Kabanata 24 : Ang Puno't Dulo

479 49 11
                                    

Kabanata 24 : Ang Puno't Dulo


"Ano?" naguguluhang sabi ni Aira

"Papayagan ko kayo magsex kahit saan basta wala dito ang mga anak ko. Pero make sure maririnig ni Elle at magpapanggap kayong multo sa bahay na ito habang nagsesex." nakangising sabi ni Wine.


"Ano? Nababaliw ka ba?"
di makapaniwalang sabi ni Monty kay Wine.

"Okay ka lang?" sabi ni Aira na tila si Wine ang may sayad at hindi ang pinsan niyang si Elle.

"Kanina narinig namin ang ungol niyo at ang akala ng inosente kong asawa multo kayo at sa pangyayaring iyon niyakap niya ako at iyon ang unang beses mula ng dumating ako na naramdaman kong kailangan niya ako. Kaya naisip ko, gamitin ang kahalayan niyo sa bahay ko para makuha ko uli ang asawa ko." nakangising sabi ni Wine.


"Nakadroga ka ba?"
sabi ni Monty kay Wine.


"Huh! Oo, sa asawa ko. Drogang hindi ko makuha."
nakangising sabi ni Wine na ikinatingin ni Aira kay Wine.

Napatingin si Wine kay Aira at ngumiti ito.

"Ilang buwan na akong walang sex, at ng mapanood ko kayo mula sa cctv lalo pa akong natakam." nakangiting sabi ni Wine habang nakatitig kay Aira.

"Tama na iyan" inis na sabi ni Monty saka nito iniharang ang sarili para takpan si Aira kay Wine.

Napangisi si Wine at bumulong ito kay Monty.

"Pagbutihin mo, at baka sa asawa mo ako makaiskor." bulong ni Wine na ikinatiim ng bagang ni Monty saka nito kinuwelyuhan si Wine at sinuntok ng malakas.

"Monty!" sigaw ni Aira na agad inawat si Monty.

"Gago ka." nagtitimpi sa galit na sabi ni Monty kay Wine.

"Hindi ako nagbibiro, at kaya ko iyon gawin. Lahat ng naipon ko sa ilang buwan ibibigay ko sa masarap mong putahe." nakangising sabi ni Wine saka ito lumapit at sinuntok si Monty.

"Ahhhh!" sigaw ni Aira ng masuntok ni Wine si Monty.

"Gawin mo ang pinapagawa ko kung ayaw mong totohanin ko." sabi ni Wine kay Monty saka ito umalis ng kusina.

"Baliw! Siya yata ang nababaliw at hindi si Elle." inis na sabi ni Monty na ikinatingin ni Aira kay Wine.

Napatingin si Monty kay Aira at napakunot ang noo nito ng may makitang kakaiba sa mata ng asawa.

"Shit, hindi puwede. Akin ka lang." sabi ni Monty sa isip habang nakatitig kay Aira.

"Okay sige para hindi matuon ang atensyon mo sa gagong iyon, pagbibigyan ko siya at.... iinggitin ko siya. Makikita niya ang pinapagawa niya ay isang parusa sa kanya." dagdag na nakangising sabi ni Monty sa isip.

"Okay, papayag tayo sa gusto ng mokong na iyon." sabi ni Monty na ikinagulat at ikinabaling ng tingin ni Aira sa kanya.

"Ano?" sabi ni Aira sabay baling ng tingin kay Monty.

"Sex lang pala. Okay magsex tayo dito sa bahay niya hanggang mainggit siya ng todo." nakangising sabi ni Monty

Napatingin si Aira kay Monty nasa mga mata ng asawa ang kasiguraduhan sa desisyon nito.

"Pupunuin ko ng pagmamahal ang pagtatalik natin para hindi ka matukso sa iba. Alam kong madaling mainlove sa kanya pero hindi ako papayag na maging isa ka sa mga babaeng iyon." sabi ni Monty sa isip habang nakatitig kay Aira na nakatitig din sa kanya.

The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon