KABANATA 6

4.6K 152 1
                                    

𝗡𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗧 naman ito ng masungit ko itong tanungin. Ngunit kalaunan ay ngumiti naman ito ng matamis sabay yuko ng kaunti.

''Ipagpaumanhin mo, sana binibini kong ako'y naging bastos at hindi agad nagpakilala sa 'yo. Namangha lamang ako sa iyong mga matatamis na ngiti binibini.'' Sambit nito, kaya masungit ko naman itong tinignan.

''Ako nga pala si Mauricio Guttierrez at nagagalak akong makakilala, ng isang tulad mong binibini na may matamis na mga ngiti.'' Dutong pa nito. Sabay yuko muli sa akin.

Umirap naman ako. ''Ginoo, hindi ako nagagalak na makilala ka kaya kong ako sayo umalis kana diyan sa lalakaran ko. Kung ayaw mong makatikim ng kamao ng isang binibini katulad ko.'' Pekeng ngiting sambit ko dito sabay tulak sa kanya.

Delikado tayo sa panahong ito. Masyado silang matatamis at mabubulaklak mag salita.

Natigilan naman ako sa paglalakad ulit ng marinig ko ang marahan niyang pagtawa sa aking likudan. Kaya maratay ko naman itong hinarap.

''Ano tinatawa tawa mo diyan?'' Tila na bigla naman ito sa aking sinambit sa kanya, ngunit kalaunan ay ngumiti ito sa akin sabay hawak sa kanyang batok.

Hindi ako magsisinungaling ngunit katulad ni heneral palikero, mukang may ibubuga rin ang isang ito sa pagiging magandang lalaki.

Actually he's a type of cuteboy kong tawagin sa panahon natin.

Pero dahil ako si Francine Neva Licretia. Walang tumatalab na karisma ng lalaki sa akin.

''Ako'y nagulat lang, dahil kakaibang binibini ka.'' Nakangiting lintaya nito sa akin.

Kakaiba? Kunot noo ko naman itong tinignan.

''At ano naman ang kakaiba sa akin?'' Taas kilay kong saad sa kanya, kaya napalunok naman ito sabay hawak sa batok niya.

Mukang kinaugalian niya na iyon.

''Wag mo sana'ng masamain ang aking sasabihin binibini, ngunit hindi ka mahinhin maglakad at magsalita, at sya ka may pakamaangas karin.'' I smirked. What a good observant you are Mauricio.

''Tama ka, at wala kanang pake doon.'' Sambit ko, sabay lakad muli. Saan na ba si tanda bigla nalang nawala.

''Binibini!''

''Binibini, saglit lang!'' Yamot ko namang binalingan muli siya ng tingin si Mauricio.

''Bakit ba?'' Masungit kong saad.

''Pwedi ko bang, malaman ang iyong pangalan binibini?'' Yun lang ba ang sasabihin niya? Sinamaan ko naman ito ng tingin, dahil sa inuubos niya lang ang aking oras.

Dahil lang sa walang kwentang pangalan.

''Tanungin mo sa pagong baka ika'y sakaling sagutin.'' Pilosopang sambit ko dito, at sya ka ko siya iniwang tulala doon.

Ano siya sweneswerte? May bayad ako no. Food first, before the answer.

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon