CHAPTER 5

23 2 0
                                    

Angry

Dahan-dahan akong lumapit sa mesa , nakakahiya man ay hindi kona inisip iyon dahil gutom na gutom na talaga ako. Nagsandok ako ng kanin, dahan-dahan akong nagsandok ng ulam, nilingon ko muna si Simeon ng hindi ito nakatingin ay dinamihan kona ang paglagay.

Napapikit naako ng matikman ang minudo nito, ang sarap.

"Magaling ka palang magluto?"Inangat nito ang tingin saakin at tumango, seryuso itong nakatingin sa pagkain nito, napatitig tuloy ako sa kanya. Bakit ang seryuso nito, bakit ang cold niya?

"Ahm, kailan pala ang kasal?"Mahinang tanong ko, tiningnan ulit ako nito.

"Ang magulang mo ang magdedesisyon"Malamig nitong saad, tumango ako at tumahimik nalang at baka ayaw nito sa maingay.

Kinabukasan sinagot nani papa ang tanong ko, galak na galak nitong sinabi na ngayong linggo na ang kasal namin ni Simeon, ngumiti ako hilaw ng makita ang galak sa mukha nito.

"Your mom already choose your gown eha, everything is done so don't worry"Nilingon ko si mama, ngumiti ito saakin, tumikhim ako.

"M-mabuti po kung ganun papa"Ngiti kong saad kahit nagdurugo na ang puso ko, okay lang iyan Kline, sanay kanamang masaktan ang kailangan molang gawin ay tanggapin ang sakit .

"Nagkaigihan naba kayo eha?"Si mama.

"Nag-uusap naman po kami ma"Tumango ito.

"Hindi kaba niya sinusungitan ?"Umiling ako, seryuso ang lalaki at ayaw nitong nag-uusap kami , naiintindihan konaman ito, nagpakasal siya saakin dahil sa kompanya namin ng pamilya ko ganun rin ako kaya naiintindihan ko siya kung ayaw niyang mag-usap kami ,busy din ito palagi at may kausap tungkol sa kompanya nito.

Pagkalabas ng magulang ko sa suite ay kaagad na  naglabasan ang luha ko, hindi ko akalain na mangyayari ito. Ikakasal na ako sa taong hindi ko kilala, ikakasal naako sa taong hindi ko mahal .

"Kline I'm very sorry "Umiiyak ako sa balikat ni Daphne, bakit ganun, bakit niya paako iiwan dito?

"Kline tumigil kana sa pag-iiyak oh, nasasaktan ako"

"Ako nalang ang mag-isa dito , gusto kong nandito ka Daphne, wala akong kausap dito"

"Pasensiya na talaga Kline, kailangan talaga kasi ako ng pamilya ko "Binitawan ko siya at tumango, pinauwi nasiya sa kanila dahil nagkasakit ang kanyang kapatid, walang magbabantay dito.

"Basta pumunta ka sa araw ng kasal ko"Ngumiti ito.

"Promise"Tumango ako, kumaway ito ng papaalis na, parang pinipiraso ang puso ko ng umalis naito, feeling ko  ngayon, wala akong pamilya, si Daphne lang kasi ang taong nakakaintindi sa sitwasyon ko, siya lang ang masasandalan ko sa lahat ng problema ko.

Ilang oras akong nakatulala, I feel so da*n empty, naisip kong magsulat kaya kukuha sana ako ng ballpen at notebook nang bumukas ang pintuan sa room namin at iniluwa doon si Simeon.

"Saan mo gustong kumain ng dinner?" Malamig nitong saad,lumunok muna ako .

"Ahm sa sea side na" Napalingon ako sa kanya ng hindi naito sumagot, pumasok ito sa banyo, bumuntong hininga nalang ako. Okay lang naman seguro kong ikakasal kami , hindi ko siya gusto at ganun rin siya saakin, tiyak na hindi niya ako pakikialaman dahil ganun rin ako sa kanya .

Akala ko sabay kaming magdidinner dahil tinanong niya iyon saakin pero sabi nito mauna naako dahil may babasahin daw siya. Kaya nandito ako ngayon sa sea side, nakatitig sa malawak na karagatan, kahit madilim rinig ko ang tunog ng hampas ng alon.

"Where's your future husband?" Halos mapasigaw ako sa gulat, inis kong tiningnan si Jay, nakangiti ito at padarag pang umupo sa harapan ko.

"Bakit ka nandito?"Tinukod nito ang siko sa mesa .

"Sagutin mo muna ang tanong ko"Bumuntong hininga ako at tumayo na,pero napabalik rin ako ng upo ng mabilis nitong hinawakan ang braso ko.

"Jay!"Inis kong sabi, nakangisi lang ito.

"Kaya kitang tulungan Kline"Seryuso na ang toni nito kaya hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o ano.

"Jay ,ano bang pinagsasabi mo?"

"I know that you know what I'm trying to say,I can help you Kline, matanda kana you don't need to follow your parents, free yourself , don't chain yourself"Inilingan ko siya,may nakain ata itong kakaiba si Jay.

"As what as I said ,I don't need your help at hindi ko alam na concerned kana pala saakin, matapos mo akong ipahiya sa mga kaklase natin may gana kapang tulungan ako"

"I'm sorry okay, kaya nga diba tutulungan kita" Tumayo naako, pagod naakong kausapin si Jay, ang hirap makaintindi.

"Kline don't do this to yourself!"Mabilis ang lakad ko pero mas mabilis siya kaya nahawakan niya kaagad ang braso ko. Inis ko itong hinarap.

"Jay, bitawan mo ako"Umiling ito.

"Hanggang sa dito banaman Kline magpapakontrol ka sa magulang mo, hindi kana bata para pagsabihan nila, hindi kana bata para pigilan ang gusto mo" Tinitigan ko siya, nagulat ito sa ginawa ko kaya bumaling ito sa ibang direksyon.

"Bakit ano bang alam mo ,alam mo ba ang mga gusto ko ha? Kaya mabuti pang bitawan mo ang braso ko, hindi ko alam na concerned ka saakin e ang alam molang namang gawin saakin noong college tayo ay pahiyain ako"

"Kaya nga diba gusto kitang tulungan ngayon, I'm very sorry, I regret everything "Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa braso ko kaso hinigpitan panito lalo ang pagkahawak.

"Ano ba Jay......"Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng makarinig ng malamig na boses.

"Bitawan mo ang kamay ng fiance ko ,kid"Napalingon ako kay Simeon, walang ekspresyon itong nakatingin saamin . Ramdam ko ang panghihina ni Jay kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para umatras. Sinulyapan niya ako bago si Simeon.

"Stop being a dog,stop chasing my fiance,kung ayaw mong masira ang iniingatan mong buhay"Pagkatapos nitong sabihin kay Jay ay tumalikod naito saamin.

Nakaramdam ako ng awa kay Jay, lalo na ng maramdaman ang panghihina nito kaso ayaw ko sa ginagawa niya, wala siyang karapatang sumali sa buhay ko lalo nasa desisyon ko. Gusto ko ang sinabi niya ,gusto kong tumakbo lalo na't natatakot rin ako dahil hindi ito ang pinapangarap kong buhay , pero paano ang pamilya ko? Paano ang kompanyang iniingatan ng pamilya ko, kung lalayo ako?

Bumuntonghininga muna ako bago dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto namin. Tiningnan ko ang pintuan ng kwarto nito, gusto kong kausapin siya kaso natatakot naman ako at ano naman ang sasabihin ko dito.

Kahit nasa kama naako ay marami paring tumatakbo sa isipan ko ,gusto kong matulog na kaso hindi ko parin makalimutan ang gwapo nitong mukha habang binibitawan ang masasakit na salita kay Jay.

Kahit ganun ay nakatulog parin ako ngalang sa madaling araw na, kaya pagkagising ko sobrang sakit ng ulo ko. Kahit ayaw ko mang tumayo at gustong matulog nalang ay pinilit ko parin ang sarili  para maglinis ng katawan.

Pagkabukas ko ng pintuan sa kwarto ay nadatnan ko si Simeon sa sofa, nakaharap ito ng laptop, naisip ko tuloy na ang busy nga niya, ang aga pa kasi para magtrabaho.

"Good morning"Bati ko ng dumaan sa harap nito, napahinto ako sa paglalakad ng wala itong sinabi , nakatitig lang ito sa laptop na para bang hindi ako narinig o baka nga hindi ako narinig. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng gatas, habang umiinom ng gatas ay naisip kong bigyan ito ng kape .

"Ahm, pinagtimpla kita ng kape"Nasa harapan naako ngayon,dala ang isang tasa. Napalunok ako ng hindi manlang ito sumulyap saakin. Kinahaban ako, paano kung aatras ito sa kasal dahil sa nangyari kagabi? Ano nalang ang mangyari sa pamilya ko?

"Ahm, g-galit kaba?"Kahit kinakabahan ay tinanong ko parin iyon sa kanya, dumoble ang kaba ko ng nag-angat ito ng tingin, nagkatinginan kami.

"Yes,I'm angry,so leave me"

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon