Kabanata 13 : Bro

384 42 7
                                    

Kabanata 13 : Bro

One week later

Heather Island


"Okay na ba?" sabi ni Elle sa mga anak ng magawa ang mga ibebentang damit na pinatahi nila sa loob ng isang linggo para sa online selling niya. Isinalansan na niya ang mga ito sa hanger at maayos iyon idinisplay.

"Opo Mama." sabi ng quintuplets na naging katuwang at kasama ni Elle sa lahat.

"Magsisimula na tayo." excited na sabi ni Elle

Lumipas ang isang linggo mula ng mangyari ang insidente sa bayan at pagkakabenta niya ng malaki sa online selling niya pero sa loob ng ilang linggo hindi pa rin umuuwi si Wine. Nagpapadala naman ito ng mga mensahe at kinakamusta sila pero miminsanan lang iyon.

Nailathala din sa socmed ang nangyari sa bayan pero para kay Elle wala lang sa kanya ang bagay na iyon sana... pero dahil umalingasngas sa bayan ang sinabi ni Dulce nagdulot ng dagdag pag iisip ni Elle na kahit alam niyang hindi totoo, napapaisip siya kung paano may nagawa si Wine sa iba. Na hindi malabong mangyari dahil lalaki ang asawa niya at may pangangailangan ito.

"Mama." tawag ni Peony ng matulala ang mama nila na madalas mangyari sa ina.

"Anak." nahimasmasan na sabi ni Elle

"Lagyan po natin ng kulay o gimik ang online selling niyo." nakangiting sabi ni Fleur na hanggat maaari kinakausap nila ang Mama nila at sinasamahan lagi para hindi ito makaramdam ng lungkot dahil hanggang ngayon hindi pa umuuwi ang Papa nila na ipinagtataka rin ng limang batang babae.

"Kulay? Paano naman iyon anak?" sabi ni Elle habang nakaupo ang mga anak sa sofa at siya naman ay nakaluhod sa sahig at nakatingin sa mga ito.

Napangiti ang limang batang babae at mula sa likuran ni Blossom ipinkaita nito ang mag make-up kay Elle.

"Anong gagawin natin diyan?" nakangiting tanong ni Elle.

"Sabi ni lola Joyce sa amin dati dadami ang kliyente kapag may kulay tayo." sabi ni Blossom

"Kaya naman po naisipan namin na mas lalo kang pagandahin ng sa ganoon mas lalo maraming manood sayo." sabi ni Periwinkle.

"At bumili." dagdag na sabi ni Iris.

Napangiti si Elle, sa loob ng isang linggo hindi nagsawang tumulong ang mga anak niya sa kanya at kahit ang limang mananahing kinuha niya ay masayang kinakausap ng limang anak niya, kaya naman giliw na giliw ang limang tauhan niya sa mga anak kaya napapabilis ang gawa ng mga ito sa pulidong paraan.

Napatingin si Elle sa guest room na tuluyan na niyang ginawang store sa online shopping niya. Naroroon na rin niya inilagay ang opisina sa pananahi ng limang tauhan na ngayon ay nasa gilid at nananahi para deretso ang produksiyon nila ng mga damit.

Mula sa pinagbentahan niya ng mga gamit. Naiayos niya ang lugar at ngayon tila nasa department store sila ng mall kung saan nakahanger ang mga ibebenta nilang damit.

Bukod doon natutuwa siya dahil ang mga anak niya ang kasama niya sa bayan para bumili ng tela. At ang ikinatutuwa pa niya nagsuhestyon muli ang quintuplets niya kung saan puwede bumili ng ibang tela para gamitin sa mga dress na pang alis.

Natutunan daw ng quintuplets iyon sa lola Joyce ng mga nito kaya naman laking pasasalamat niya sa lola ni Shadow dahil malaki ang ambag nito sa mga anak niya na nagagamit niya ngayon.

The Red Flame : Grape Wine and Cheesecake ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon