Kapatid
"Nasaan na kayo eha?" Kanina pa panay ang tawag ni papa saakin, kahapon sinabi ko sa kanya na magbabakasyon kami ni Simeon sa Boracay, halos hindi naniya ako tinantanan sa mga tanong.
At ngayon pagkatapos naming ihatid si tito Bender sa airport ay pangatlong beses na niyang tawag ito saakin para itanong kung nakarating na ba kami.
"Malayo pa po kami papa, tatawag nalang po ako sa inyo kapag nakarating na kami"
"Segi"Binaba naniya ang tawag. Nilingon ko si Simeon na mariing nakatitig sa daan.
"Your father?"Tanong niya .
"Oo panay ang tanong kung nakarating na ba tayo"He nodded.
"Sana nagpahatid tayo, tiyak na mapapagod ka pagkarating natin doon"Sumulyap ito saakin.
"It's okay, ilang araw din naman tayo doon"Kinuha ko ang supot sa backseat, bago kasi kami umalis bumili muna kami ng makakain. Kinuha ko ang burger sa supot at binalik din iyon sa backseat.
Kumagat muna ako bago tinanong si Simeon kung gusto ba niyang kumain. He nodded, kaya dahan-dahan kong nilapit iyon sa kanyang bibig. Kumagat ito ng malaki, kumuha rin ako ng mineral water para ipainom dito.
Dalawang oras ang byahe kaya hindi naako nagulat ng nakatulog ako, nagising lang ng ginising niya.
Pagod na pagod kami dahil sa byahe kaya pagkarating namin sa suite ay natulog kaagad kami. Nagising ako ng makaramdam ng gutom. Napalingon ako sa tabi at napangiti ako ng tulog parin si Simeon.
Tumayo naako at nagbihis ng shorts at spaghetti dress, hindi ako sanay sa mga ganitong damit pero feeling ko kailangan koring sanayin ang sarili sa mga ganitong bagay.
Gusto ko sanang magpahatid nalang dito ng pagkain pero dahil maaga panaman at tirik pa ang araw ay sa labas nalang ako kakain.
Gusto ko sanang pumunta sa dagat kaso gutom na gutom naako, kaya naisip kong kakain muna ako bago pumunta sa dagat.
Seafoods ang inorder ko kaya marami ang nakain ko, pagkatapos kong kumain nagpahinga muna ako dahil sobrang busog na busog ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagselfie.
Pinost ko ito sa Facebook at mayamaya nagflood kaagad ang mga comments, binasa ko iyon isasa . Napapangiti ako sa mga comments nila dahil kahit papaano mga positive iyon. Natigil lang ako sa isang familiar na name .
"Is that you sister?"Napalunok ako sa comment nito,kaya pala familiar ang name naito dahil siya ang kapatid ni Chesza. He's stalking me! Bakit?
Pinatay kona ang cellphone, tumayo naako pagkatapos kong magbayad. Dahil matirik panaman ang araw at naisip kong maglakad sa dalampasigan.
Sobrang ganda ng tubig, totoo nga ang sinabi nila euphoric ang dagat, iyung feeling na ang dami mong nonsense na iniisip pero gumagaan nalang ang pakiramdam mo kapag nakakita kalang ng dagat . Hinarap ko ang malawak na dagat, maraming mga taong naliligo karamihan dito mga foreigner.
Kahit kung saan-saan na tumatakbo ang isip ko hindi parin nawawala saakin ang comment ng lalaking iyon. Why he's stalking me? Alam niyang patay na ang kanyang kapatid pero bakit siya nagcomment ng ganun sa post ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa tubig, yumakap kaagad ang lamig ng tubig sa paa ko. Bumuntonghininga ako at naisip si Simeon.
Gising na kaya iyon? I powered off my phone dahil sa nabasang comment, kaya ngayon naisip kong e text manlang si Simeon, kukunin kona sana ito sa bulsa ng may marinig na boses sa likuran ko.
"Hi "Nilingon ko iyon at napaatras ako ng makitang kung sino iyon. Ngumiti ito at dahan-dahang lumapit saakin.
"S-sino ka?"Kinakabahan kong tanong kahit alam ko kung sino siya. Bakit siya nandito? Bakit niya alam na nandito ako? Naalala ko kaagad ang caption ko sa pinost ko kanina! Pero bakit siya nandito?!
Naglahad ito ng kamay sa harapan ko.
"Fameson, I know you but don't worry I'm not creepy nor stalker" Hinayaan ko ang kanyang kamay sa ere, marami akong tanong pero hindi ko kayang itanong ito sa kanya. At bakit ba siya nandito?Bakit siya nagpapakilala.
Nang maramdaman niyang wala akong balak na tanggapin ang kanyang kamay ay ngumiti ito at inalis na ang kamay sa ere, nagkamot ito sa buhok.
"Seguro nabasa mona iyung comment ko sa picture mo"Tinanguan ko siya.
"B-bakit ka nagcomment ng ganun?"Matapang kong saad . Ngumuso ito at lumapit pa saakin. Nilakbay niya ng tingin ang mukha ko.
"You look like my late sister"Halos bulong niya ng sinabi iyon, sa sinabi niya ramdam na ramdam ko ang sakit at pighati na nararamdaman niya .
"Ganun ba" Mabigat ang paghinga nito habang nakatitig saakin.
"In sure kilala mona kung sino ang kapatid ko"Gusto ko sanang umiling pero hindi ko kaya.
"He's a late fiancee of your husband"Huminga ako ng malalim sa sinabi niya. Ano bang balak niyang sabihin?
"Walong taon rin sila ng kapatid ko"Napanganga ako sa sinabi niya, walong taon! Kaya pala, kaya pala impossibleng mahalin niya ako . Wow eight years silang nagmamahalan, kaya pala . Sa ilang araw na pinaramdam ni Simeon saakin ay biglang nawala na parang bula.
Actually alam kong impossible niya akong mahalin, pero dahil sa mga gestures na pinapakita niya saakin ,I'm hoping, I'm hoping na sana kahit impossible na mahalin niya ako pabalik, sana may sana parin.
Ang paghalik niya saakin kapag sinusundo niya ako, kapag kinakausap niya ako sa malambing na boses at sa pagkuha niya saakin para maglunch kami ng sabay , nangarap ako . Pero ngayon biglang nawala nalang ang sana ko, hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal ni Chesza kung ganun.
"At matapos ang trahedya na nangyari sa kapatid ko ,gulat na gulat ako ng malamang ikakasal siya at ang ikinagulat ko pa lalo nang makita ko ang babaeng papakasalan niya"Basi sa mata niya kitang-kita ko ang pag-asa nito, hindi ko lang alam kong bakit ganun ang nakikita ko.
"At habang nakatitig sa mukha mo naisip kong baka hindi naman talaga namatay ang kapatid ko, baka ......ikaw iyan"Nawala ang kunot sa noo ko sa sinabi niya! Ano?!
"Kasi impossibleng magmahal ulit si Simeon, kaya naisip kong baka tinatago niya lang ang kapatid ko o baka nagkaroon kalang ng amnesia"Gulat na gulat ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o ano.
Lumapit pa ito lalo saakin, hindi ako nakaatras dahil gulat na gulat ako sa mg sinasabi niya.
"Excuse me, nagkakamali ka"Bumuntonghininga ito. Tumawa ito ng mahina.
"Hindi ko alam pero feeling ko ikaw iyung kapatid ko"Umatras ako at dahil kaharap ko ang hotel ay kitang-kita ko si Simeon, malayo ito saamin .
"Aalis naako"Mabilis naakong naglakad at iniwan ito. Hindi narin naman niya ako pinigilan pa dahil takbo na ang ginawa ko, sobrang kaba ko sa mga sinasabi niya.
Paano siya nagconclude ng ganun? Hindi ako si Chesza! Huminga ako ng malamim ,intindihin mo nalang siya Kline , tiyak na hindi parin nito tanggap ang nangyari sa kapatid niya.
Sinalubong ako ni Simeon, tumingin ito saakin pero sumulyap din sa likod.
"Ahm, iniwan nakita , ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising "Sumulyap lang ito saakin pero binalik rin ang tingin sa malayo, tiningnan ko ang tiningnan niya at domoble ang kaba ko ng tiningnan nito si Fameson, malayo kami sa lalaki .
"Simeon"Tawag ko, bumuntonghininga ito.
"Tapos kana bang kumain?"Tanong ko ulit.
"Sino iyong lalaking kausap mo?" Nagulat ako sa sinabi niya , akala ko hindi niya ako nakita .
"Ahm, may tinanong lang"Ngiti kong saad nito pero hindi manlang nito binitawan ang tingin doon sa dagat. Lumapit naako kay Simeon at hinawakan siya sa kamay.
Bumaba ang tingin nito sa kamay namin.
"Balik na tayo sa suite "Kinakabahan kong saad, hindi ko naiintindihan kung bakit ako kinakabahan eh wala naman akong ginagawang masama!
Maybe because nagulat lang talaga ako sa sinabi ng kapatid ni Chesza, tama iyon ,iyon! Hindi ako nagkaamnesia at hindi ako si Chesza!
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
RomanceMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...