KABANATA 11

3.4K 114 8
                                    

''𝗢𝗣𝗢, Señiorita anak ko po siya at isa rin po siya sa mga nagtratrabaho dito sa asyenda.'' Gulat ko naman tinignan si Mauricio, sabay tingin kay Mang Kanor. Okay fine, may pagkahawig nga siya sa ama niya.

Tumikhim naman ako. ''Ehem. Ano pa ang ginagawa mo dito kong, isa ka pala sa mga trabahador? Maaga pa, para sa magpahinga hindi ba?'' Seryosong sambit ko, kaya natigilan naman silang mag-ama sa aking sinambit.

Mukang ninenerbiyos naman silang mag ama, dahil sa aking sinabi.

Natawa naman ako. ''Ako'y nag-bibiro lamang masyado naman ninyong seneryoso.'' Tumatawa kong sambit. Grabe pala sa panahong ito hindi mabiro ang mga trabahador.

''Akala ko'y na galit talaga kayo señiorita.'' Natatawang sambit naman ni Sonya kaya hinaplos ko muli ang buhok niya.

''Hindi ako magagalit, kasi alam ko namang mabigat, ang mga trabaho dito sa asyenda.'' Nakangiting sambit ko, sabay tingin sa mag-ama na ngayon ay nakahinga na ng maluwag.

''Kaya kahit kailan maaari kayong magpahinga, upang hindi kayo magkasakit.'' Dugtong ko pa sabay ngiti ng matamis.

''Marami pong salamat señiorita sa iyong kabutiang kalooban.'' Medyo na iiyak na sambit ni Mang Kanor, kaya na tawa naman ako.

''Nako kong alam lang ninyo, pilya at pasaway po ako kay Lola Aloisa.'' Natatawang sambit ko, kaya na tawa rin sila.

''Halata nga, binibining Franceska.'' Napatingin naman ako kay Mauricio na ngayon ay nakangiti sa akin.

''Maupo muna kayo, Mang Kanor at Ginoong Mauricio. Ako'y nahihirapan sa inyo dahil nakatayo kayo diyan.'' Ngiwi kong sambit. Kaya natatawang umupo naman sila sa kahoy na bangko.

''Nako señiorita, maaga pa para kumain ng mangga, akala ko'y mamayang hapon ninyo pa iyan kakainin.'' Sambit ni Mang Kanor, kaya tunawa naman si Sonya.

''Nako mang Kanor, hindi po kayo maniniwala ngunit nakalahati na niya ang basket na binigay ninyo sa kanya.'' Gulat namang napatingin sa akin ang mag-ama, habang ako ay nag-uumpisa na muling kumain.

''B-BUTIS KA!''

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon