KABANATA 44

2K 81 0
                                    

𝗞𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 ko lamang ngunit andito na ako ngayon sa pataniman, na kita ko naman si Mauricio sa taniman kaya nilapitan ko naman ito.

''Kamusta, tagal nating hindi nagkita.'' Bati ko sa kaniya, kaya gulat naman itong na patingin sa akin.

Ngumiti naman ito ng matamis, at napakamot din siya sa kaniyang batok.

''Ako'y may nililigawang binibini, kung kaya't minsan na lamang ako nakakapunta dito sa pataniman.'' Namumula nitong sambit, kaya inasar-asar ko naman ito.

Pumunta naman kami dito sa ilamin ng puno, upang makapag-usap kahit papaano kasi isa siya sa naging kaibigan dito sa asyenda.

Natawa naman ako, sa una nilang pagkikita ng binibini kaniyang liniligawan ngayon.

Aba parehas pala kami ng binibining iyon mapanakit. Una nilang pagkikita ay na suntok daw siya ng binibining iyon.

Pinagkamalan daw kasi siyang manyakis.

Tawa naman ako ng tawa.
Aba kawawa naman itong si Mauricio.

''Nakakatuwa naman at may na pupusuhan ka ng binibini.'' Nakangiting lintaya ko, kaya ngumiti naman ito sa akin.

''Ngunit alam mo, ako'y nagkaroon din sayo ng pagtingin binibini.'' Gulat naman akong na patingin sa kaniya.

''Nong na laman kung ika'y nililigawan na ni Señor Legazpi ay umiwas na ako, upang hindi na ako makagulo pa sa inyo.'' Hindi naman ako nakaimik, hindi kasi ako makapaniwala.

''Doon ko na kilala ang binibining liniligawan ko ngayon.'' Dugtong niya pa, kaya na patakip naman ang sa aking bibig.

Hindi ko man lang na pansin na, may gusto pala sa akin si Mauricio, na pangiti na lamang ako.

Hinaplus ko naman, ang ulunan nito.

''Patawad, at hindi ko na pansin na may pagtingin ka pala sa akin, ang akala ko'y kaibigan lamang ang tingin mo sa akin.'' Sambit ko, siguro kung mangliligaw sa akin si Mauricio ay hindi malabong ako'y mahulog sa kaniya.

Nasa kaniya na kasi ang lahat ng hinahanap ng babae.

Gentleman, cute boy, may sense of humor, at hindi lang iyon magalang at masipag din, kaya hindi na ako magtataka kung yong liniligawan niya ngayon ay mahulog ang loob sa kaniya.

''Ika'y kaibig-ibig na ginoo Mauricio kung kaya't hindi malabong mahulog din ang loob ng binibining iyon.'' Kumislap naman ang mga mata nitong nakatingin sa akin, kaya ngumiti naman ako sa kaniya.

Nagulat naman ako ng may malamig na boses na nagsalita sa likudan ko.

''Ika'y may na pupusuhang ibang ginoo kung kaya't hindi mo maibaling ang tingin mo sa akin?'' Kinabahan naman akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Nanlalaki naman ang aking mata ng makita ko kung sino ito.

''H-heneral.''

''Wala na ba akong pag-asa sayo, aking binibini?''

Tumulo naman ang mga luha nito sa kaniyang mata at tumalikod sa akin, hindi ko naman ito na sundan dahil sa pagkagulat ko.

''Binibining Franceska, ika'y habulin na si Señor Legazpi, mukang na mali ang kaniyang pagkakaintindi sa ating usapan.'' Lintaya ni Mauricio, kaya tumayo naman ako upang sundan na si Heneral

Ang lalaking iyon, ang hilig mag isip ng mali.

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon