KABANATA 35

2.3K 88 1
                                    

''𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥𝗜𝗧𝗔! Señiorita kayo'y gumising na.''

Ano ba yan bakit ba ako ginigising nitong si Sonya. Antok naman akong bumangon, dahil sa kaingayan nito.

Kunusot-kusot ko naman, ang mata ko sabay naghikab.

''Bakit ka ba ng gising?'' Antok kong sambit, sabay kamot sa aking ulo.

''Basta po señiorita sumama po kayo sa akin, ngunit bago po iyon ay maligo muna kayo at mag-ayos.'' Simangot naman akong sumunod sa kaniya.

Ano ba yan, pati ba naman sa pagtulog dito sa nakaraan gigisingin parin ako ng mga maids.

_

''Anong ginagawa mo diyan heneral?'' Gulat na gulat kong sambit, sino ba naman ang hindi magugulat?

Nagsisibak ng kahoy si heneral at hindi lang yun, bakit siya andito sa asyenda Lucretia na sa pagkakaalam ko ay dapat andoon siya sa kabilang bayan, upang tumulong doon sa kaguluhan.

''Ako'y mangliligaw mo aking binibini, inutos ito ng iyong lola Aloisa kaya sinusunod ko lamang.'' Halos mapanganga naman ako sa sinabi nito, kaya dali-dali naman akong pumunta sa loob ng kusina.

At hindi naman ako nagkamali, andoon nga si lola Aloisa nag luluto!

''Lola! Ano to? Bakit andito si Heneral? Dapat andoon siya sa kaniyang tanggapan upang magtrabaho.'' Takang taka kong sambit, kaya natawa naman ito.

''Apo, pinakiusapan ko lamang siyang pumunta dito kong maaari, dahil nagkasakit ang tagasibak ng ating kahoy panggatong, ngunit ako'y bigla nga rin, ng bigla itong sumulpot dito mismo sa ating kusina at nagsimula agad magsibak ng kahoy diyan sa labas.'' Napakamot naman ako sa ulo, dahil sa stress.

Grabe ganito pala magkaroon ng manliligaw na masigasig.

''Sonya, bigyan mo ako ng tuwalyang pangpunas ng pawis at samahan mo narin ng tubig.'' Utos ko kay Sonya, kaya dali-dali naman niya iyon ginawa.

Napatingin naman ako sa labas. Hanggang ngayon ay naririnig ko parin, ang pagsisibak ng kahoy.

''Señiorita ito na po ang iyong pinag-uutos.'' Kinuha ko naman agad ito, sabay labas sa likudan ng kusina, kung saan nagsisibak ng kahoy si heneral.

Nakita ko naman itong pawisan, at buti na lamang ay hinubad niya na ang uniporme niyang pangheneral at nagtira na lamang siya ng pang-itaas niyang Kamisa de chinong kulay puti.

''Magpahinga ka muna.'' Sambit ko dito, kaya na patingin naman ito sa akin at ngumiti.

Lumapit naman ito sa akin.

''Maraming salamat aking binibini.'' Lintaya nito, sabay kindat pa.

Kaya nakakuha naman ito ng batok mula sa akin.

''Dukutin ko mata mo diyan eh.'' Natawa naman ito sa aking sinambit, ngunit natigilan naman ito ng punasan ko siya ng pawis sa kaniyang noo.

''Pagod kana ba?'' Tanong ko dito, ngumiti naman ito ng matamis sa akin.

''Hinding hindi ako mapapagod aking Franceska, kong andito naman ang aking lakas.'' Banat nito, kaya umirap naman ako sa matamis niyang lintaya sa akin.

''Hindi sa akin umeepekto ang ganyang, estratehiya heneral tandaan mo iyan. Baka makakuha ka pa sa akin ng sipa at sapak.''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon