CHAPTER 2

34 3 0
                                    

Ring

Nasa couch na kami ngayon, panay ang silip ko sa lalaki habang kausap nito si papa.

"My thank you's is beyond Simeon"Umiling ang lalaki sa sinabi ni papa.

"Don't be"Lumingon ito saakin, kaya napaupo ako ng maayos.

"I'll go now"Tumayo na ito , kaya kaagad namang tumayo ang aking ama, sumunod ako sa ginawa niya.

"Okay eho, mamaya natayo mag-usap"Tumango ang lalaki at binuksan kaagad ang pintuan para makalabas ito. Nang nakaalis na ito ay malaki ang ngiti ni papa.

"Sa wakas nasa tamang kamay na ang kompanya natin Delina"Hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Nang nakita muna siya eha, ano ang nasa isip mo?"Napalunok ako, gwapo ang lalaki , kitang-kita sa pananamit at aura nito kung gaano ito ka successful, kaso natatakot ako, malaki ang katawan ng lalaki at mukhang masungit pa ito . Paano kung saktan ako nito.

"Sana po hindi niya ako sakta o pilitin"Mahinang usal ko , umiling naman kaagad si papa sa sinabi ko.

"Huwag kang mag-alala eha, nasa mabuting kamay ka. Busy si Simeon sa mga trabaho niya , malaki rin ang mansyon nun at nag-usap na kami na huwag kang pilitin sa mga bagay na ayaw mo"Dahan-dahan akong tumango, kahit nahahabag parin. Paano banaman kasi , kahit kailan hindi paako nagkaroon ng boyfriend o manliligaw kaya nakakagulat na malaman na magkakaroon na ako ng asawa .

"Pero Kleno paano mo masasabi iyan, eh mag-asawa nasila, lalaki rin si Simeon?"Si mama, umiling ulit si papa .

"Huwag kang mag-alala, may ibang mahal iyang si Simeon, ang alam ko nung namatay ang fiancee nun ay hindi naiyon pa nagkainteres ng ibang babae, kaya huwag kayong mag-alala, hindi rin naman ako papayag na mapahamak ang unica eha ko"Pagkatapos ng usapan namin ay pinagbihis naako dahil malapit na ang oras. Tatawagan ko sana si Daphne ang nag-iisang kaibigan ko kaso sobrang busy nakasi ng mga kasambahay sa pagtutulong sa pagdadamit ko. Kanina ko pasila sinasabihan na kaya ko na, kaso mapilit sila.

Kanina ay pinapapili nila ako sa susuutin ko kaso ng nakapili ako ayaw naman nila dahil hindi daw ito nababagay sa theme . Kaya ang nangyari red gown black less ang suot ko. Gustong-gusto kong umiyak dahil hindi ako komportable, pinupuri naman ako ng kasambahay para gumaan ang pakiramdam ko .

"Heto napo ang heels na susuutin niyo ma'am"Umiling kaagad ako, dahil sa sobrang taas nito.

"Hindi ko po kaya iyan!"Kaya ang nangyari pinapapili nila ako . Nang okay na ang lahat ay tiningnan ko ang reflection ko sasalamin. Parang hindi ako , parang nakakita ako ng ibang babae. Napatitig ako doon dahil na aamaze ako sa ganda ko, light make up ang ginamit nila at messy bun ang ginawa nila sa buhos ko, may earings din ako na ngayon lang binutasan at contact lens na Ang gamit ngayon.

"Sobrang ganda niyo talaga ma'am"Kanina panila ako pinupuri, nakaramdam naman ako ng saya dahil ngayon lang ako napuri ng ganito .

"Gumanda ka lalo ma'am, kamukha mona tuloy si ma'am Chesza"Nilingon ko sila at nginitian.

"Sino si Chesza?"Siniko nong isang babae ang nagsabi nun, ngumiti ito ng hilaw at umiling.

"Tayo napo ma'am"Hindi konalang sila pinilit at lumabas nanga sa kwarto, nang nasa living room na kami ay lumapit si mama at ang kapatid ko.

"You look beautiful eha"Ngumiti si mama pero kitang-kita ang lungkot nito.

"Mukhang gumanda kanga sa suot mo ate"Nilingon ko ang kapatid ko.

"Salamat"Niyakap ako ni mama.

"Alam mo Kline, masakit isipin na magpapakasal kana sa taong hindi mo mahal, bata kapalang pinangarap konang maging masaya ka, alam ko ang masasakit na pinagdaanan mo kahit hindi mo sinabi saakin, lalo nasa school ninyo. Alam ko ang pagod at iyak mo Kline, pasensiya na anak, pasensiya na kung nandito sa sitwasyong ito"Umiling ako sa sinabi ni mama, masarap marinig sa kanya ang salitang ito, dahil akala ko hindi niya alam ang mga masasakit na pinagdaanan ko. Pero ayaw kong isipan niya na problema ito, kahit ganito ang ginawa ni papa ay hindi naman ako magtatanim ng galit sa kanila.

"Okay lang po mama, basta po masaya kayo ay masaya narin ako"Pinunasan ni mama ang luha nito, magtatagal nasana kami ng pinatawag na kami dahil magsisimula na. Napatingin ako kay mama ng kinuha nito ang kamay ko .

"Isuot moto eha, iyan ang engagement ring ninyo"Napatingin ako sa red box, binuksan ko iyon at halos masilaw ako sa diamonds doon.

"Ang laki naman po ata nito ma"Ngumiti lang si mama.

"Kahit ilang bilyon payan eha, itatak mo sa isipan mo na mas mahal kapa sa bagay nayan, walang bagay na hihigit saiyo"Nilagay ko ang singsing sa daliri ko at niyakap ng mahigpit si mama.Walang bagay na hihigit saakin pero bakit ako nandito sa sitwasyon naito?

Sobrang kaba ko ng nasa kwarto ako, doon ako lalabas papuntang staircase ng resort para sa malawak na harden. Ngayon lang ako makaranas ng ganito, hindi kasi engrade ang debut ko at okay lang naman iyon saakin, gusto man ng pamilya ko ay hindi na ako pumayag. Noong una excited paako kaya inimbita ko ang mga kaklase ko pero pinagtawanan lang nila ako , kahit daw debut ko yan hindi daw nila kayang makipagplastikan saakin. Hindi naman ako maldita para ayawan ako sadyang ayaw lang talaga nila ako.

"Lumabas napo kayo ma'am"Pinagbuksan ako ng pintuan, pagkabukas ng pintuan ay doon ko nakita si Simeon, hindi ito nakangiti pero kitang-kita ko ang pagkakunot ng noo nito. Lumapit ito saakin kaya nilagay ko ang braso ko sa braso niya gaya ng utos ng mga katulong saakin kanina. Sobrang kaba ko lalo ng magsimula na kaming maglakad. Sobrang haba ng hagdanan na feeling ko mahuhulog ako doon, kaya mahigpit ang pagkahawak ko kay Simeon.

Nang nasa gitna na kami ng hagdanan doon ko nakita ang mga tao, halos mahimatay ako dahil sa sobrang dami ng tao at lahat sila nakatitig saakin. O goodness, sana hindi ako mahulog o matipilok.

"The beautiful fiancee of our only Simeon Lomon Albaracin, miss Kline Jane Bastasa , from the Bastasa Corporation and BSTS MV" Nagpalakpakan kaagad ang mga tao, napabuntong hininga ako ng nakababa nakami sa hagdanan .

Lumapit kaagad kami sa gitna, binigay ng emcee ang mike nito kay Simeon.

"Good evening everyone, I'm so grateful to have you here to witness my engagement party of my beloved fiancee "Napaangat ako ng tingin sa kanya ng binigay nito ang mike saakin.

"Just welcome them"Bulong nito, kinakabahan man ay dahan-dahan kong kinuha ang mike . Parang nawalan ako ng vision habang nasa gitna ng maraming tao.

"Ahm, good evening everyone, I welcome you to our engagement party, hope you enjoy"Nagpalakpakan naman ang mga tao . Pagkatapos ay nilapitan kaagad kami ng mga kakilalang tao .

"Hi eha, your stunning tonight, very beautiful"Nahiya ako sa sinabi ng matandang babae saakin .

"Thank you po"

"Can I see your engagement ring?"Tumango ako sa kanya, nilahad ko ang kamay ko sa matanda at kitang-kita ko ang gulat nito sa mata .

"Oh my goodness, this is very expensive then"Marami pa ang lumapit saakin para e congratulate ako at tingnan ang singsing ko, busy narin kasi si Simeon sa pakikipag-usap niya sa iba kaya napalayo ako sa kanya.

Napagpasiyahan kong puntahan ang pamilya ko dahil uneasy naako , pero bago paako makaalis ay may tumawag saakin.

"Kline, I can't believe you, sobrang ganda mo pala"Nilingon ko ang nagsabi nun at takot at kaba ang nararamdaman ko ng si Jay iyon.

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon