Kabanata 22 : Pikon

452 47 14
                                    

Kabanata 22 : Pikon

Heather Island


"Ako ang runner na naka-swimsuit para runner na swimmer pa."nakangiting sabi ni Elle.

"Hahaha! Oo nga naman, sabagay." sabi ng lalaki na natawa.

"Teka bakit ka pala nagawi dito?" sabi ni Elle dahil taga Manila ang lalaking kausap niya.

"Ahhmmm." nakangiting sabi ng lalaki.


"Ahmmm?"
nakangiting sabi ni Elle.

"May meeting kami para sa gagawing airport dito." sabi ng lalaki.

Napangiti si Elle, wala nga Paliparan sa naturang isla. Nakakapagbiyahe ang mga tao doon na paroo't parito sa isla sa pamamagitan ng barko.

At sila naman kasi na grupo na napadpad doon ay may mga chopper na pag-aari, kaya mabilis sila nakakaalis at nakakabalik sa isla. May sarili silang Paliparan, para lamang sa mga chopper ng grupo na ipinatayo ni Fox, ang siyang nagmamay-ari ng pinakamalaking porsyento sa Heather Island. Ito ay asawa ng pinsan ni Elle na si Yummy.

Ang kuya naman niyang si Autumn ay nagpagawa ng helipad sa taas ng bahay nito. Si Wine naman na asawa niya ay sa taas ng Heather mall nagpagawa ng helipad. Pero dahil isang chopper lang ang puwede o kaya sa helipad nila na pagmamay ari, kaya kay Fox Ysmael pa rin sila bumabase.

"Elle." mahinang tawag ng lalaki.


"Ano?"
sabi ni Elle na mahimasmasan.

"Pagod ka na. Sumakay ka na at ihahatid na kita sa taas." sabi ng lalaki.

"Nakakahiya. Out of the way ka." sabi ni Elle dahil alam niyang kung may paliparang ipapatayo sa isla, hindi sa bandang Glass House dahil dead end na iyon.

"Ang totoo pupunta talaga ako sa Glass House." sabi ng lalaki.

"Bakit?" sabi ni Elle na nagtakaka.

"Kukunin ko iyong binili ko." sabi ng lalaki.


"BIniling ano?"
sabi ni Elle.

"Hahahaha!" nahiyang tawa ng lalaki ng mamula ito, na ikinahinto ni Elle sa paglalakad kaya naman napahinto rin ang kotse kung saan lulan ang lalaki.

"Ano?' nakangiting sabi ni Elle.

"Ako kasi iyong bumili ng dress na 10k." nahihiyang sabi ng lalaki.

"Ikaw?" di makapaniwalang sabi ni Elle.

"Oo. Saka.." nahihiyang sabi ng lalaki ng huminto ito sa pagsasalita na halatang hindi nito alam kung anong sasabihin.

Napangiti si Elle kilala niya ang lalaki, minsan itong naging customer sa El Casa at kumukuha ng escort doon. Ito rin ang isa sa naging customer ni Kim, asawa ng pinsan ni Elle na si Ion.

May-ari ito ng Casino kung saan nalulong ang kuya ni Twinkle sa sugal. Si Twinkle ay asawa naman ng pinsan ni Elle na si Ciao.

"Saka?" sabi ni Elle

"Puwede ka ba?" sabi ng lalaki.

"Puwedeng ano?" sabi ni Elle.


"May dadaluhan kasi akong business gathering. At iyong damit na binili ko na sumakto sayo...... Ahhmmm! para sana sayo na susuutin mo sa party, na pupuntahan ko kasama sana kita. Kung okay lang?"
nahihiyang sabi ng lalaki.

The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon