KABANATA 43

2K 84 0
                                    

𝗡𝗔𝗣𝗔𝗛𝗔𝗪𝗔𝗞 naman ako sa aking dibdib ng tumibok ito ng mabilis.

Nagkamali kasi ako sa aking pagbaba sa kabayo, kung kaya't sinalo naman ako ni Heneral.

A-ang lapit ng muka niya.

''Ano itong kapusukan mo, heneral!'' Halos mapatalon naman siya ng may sumigaw sa likudan niya.

Kaya na tawa naman ako, ng unti-unting kumalas ito sa pagkakahawak sa akin si heneral at humarap siya sa taong madilim na ngayon ang aura.

''S-señor Claudio.'' Utal na lintaya ni heneral kay Tiyo Claudio na ngayon, ay may itak na palang nakalagay sa tagiliran niya.

Natawa naman ako ng biglang hinabol ni Tiyo Claudio si heneral ng itak, habang si Lola Aloisa naman at Sonya nakararating lang ay gulat na gulat, dahil sa kanilang na saksihan.

''S-SEÑOR CLAUDIO! HUMINAHON PO KAYO!''

''IIT@KIN TALAGA KITANG BATA KA BUMALIK KA DITONG PANGAHAS KA!''

''S-SEÑOR! MAAWA KA!''

Tawa naman ako ng tawa, dahil sa mukang mvrderer si Tiyo Claudio habang hinahabol ang kawawang heneral.

_

''Kung ganon, ika'y manliligaw pala ng aking pamangkin, ngunit ika'y pangahas ng humahawak sa kaniya.'' Galit at yamot na lintaya ni Tiyo Claudio, kaya napangiti naman ako.

''At dahil sa iyong ka pangahasan, ay ika'y paparusahan ko sa pamamagitan ng mga ipag-uutos ko sayo.'' Halos mapanganga naman ako sa mga sinambit nito, akmang aangal na sana ako ng tinignan naman ako nito ng masungit.

Sh¡t istrikto lolo niyo!

''Ika'y may problema ba doon, Heneral Legazpi?'' Napatingin naman ako sa chill na chill na heneral, na para bang hindi ito papahirapan ni Tiyo Claudio.

''Ako'y malugod na tatanggapin ang iyong utos, Señor Claudio.'' Mahinahon nitong sambit, sabay tingin sa akin na nakangiti.

Aba hindi ba siya na tatakot na baka pahirapan siya ni Tiyo?

''E-ehem, Tiyo baka naman---''

''MANAHIMIK!''

Aba't sinigawan ba ako ni Tiyo, yamot naman akong tumayo.

''Sasabihin ko rin sa iyong iniirog na si tiya Helena na hirapan ka niya sa iyong pangliligaw sa kaniya, upang patas kayo ni Heneral, aba akala mo hindi ko alam huh.'' Sermon ko rin dito, kaya nakarinig naman ako ng mahihinang tawa.

Kaya napatingin naman ako doon at na kita ko doon si Tiya Helena at lola Aloisa na magkasama ngayon.

Tumakbo naman ako palapit kay Tiya Helena sabay turo kay Tiyo Claudio na ngayon ay mumutla na.

Ngumisi naman ako, ''Tiya Helena na oh, inaaway kami ni Tiyo Claudio. Pahirapan mo nga rin siya tulad ng ipapagawa niya kay heneral.'' Pagsusumbong ko dito, kaya tumawa naman ito ng mahinhin at siya ka hinaplus ng banayad ang aking buhok.

''Ako'y malugod na tatanggapin ang iyong hiling, Franceska.'' Dumila naman ako kay Tiyo Claudio na ngayon ay mukang na iiyak na ata.

''Buti nga sayo.''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon