dito sa aking kwarto.

''Kailan kaya ako makakabalik?''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon