Inlove
Kinabukasan maaga kaming nagising para magparasailing , ang akala ko nga hindi na matutuloy dahil bradtip ito kagabi.
Sobrang sarap sa feeling nong nasa ibabaw na kami,the view of mesmeric coastline of Boracay is very gorgeous. Pagkatapos naming magparasailing ay bumalik na kami sa hotel. Habang nangyayari iyon walang imikan kami, gusto ko sanang itanong sa kanya kung anong pinag-usapan nila ni Fameson at ganun nalang ang pakikitungo niya saakin.
Hindi niya ako pinansin sa buong araw kaya si Daphne lang ang buong kausap ko.
"Kausapin mo siya kung ganun Kline"
"Natatakot ako at baka lumala lalo ang galit niya saakin"
"Tsk, hindi iyan basta kausapin mo lang ng mabuti" Nagdadalawang isip ako sa sinabi niya, gusto niyang e confront ko si Simeon about kagabi at tungkol narin sa kay Chesza, ngalang natatakot ako. Marami akong what if. Kaya nga nagvacation kami para maless manlang ang stress nito e dagdagan ko pa.
"Huwag kang matakot Kline, tanungin mo siya tungkol sa dating fiancee nito at sabihin monarin kung may pag-asa kapa ba para hindi ka umasa"
"Hindi naman ako umaasa Daphne "
"Uwu, talaga? Huwag mo akong lukuhin ,kilala kita "Hindi nalang ako nagsalita pa sa sinabi niya.
"I try "
"Sus, magpakatatag ka"
Kaya ng nasa kwarto naako ay pabalikbalik ang lakad ko dahil hindi naako mapakali. Napahinto lang ako sa paglalakad ng bumukas ang pintuan, iniluwa doon si Simeon.
"Pwedi ba tayong mag-usap?"Bumuntonghininga ito at umupo sa sofa, dahan-dahan naman akong lumapit doon. Gusto ko sanang umupo rin kaso feeling ko hindi ko masabi ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya kapag nakaupo ako.
Nakasandal naito sa sofa habang nakatingin saakin, nasa harapan niya ako but I make sure na may tamang distansiya kami.
"What is it?" Dumuble ang kabang naramdaman ko, hindi ko alam tuloy kong masasabi ko ba ng tama ang sasabihin ko.
"May chance ba tayong dalawa?"Iba ata ang nasabi ko dahil sa kaba, umupo ito ng maayos.
"What I mean is , nararamdaman ko ang mga gestures mo.....ahm....naging sweet kana saakin....ahm I feel like my chance yung kasal natin"Utal-utal kong sabi, nakatingin lang ito saakin.
"We're already married so I want to have a good relationship with you"Para akong nabagsakan ng bato sa sinabi niya, hindi ko alam na sa sobrang kahihiyan mamanhid kanalang.
"Okay"Tumanga, gusto ko nalang matulog sa kahihiyan.
"Matulog na tayo"
"Si Chesza.....hindi mo parin ba siya nakalimutan?"Napapikit ako sa sinabi ko.
"Why are you asking?"Matapang ko itong tiningnan.
"Kasi iniisip ko na kaya naging mabuti ka saakin dahil nakikita mo ang girlfriend mo noon saakin"Kumunot ang noo nito at umiling.
"You're very different"Heto nanaman siya.
"Okay, naiintindihan ko. Kasalanan ko din naman at nagkagusto ako sayo at alam kong wala ng pag-asa ang kasal naito ngalang dahil nagpapakita ka ng kakaibang gestures saakin ay naisip kong may pag-asa "Tumango-tango ako habang sinasabi iyon para hindi umiyak.
"I want to take it slow, Kline" Kahit anong pigil ng luha ko ay bumuhos parin ito , pumikit ako para hindi nito makita. Ramdam ko ang pagtayo nito, lumapit ito saakin at hinakawan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
Любовные романыMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...