Kabanata 6 : Major Problem

399 50 23
                                    


Kabanata 6 : Major Problem

Manila


"Asar. Hindi talaga tumawag." inis na sabi ni Wine.

Alas onse y media na at wala pa rin tawag mula kay Elle. Kanina pa niya hinihintay ang tawag ng asawa pero kahit isang ring man lang hindi magawa ng asawa niya.

"Buweset. Nasa bahay na nga lang." muling sabi ni Wine habang naglalakad ito papuntang opisina niya.

Katatapos lang ng meeting nila na halos nakaka-stress sa kasong hawak ng team nila.

Nang makapasok si Wine sa maliit na opisina na iyon sa isang gusali sa Manila agad na umupo ito sa silya nito at kinuha ang cellphone.

..............

Flashback

Heather Island

"Aiissst! Natapos din." sabi ni Monty ng matapos ang pagluluto. Nagsalang na rin siya ng kanin sa rice cooker na malaki dahil alam niyang malakas kumain ang sixtuplets kaya dinamihan na niya ang sinaing niyang kanin.

Napangiti pa si Monty ng makita ang niluto. Dalawang buong manok iyon na tinadtad ng malalaki na ikinangisi niya dahil dalawang araw na sa kanila ang niluto niya pero sa pamilya ni Elle at Wine isang kainan lamang iyon.

"Lintik, nag-anak ng buong barangay so asahan ang hirap." sabi ni Monty sa isip ng mahinuha nito kung gaano kapagod si Elle sa pag-aalaga sa onseng anak nito habang nasa trabaho si Wine.

"Aissst. Kaya salamat na rin nakaisa. At least may isang anak." sabi ni Monty habang nagliligpit ito ng pinaglutuan.

"Tssss. Pero kung ako kay Wine bibigyan kita ng katulong...." udlot na sabi ni Monty ng mapangisi sa naisip.

"...pero paano nga naman mabibigyan ng katulong sayang ang pansahod. Puwede na iyong pambili ng ulam nang ilang araw din." sabi ni Monty na napailing.

Napahingang malalim si Monty, kung sila nga ni Aira nagtitipid sa buhay kahit isa lang ang anak nila ano pa kaya ang onse. Isama pa na alam naman niya na hindi ganoon kayaman si Wine dahil ang kayamanan ng tatay nito ay nagastos sa gamutan ni Malic at Chhaya dati. Kaya kahit isang anak lang si Wine ng mag-asawang Malic at Venus, at kahit hindi pamanahan ni Malic ang anak nito sa labas na si Chhaya para kay Monty kulang pa rin ang matatanggap na mana ng kaibigan sa onseng anak ni Wine.

Napatingin si Monty kay Elle na inayos niya kanina sa pagkakahiga sa sofa. Humihilik pa ito sa kapaguran na hindi naman niya masisi dahil mahirap mag-alaga ng anak na kung dati wala siyang alam sa ganoong trabaho. Iba na ngayon dahil nakikita niya si Aira o si Hestia dati kung paano gumising ng maaga para alagaan si Laurent at hindi biro ang pagod ng dalawa na kung tutuusin salitan pang nag-aalaga kay Laurent dati.

Kaya naman ng solohin nila ni Aira si Laurent at umalis sila AJ at Hestia mas lalo silang nakaramdam ng pagod lalo na at ang gastos ng mag-ina niya ay sinolo na niya. Kung dati din kasi nakikishare sa panggastos si Aj para kay Laurent at Hestia ngayon hindi na dahil nga naisipan nilang mamuhay ng isang buong pamilya na sinang-ayunan ni Aj para masolo nila ni Aira ang anak.

"Kapag may asawa ka na magbabago ang lahat, at kapag nagsolo na kayo mararamdaman mo ang sobrang hirap." sabi ni Monty sa natutulog na si Elle.

"Hays! Pero hindi mo naman mararamdaman ang hirap kung may katulong ka sana... katulong... iyong asawa mong... haysss!" napabuntung hiningang sabi ni Monty saka ito umupo sa katabing upuan kung saan nakahiga si Elle.

The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon