CHAPTER 38

23 1 0
                                    

Simeon Lomon Albaracin POV

Pagkatapos kong maligo ay lumabas naako ng bahay, nakita ko si Laura at manong Josh na nag-uusap. Where's Kline?

Nilapitan ko ang dalawa, mukhang may pinag-uusapan itong malalim.

"Good afternoon sir"Bati nila, gusto ko sanang itanong kung saan si Kline pero mukhang hindi mabuti ang palagay ni manong Josh.

"What happened?"Sinulyapan ni manong si Laura, nakayuko naman ito.

"If you have something to tell then spill it"Lumunok si manong Josh.

"Sir, alam kong magugulat po kayo pero nandito po si ma'am ........... ma'am Chesza "I feel like there's a storm hit me. Nilapitan ko si manong. Maybe I heard it wrong.

Kabang-kaba ito habang papalapit ako.

"What did you say?" Tinuro nito ang pintuan.

"Nasa labas......"Hindi kona siya pinatapos pa at naglakad naako papuntang gate. My heart is throbbing big time! I knew it! I knew it! She's not dead.  Binuksan ang gate at parang nakalutang ako ng makita siya.

Mabilis itong tumakbo saakin at niyakap kaagad ako. I knew it! Buhay siya! Kahit nawawalan naako ng pag-asa alam kong buhay siya at babalik siya saakin.

Niyakap ko siya ng mahigpit, iyak lang ang ginawa nito habang yakap ako. Ilang taon akong naging manhid , nang mawala siya nawalan naako ng pakiramdam kayw ngayon masarap malaman na buhay siya.

Kinalas ko ang yakap at tiningnan ang kabuuan nito, she's very thin , she change so much. Pero naalala ko kung paano ko siya minahal, kung gaano ako ka baliw sa kanya,kung paano ako namatay ng nawala siya at kung paano ko naisip na siya lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay .

"At bumalik karin"Mahinang saad ko, tumango ito at niyakap ulit ako ng mahigpit.

"Simeon! Si.......si tito Bender"Kinalas ko ang yakap. Mahigpit ang hawak nito sa kamay.

"Si tito Bender ang gumawa ng lahat nito" Natanggal ang hawak ko sa kamay niya.

" That day kinausap niya ako......"

"Sa loob tayo ng bahay "Saad ko, tumango ito at mahigpit akong hinakawan sa braso. Si tito Bender ang gumawa ng lahat ng ito? Naalala ko kaagad kung gaano niya ka gusto si Chesza noon para saakin, gusto nitong dito na mamalagi si Chesza, binibigyan din nito ng ibat-ibang marteryal si Chesza.

Kaya ba nasabi iyon ni Kline? Naalala ko si Kline kaya nilingon ko si Laura, lahat ng mga katulong ay nasa gilid na nakatingin saamin.

"Si Kline?"Inangat ni Laura ang mukha niya saakin.

"Lumabas po sir, hindi po ba nagpaalam sayo?"Kukunin kona sana ang cellphone ng maramdaman ang pagkahawak ni Chesza sa kamay ko.

"Sa couch tayo"

"That day , he texted me , gusto niya akong makausap binigay niya saakin ang address, pumunta ako pero habang nasa byahe nagulat ako ng hindi ako makahinga ng mabuti. Nawalan ako ng malay at paggising ko nasa abondonadong bahay ako. He tried to raped me....."Niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Hindi ko kayang magagawa iyan ni tito pero malaki ang tiwala ko kay Chesza.

"Shhhh, it's okay. I'm here"Umiling ito at umiyak.

"Nakatakas ako pero walang tumulong sa lugar na napuntahan ko, na trauma ako sa nangyari. Habang naglalakad may tumulong saakin kahit hindi nila ako makausap ng mabuti ay tinulungan nila akong ilagay sa DSWD. Dalawang taon akong hindi makausap dahil sa nangyari. Ilang bala ang natamo ko sa pagtakas......kaya para akong baliw na naglalakad" Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang gusto kong gawin nalang ngayon ay mapatay si Tito.

"Shhh,stop it I'm here "Inangat nito ang tingin saakin.

"Naniniwala kaba saakin?"Ngumiti ako at tinanguan siya.

"Bakit ngayon kalang nagpakita?"Bulong kong tanong ng maisip kung gaano rin ako nabaliw noon.

"Dahil hindi ko kayang magsalita. Nang makapagsalita naman ako natatakot akong bumalik dito dahil sa mga banta ng Tito mo, papatayin ka daw niya, papatayin daw niya tayong dalawa"Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Pagbabayaran niya ang ginawa niya sayo"Bulong ko. Dahil sa pagod nito ay nakatulog siya. Binuhat ko siya at nilagay sa guests room.

Ngayon mahimbing naitong natutulog, pumayat ito, pumayat rin ang mukha nito. Tumayo naako sa kama at kinausap na ang mga tao para hanapin si Tito.

"Laura, hindi pa ba nakauwi si Kline?"Huminto ito sa paglilinis at tiningnan ako.

"Hindi po sir"Tinanguan ko ito, I took my phone and dialed get number. Halos mag dalawang oras na siyang umalis. Naisip ko tuloy ang sitwasyon ko ngayon. Bumalik nasi Chesza,buhay na buhay ito ......but I'm already married and very much inlove.

Natawa ako, life is so unpredictable. You can't tame it nor predict. Noon akala ko hindi naako magmamahal pa ng iba. Akala ko mamatay akong malungkot pero dumating si Kline.

She's a dream girl of the boys. Mabuti,a tamer one, masunurin, very soft and fragile, kaya minahal ko kaagad siya . Ngayon I'm sure maiintindihan ako ni Chesza, kaya ko siyang tulungan hanggang sa kaya ko pero hindi kona maiibalik pa ang noon . Lalo na ngayong nakita ko siya, na kompirma ang nararamdaman ko ng awa nalang ang nararamdaman ko sa kanya.

Hindi sumasagot si Kline kaya I texted her. Nakaramdam ako ng kakaiba ng hindi manlang ito magreply. Hindi siya basta -bastang  umaalis na hindi nagpapaalam kaya parang mababaliw narin ako.

Aakyat nasana ako second floor para tingnan ang CCTV ng lumapit si Laura saakin na may dalang cellphone.

"Sir may gustong kumausap sayo, police" Kinuha ko ang cellphone.

"Hello"

"Sir, may aksidente pong nangyari sa Kabuan Street, gusto lang po sana naming kompirmahin kong asawa niyo po ba ito"Nanlamig ako sa sinabi niya. Pumikit ako ng mariin.

Bago umalis. Tinawag ako ni manang at manong pero hindi kona sils binalingan pa. Mabilis ang pagdrive ko na naisip kong bahala na kung ma aksidente ako.

Gusto kong paliparin ang sasakyan dahil sa sinabi ng police, bakit naaksidenti si Kline? Kaya ba hindi niya ako tinawagan? Kaya ba hindi siya nagreply?

Bumuhos kaagad ang nangyari noon saakin, kung paano nawala si Chesza at kung paanong dineklrang patay.

"Shit! Sana hindi iyon ikaw!" Sigaw ko. Mahal ko si Kline at hindi ko kayang mawala ito,pagod naakong masaktan. Pagod na pagod naakong masaktan!

Pagkarating ko sa daan ay mabilis naakong bumaba sa kotse, nilapitan kaagad ako ng police ng aakma akong lalapit sa bangin. Tiningnan ko ang kotseng nasa bangin  at kahit hindi pa kompiramadong si Kline iyon ay takot na takot parin ako ng makitang sunog na sunog ang kotse.

"Sir"Inangat ng isang police ang cellophane at para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita ang gamit na nandun.

"Cellphone po at kwentas po ang nakita namin"Pumikit ako ng mariin. Bakit ganito!

"Fuck!!!!Why!!!!!! Shit!!!??"Sigaw ko ng makita ang kwentas na bigay ko kay Kline. Wow just wow, ang hilig naman atang manakit ng tadhana saakin. Kung ganito pala ang mangyari,sana hindi nalang ako nagmamahal noh?!

"Sunog po ang dalawang bangkay sir"Sinipa ko ang kotseng nasa harapan ko! Ano bang kasalanan ko at ganito nalang ang nangyayari sa buhay ko? Pangalawang beses pang nangyari, ngalang bumalik nasi Chesza pero ngayon for sure hindi na babalik si Kline.

Napaluhod ako sa bangin, bakit? Bakit? Bakit? Bakit ako nalang palagi ang nasasaktan? Bakit ako nalang ang pinaglalaruan ng tadhana? Sa milyon-milyong tao, bakit pa saakin ito nangyari?

Gusto ko lang namang magmahal,pero bakit?

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon