KABANATA 34

2.3K 94 5
                                    

𝗧𝗔𝗛𝗜𝗠𝗜𝗞 namang nakasunod sa akin si heneral Legazpi, habang yung kasama niyang babae kanina, na pag-alaman kong dati niya palang kasintahan ay tumakbo palayo sa akin, dahil sa takot sigurong masapak ko.

''Aking binibini, ako'y patawarin mo sana.'' Biglang imik nito, patawarin your face, umirap naman ako, habang hindi siya pinapansin.

''Lo siento, mi amor.'' Napatigil naman ako sa sinambit niya, kaya kunot noo ko naman itong hinarap.

''Ako ba'y pinagmumura mo Heneral Dion Legazpi!'' Bulyaw ko dito, kaya na payukong umiling naman siya.

Gulat siguro siya at ngayon ko lamang sinambit ang buong pangalan niya.

''Ang ibig kong sabihin, aking binibini ay patawad mahal ko.'' Mahinang lintaya nito, nagulat naman ako ng bigla itong mag-angat ng tingin.

Teka? Luha ba iyong pumatak sa kaliwang mata niya? Umiiyak ba siya?

''Aking sinisintang Franceska, hindi ko kayang ika'y ipagpalit sa iba ako'y kinausap lamang ni binibining Diana. Kaya mali ang nasa isip mong ako'y nangbabae.'' Umiiyak nitong saad, gulat na gulat naman ako ng bigla itong yumakap sa akin.

Pangahas!

''Ako'y seryoso sayo sa pangliligaw, kaya sana ay magtiwala ka sa akin.'' Dugtong nito, at niyakap pa ako ng mahigpit.

''Te amo mi amor.''

_

Ang kaninang umiiyak na heneral ay nakangiti na ngayon ng malawak, ng pagbigyan ko siyang ipasyal ako.

At pinagpaalam naman niya ako kay Lola Aloisa na ihahatid niya na lamang ako sa bahay bago gumabi.

''Napakaganda talaga ng tanawin.'' Sambit nito, kaya tumangò naman ako.

Andito kami sa isang burol at makikita mo talaga ang magandang tanawin dito, at hindi lang iyon presko rin ang hangin sa lugar na ito.

Napatingin naman ako sa kaniya, kumunot naman ang noo ko ng makita ko itong nakangiting nakatitig sa akin.

Akala ko ba maganda ang tanawing na kikita niya, eh bakit ako tinititigan nito.

Sira na yata ulo nito eh.

''Ano tingin-tingin mo diyan?'' Pagmamataray ko dito, kaya ngumiting umiling lang naman siya sa akin.

''Wala lang, tinitignan ko lamang ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo.'' Sasakalin ko to eh. Ayan na naman siya sa matatamis na salita niya.

''Dion, hindi mo ako makukuha basta basta kong hindi mo paghihirapan.'' Ngising sambit ko, kaya nagulat naman ako ng bigla itong humarap sa akin at subrang seryoso ang muka niya.

''Sabihin mo, aking sinisintang Franceska ang aking gagawin upang ika'y mapaibig sa akin?'' Seryoso at excited nitong sambit, kaya natawa naman ako.

Kaya tumingkayad ako at hinaplus ng malumanay, ang kaniyang buhok na kinagulat naman niya.

''Simpleng babae lamang ako ginoong Dion, kaya lang dapat lahat ng binibinigay mo sa akin ay dapat pinaghihirapan mo.'' Nakangiting sambit ko, at siya ka ko naman hinaplus ang muka niya.

''Kung gusto mo talagang makuha ako, patunayan mo muna sa akin na nagbago kana.''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon