''𝗔𝗞𝗢'𝗬 nag-alala na baka malugi ang asyenda, dahil sa subrang katakawan mo Francine.'' Sumimangot naman ako kay tanda, dahil sa sinabi nito. At himala sinabi niya, ang totoo kong pangalan.
''Pero ako'y humahanga rin, dahil sa kabila ng iyong katakawan ay hindi ka naman tumataba.'' Dugtong pa nito. Umirap naman ako.
''Sabi nga nila habang may pagkain, kumain ka malay mo iyon na pala ang huli mong kain.'' Seryosong sambit ko. Kaya ngumiti naman ito.
''Mukang kahit wala kang galang sa nakakatanda, mayroon ka namang paniniwala.'' Umiiling nito lintaya, kaya umirap naman ako.
''Nga pala tan---ARAY!''
''Sinabi kong wag mo akong tawaging tanda, at gumamit ka rin ng po at opo!'' Napahimas-himas naman ako sa aking balikat, sa kadahilanang pinalo niya iyon ng pamaypay niya.
''Diba sinabi ko, kapag ako nag 'po', kabahan kana.. dahil sigurado akong naka lunok na ako ng holy water.'' Natatawang sambit ko.
Akmang papaluin na naman niya ako, dahil sa aking kapilyahan umiwas naman kaagad ako.
''Bleeh, di----ARAY!''
''Lokong bata, akala mo siguro ay maiisahan mo ako. Siguro ngayon nakakita kana ng flying abaniko.'' Natatawang sambit ni tanda, kaya napahaplus, naman ako sa noo ko.
Bullseye eh.
''Tanda. Ang galing mong umasinta.'' Sambit ko sabay thumbs up. Kaya umiling naman ito sa akin.
''Pilyang binibini.''
_
''Señiorita! Bumaba po kayo, diyan sa puno.'' Sita sa akin ni Sonya, ngunit hindi ko ito pinansin. At linagay ko pa, ang dalawang braso ko sa ulunan, habang nakahiga ako sa sanga ng puno.
''Señiorita, baka mahulog po kayo diyan!'' Binalingan ko naman ito ng tingin.
''Shh. Matutulog ako umalis na kana dito ang ingay mo.'' Antok kong sambit, sabay pikit ng aking mata.
''Ngunit señiorita ma----.'' Naputol naman, ang sasabihin niya ng sitain ko ito.
''Shhhhhh. Wala ng ngunit-ngunit, magpatulog ka Sonya na aantok ako.''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment of my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
أدب تاريخيDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...