''𝗦𝗜𝗡𝗜𝗢𝗥𝗜𝗧𝗔, hindi po kaya ay sumakit ang iyong tiyan diyan sa mangga? Umagang umaga ay kumakain na kayo agad ng maasim.'' Nangangasim na sambit ni Sonya sa akin habang siya ay nagbabalat ng manggang kakainin ko.
Napangiti naman ako dahil isang basket ang binigay sa akin ni Mang Kanor isa sa mga trabahador ng Asyenda Lucretia.
''Hindi iyan, ang sarap nga eh.'' Nakangiting sambit ko, Grabe organic na organic ang mga prutas sa panahong ito.
''Ngunit Señiorita marami na po kayong na kain baka sumakit ang iyong tiyan.'' Nag-aalalang lintaya nito sa akin kaya naman hinaplos ko ang ulo nito.
''Ano ka ba, malakas ang sikmura ko sa mga pagkaing ganito.'' Sambit ko. Parang nakakabatang kapatid ko na si Sonya nasa edad kinse na ito.
Sa murang edad ay kumakayod na siya para lang may ipadala sa kanyang pamilya at upang may makain din sila.
Ibang iba sa panahon ko na halos karamihan sa kabataan ay gadgets ang inaatupag.
''Hindi ko aakalain na dito ka, pala nakatira binibini.'' Napalingon naman ako doon sa nagsalita.
Kumunot naman ang noo ko ng mapagtantong si Mauricio ito. At nakasuot ito ng panghardinero.
''Mauricio?'' Takang sambit ko. Napangiti naman nito.
''Ikinagagalak ko't ay nakilala mo pa ako binibini.'' Lintaya nito sabay yuko.
''Señiorita Franceska, kilala mo po pala si Ginoong Mauricio.'' Napabaling naman ang tingin ko kay Sonya na ngayon ay tumataas baba ang kilay niya tila ba inaasar ako nito.
''Oo. Nakilala ko siya kahapon sa pamilihan.'' Masungit kung sambit sabay baling ng tingin kay Mauricio na ngayon ay nakangiti parin.
''Anong ginagawa mo dito sa asyenda namin.'' Mataray kung sambit. Na siyang maslalong ikinangiti pa niya.
''Ikaw pala si Señiorita Franceska, ang nag aral sa bansang inglitira. Hindi ko naman aakalain na ikaw pala iyon, sa wakas at na laman ko rin ang napakagandang pangalan mo.'' Halos mapunit naman ang labi niya, dahil sa kakangiti niya sa akin, ay umirap naman ako sa kaniya.
''Inuulit ko bakit ka, andito sa asyenda namin.'' Masungit kong sambit at tinignan ko siya ng seryoso. Napahawak naman ito sa kaniyang batok, sabay tingin sa aking mata.
''Isa po a---''
''Anak Mauricio, bakit ka andito----ay jusko Señiorita Franceska ikaw pala iyan.'' Napatingin naman ako kay Mang Kanor ng bigla na lamang ito sumulpot kung saan sabay tingin kay Mauricio.
Teka ano sabi niya?
''ANAK MO SIYA!?''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historická literaturaDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...