CHAPTER 40

30 1 0
                                    

Kate Ferolino

"I'm sorry"Inangat ni Chesza ang tingin niya saakin, I sighed and stared  at her. Hindi ako nagsisingminahal ko si Kline sadyang nasaktan kolang si Chesza kaya ngayon gusto kong humingi ng tawad dahil kahit malaki ang paniniwala ko na buhay siya ay hindi parin ako naghintay. Hindi ko siya hinintay at nagmahal ulit ako.

"Bakit ka nagsosorry,hindi mo naman kasalanan iyon , Simeon"Umiling ako.

"Dahil saakin na sayang ang tatlong taon mo, sinaktan ka ni tito Bender at umasa kang may babalikan ka. Im sorry "She smiled fakely.

"Sa totoo lang,tama,nasaktan mo ako pero naiintindihan kita, hindi mo naman kasi hawak ang damdamin mo kaya naiintindihan kita na magmamahal ka ulit sadyang hindi ko lang talaga naisip na mangyayari ito"

Pagkatapos naming mag-usap bumalik naako sa opisina. Kagaya ng routine ko,  sa opisina lang ako, nagtratrabaho.

"Sir,may appointment po pala kayo mamaya sa Jose de Resort,1pm po"Tinanguan ko si Joseph. Kaya pagkatapos kong mabasa ang mga reports ay tumayo naako at pumasok sa banyo para makaligo na.

Exactly one pm nasa resort naako, natapos ang meeting namin at 2pm. Gusto ko sanang bumalik nasa opisina kaso may nakalimutan si Joseph sa restaurant kanina.

Kaya umupo muna ako sa lounge, habang nakatingin sa dagat nagflashback kaagad saakin ang nangyari noon. Naalala ko pa kung gaano ako  ka galit ng makitang may kasamang lalaki si Kline.

"I don't like that Nikko!"Napalingon ako sa likuran ko ng may marinig na familiar na boses. Napatayo ako ng makita ang familiar na mukha. Para akong  nabuhusan ng malamig na tubig ng makita ang mukha ng babaeng hindi ko makalimutan.

Umiiling-iling ito habang tumatawa sa lalaki. Dahan-dahan akong lumakad sa kanila, hindi ko alam kong nanaginip baako o ano,pero ang alam kolang si Kline ito.

Isang taon na ang nakalipas pero kahit ganun memoryado ko parin ang kanyang mukha,alam na alam ko ang detalyado ng kaniyang mukha.

Hugis bigas ang mukha,makapal ang kilay, she has a pointed nose , manipis ang kaniyang labi , kapag naiinitin namumula kaagad at may katamtamang katawan. Kagaya ngayon pulang-pula ito dahil sa init na yumayakayap sa katawan nito. Malaki ang tawa nito sa lalaki.

Dahil sa paninitig sa kanya hindi ko namalayang nasa harapan napala nila ako. Kitang-kita ko ang pagkasalubong  ng makakapal na  kilay ni Kline ng makita ako sa harapan nila.

My heart leap and it's throbbing badly,I miss her so much and my heart will always look for her and beat for her.

"Excuse me"Nakataas ang kilay nito , she has an angel features,a very innocent features. Kaya noon hindi ko naiintindihan ang kaniyang mga kwento ng sinabi niyang never pa siyang niligawan at palagi pasiyang binubully,I can't understand people do that to her.

Lalo na ang kaniyang mga magulang,hindi ko naiintindihan kung bakit ganyan ang trato nila kay Kline , she's a lovable girl.

"Kline"Mahinang usal ko. Napalingon ako sa lalaking katabi nito, kumunot ang noo nito saakin. Napasulyap paako sa kamay nitong hinigpitan pa lalo ang paghawak kay Kline. Sino ba ang g*g*ng ito?

"Excuse me" Malamig na saad ni Kline,aalis nasana sila ng mabilis kong hinakawan ang braso niya. Parang sinindihan ako dahil sa init na nararamdaman, napalingon sila saakin. Nagtama kaagad ang mata namin ni Kline at doon ko pa lalo na kompirma na siya nga ito.

She's a live! I knew it! Kahit may katawan mang nakita sa kotse hindi parin naniniwala ang puso ko nasiya iyon. Gusto ko rin sanang e DNA test ang sunog na katawan sa kotse pero hindi kona ginawa dahil baka hindi kolang matanggap ang nangyari or aksaya lang ng panahon dahil hindi naman talaga si Kline iyon.

Pero ang makita siya ngayon,ang makitang buhay siya ,ang makitang okay siya ay ang mahalaga saakin .

Kahit ilang taon kaming hindi nagkita kilalang -kilala siya ng puso ko, kahit may nagbango man sa kanya ngayon alam kong si Kline ang kaharap ko.

"Anoba"Mabilis niyang hinablot ang braso niya saakin, nakaramdam ako ng sakit sa ginawa nito. She didn't recognize me, did she have amnesia. That's possible, isang taon na ang nakalipas kung hindi siya nawalan ng alaala sana hinahanap naniya ako.

"Nambabastos ka ah!" Hindi ko pinansin ang sigaw ng lalaki. Hinarap ko lalo si Kline, kailangan kong makausap siya, kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Hindi naako makapaghihintay pa.

"You didn't remembered me for sure but I'm your husband,I'm Simeon"Kunot lang ang noo nito at nilingon lang ang lalaking kasama nito.

"Nababaliw naata ang lalaking ito,tayo na nga Kate"

"Kline, Kline ang pangalan mo ,for sure may amnesia ka kaya hindi mo ako naalala pero ako naalala kita,kilalang-kilala kita"Hahawakan kona sana ulit si Kline ng umatras ito.

"Hindi kita kilala, excuse me"Mabilis itong naglakad kasama ang lalaki, tatakbo narin sana ako ng maisip na baka hindi nga si Kline iyon.

Napahilot ako sa sintido , nababaliw naba ako? Grabe naba ang pangungulila ko sa kanya kaya naging ganito naako? But I'm pretty sure she's Kline. Kilalang-kilala ko ang mga kumikislap nitong mata, si Kline ang babaeng iyon!

Pero sino ang lalaking iyon? Sino ang kasamang lalaki nito? Bago niyang boyfriend? For sure nagpapanggap lang ang lalaking iyon, kailangang mahanap ko siya!

"Sir,alis napo tayo"Nilingon ko si Joseph.

"Call Jason I have something to investigate"Malamig kong saad. Si Kline ang babaeng iyon at kapag napatunayan kong siya nga si Kline, kukunin ko siya at humanda ang lalaking iyon.

"Nakakuha kana ba ng imporamasyon tungkol sa babae?"Nasa harapan ko ngayon si Jason. Malaki ang ngiti nitong inabot saakin ang brown envelope.

"Grabe,iba talaga kapag inlove ka noh?"Hindi ko siya pinansin, kinuha ko ang brown envelope at kinuha ang mga imporamasyong nandon.

Binasa ko ang lahat na nandun at habang binabasa iyon nanlumo ako at nawalan ng pag-asa.

"She's Kate Ferolino, a former business woman and a wife of Nikko Ferolino, pero alam mo Simeon nung nakita korin ang picture ng babae naisip ko kaagad si Kline, kamukhang-kamukha niya kaya naiintindihan kita" Lumunok ako kahit may bumara nasa lalamunan ko. Impossible,si Kline ang babaeng ito.

"Dalawang taon narin silang kasal ng kaniyang asawa at may mga magulang din ang babae,galing siya sa mayamang pamilya kaya impossibleng si Kline iyan" Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa pisngi ng tumakas iyon habang nakatitig sa mukha ng babae .

Kung hindi siya si Kline,bakit ganun? Bakit ganito nalang kapanabik ang nararamdaman ko dito? Bakit ganito ka bilis ang tibok ng puso ko? Bakit ang laki ng paniniwala ko nasiya si Kline ? Bakit habang nakatitig sa mata nito , bakit si Kline ang una kong naisip?

Kung hindi siya si Kline bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya?

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon