𝗡𝗔𝗚𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 naman ako sa marahang pagtapik sa aking balikat, kaya dahan-dahan ko naman minulat, ang aking mga mata.
Bumangon naman ako sa pagkakasandal mula sa balikat ni Heneral, humikab naman ako sabay tingin sa kaniya.
''Nawa'y masayahan ka sa pag-unan sa aking matipunong balikat.'' Mahangin nitong lintaya, kaya umirap naman ako.
'Nawa'y hindi rin bumagyo ngayon, dahil sa lakas ng hangin sa utak niya' sambit ko na lamang sa aking isipan.
Hindi ko na lamang siya inimikan at tumingin na lamang ako sa bintana ng kalesa.
''Saan ba tayo patungo?'' Inip kong sambit, ngunit hindi ko naman inaasahan na bubulong ito.
''Sa aking kwarto, gagawa tayo ng isang dosenang supling.'' Siniko ko naman ito dahil sa kamanyakisan niyang sinabi sa akin.
''Subukan mo ng iyang b@yag mo ang walang lat@y. Subukan mo at ng hindi kana sikatan ng araw.'' Maangas kong sambit, sabay pinakita ang aking kamao.
''Subukan mo ng ilibing kita ng maaga.'' Dugtong ko pa, kaya ngumisi naman ako.
''Oh? Anong gusto mong subukan? Pili kana at malugod ko naman itong ipapataw sa 'yo.'' Nakangiting saad ko sa kaniya kaya na palunok naman ito sabay iling.
Natawa naman ako. Buti at alam niyang matakot.
''Manong, sa burol po tayo ng mag kasing-irog.'' Sambit ko, sa kutsero, kaya agad namang lumiko ang kalesa at pumunta ito sa baba ng burol.
''Señiorita Franceska, hindi na po kaya ng kalesa na pumunta sa itaas ng burol.'' Sambit ni Manong kutsero, kaya bumaba naman si Heneral upang alalayan niya sana akong bumaba.
Ngunit na unahan ko naman siya, dahil agad naman akong lumundag pababa ng kalesa.
''Manong mauna na kayong, umuwi maglalakad nalang kami pauwi mamaya.'' Saad ko kay Manong Kutsero kaya nag-aalangan pa itong sundin ang aking inutos.
Kaya tumingin naman ako kay heneral na ngayon ay nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang slack.
''Sundin mo na lamang ang gusto ng aking binibini, Mang Hector.'' Lintaya ni Heneral, sabay tingin sa akin at kindat.
Umirap naman ako, at siya ka ako tumingin naman kay Manong Kutsero.
''Kayo'y mag-ingat Señor Legazpi at Señiorita Franceska, dapat bago po magdilim ay nakauwi na po kayo.'' Habilin ni Manong Kutsero sa amin, kaya tumango naman ako bilang tugon.
''Ako'y lilisan na po.'' Pagpapa-alam nito.
Nang makaalis na ang kutsero ni Heneral ay nagsimula narin kaming pumunta sa itaas ng burol.
''Bakit dito mo nais magtungo, aking binibini?'' Napahinto naman ako sa paglalakad ng magsalita sa likudan ko si Heneral, kaya lumingon naman ako sa kaniya.
''Wala tayong lugar na mapupuntahan, ayaw ko naman sa pamilihan dahil magastos lamang kung pupunta doon.'' Sambit ko, sabay tingin muli sa aking nilalakaran.
''At maslalong ayaw ko naman sa kwarto mo.'' Dugtong ko pa, kaya na tawa naman ito, naramdaman ko naman ang paghawak niya sa aking kamay kaya hinayaan ko nalang siya.
''Ako'y nagbibiro lamang sa aking sinabi kanina, hindi ka naman mabiro aking binibini.'' Tumatawa nitong sambit kaya napatitig naman ako sa kaniya habang naglalakad kami..
''Aking binibini, maaari ba akong magtanong?'' Tanong nito kaya tinignan ko naman siya sa mata.
''Nagtatanong kana heneral.'' Pagpipilosopa ko sa kaniya kaya na tawa naman ito.
''Isa ka talagang pilyang binibini.'' Tumatawang saad nito kaya umirap naman ako.
''Ano ang i-tatanong sa akin, sabihin mo na.'' Pagbabalik ko sa topic niya, kaya sumeryoso naman ang muka nito.
''M-may nararamdaman kana ba sa akin kahit unti na lamang?'' Natigilan naman ako sa paglalakad ng sabihin niya ang mga katagang iyon.
Kinapa ko naman ang aking dibdib kung meron na ba akong nararamdaman para sa kaniya, tinignan ko naman siya sa mata.
Ngumiti naman ako,
''Ako'y may nararamdamang paghanga lang sayo heneral, ngunit alam kung lalalim pa ito kung iyong pagbubutihin ang pangliligaw sa akin.'' Sambit ko, kaya ngumiti naman ito sa akin.
Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong hinala palapit sa kaniya kaya na kulong naman ako sa matitipunong bisig niya.
''Ako'y nagpapasalamat sa matapat mong sagot aking binibini.'' Yumakap naman ako sa kaniya pabalik.
''Walang anuman, heneral.''
_
Pumipito naman ako habang nakahiga dito sa damuhan at nakatingala ako sa kalangitan, habang si heneral naman ay andoon sa silung ng punong narra.
''Aking binibini, ako'y may tanong muli.''
Dumapa naman ako upang tignan si heneral doon sa silung ng punong narra.
At siya ka ko siya tinaasan ng kilay.
''Ano iyon?''
''Magaling ka bang kumanta, aking binibini?'' Tanong nito kaya napaisip naman ko.
Kailan ba ang huling pagkanta ko noon?
Sa pagkakaalam ko ay nasa edad na labing apat na taon ako nong tumigil na akong kumanta.
Tumingin naman muli ako sa kaniya,
''Ako'y kumakanta noong bata ako, ngunit nong tumuntong na ako sa labing-apat na taong gulang ay tumigil na ako.'' Paliwanag ko sa kaniya.
''Hanggang sa umedad na ako ngayon ng 29 ay hindi na ako kumakanta, kaya hindi ko alam ang isasagot ko sa iyong tanong.'' Mahabang dugtong ko pa sa aking paliwanag.
Kaya tumango-tango naman ito.
''Ngunit maaari mo ba akong kantahan aking binibini? Kahit unti lamang.''
Kumunot naman ang noo ko dahil sa pakiusap nito. Gusto niya yatang makarinig ng boses manok na binibini.
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...