CHAPTER 6

28 2 0
                                    

Kasal

Nakatalukbong ako ngayon ng habol, sobrang kaba ko, galit siya ? Saakin ba siya galit? Hindi naman seguro ito magbaback-out sa kasal?

Bakit ka ba nag-alala kung magback-out ito sa kasal mabuti nga iyon para hindi ako matali sa taong hindi ko gusto, pero paano naman ang pamilya ko, paano ang kompanya namin kung hindi nito itutuloy ang kasal.

Nakatulog ako dahil sa mga naiisip, nagising lang ng makarinig ng isang katok. Inaayos ko muna ang mukha ko bago binuksan ang pintuan. Nakangiti si Laura saakin, bitbit nito ang isang tray ng pagkain.

"Sabi ni sir hindi kapa nakakain kaya dinala kona dito ang agahan mo, pasensiya na kung natagalan"Binuksan ko ng malaki ang pintuan para makapasok ito .

"Okay lang at salamat "Naisip ko ang sinabi niya, hindi naman seguro siya saakin galit dahil pinadalhan niya ako ng pagkain dito.

"Kumain kana ma'am"Nilagay niya ito sa isang mesa sa gilid.Aakma naitong umalis ng tinawag ko ito.

"Ahm, galit ba si Simeon?"Ngumiti ito at umiling.

"Mukhang hindi naman po ma'am"Tumango ako at ngumiti dito, nang umalis naito ay tumayo naako para makakain .

Akala ko hindi na matutuloy ang kasal kaya gulat na gulat ako ng pinakita saakin ang damit na susuotin ko para sa kasal.

"Bagay na bagay sayo eha, gumanda ka lalo"Walang ekspresyon akong tumingin sa repleksyon ko sasalamin, kasal ko ngayong araw at gulat na gulat ako dahil hindi manlang nila ako sinabihan na ngayon pala ang kasal, binigyan lang ako ng bride's gown kanina at suotin kaagad ito dahil ilang oras nalang ay seremonya na sa aming kasal .

Malaki ang ngiti ni mama nanakatingin sasalamin , hinahaplos nito ang buhok ko.

"Ang ganda mo Kline"Lumunok ako at kahit ayaw ko mang ngumiti dahil sa nararamdamang pait sa puso ay pinilit kong ngitian si mama.

"Salamat po ma"

"Huwag kang mag-alala, you didn't lose anything, bagkus you gained something greater, ikakasal ka Kilne sa isa sa mga pinakamayaman sa Asia, pero kahit ganun no one deserves you pero pasensiya na dahil wala rin talaga akong magagawa, gusto man kitang tulungan, gusto ko mang humindi ay hindi ko kaya...."Lumingon ako kay mama kaya hindi naniya natapos ang sasabihin nito, I smiled at her.

Isang simpleng babae lang ako, mahilig akong magsulat ng novels at nagtapos bilang isang social worker, kahit hindi iyon gusto ng papa ko. They give me freedom, they let me choose my career at para saakin malaking bagay naiyon, ayaw kong hindian sila ayaw kong labagin ang kagustuhan nila kahit labag man ito sa puso at isipan ko. Sila ang magulang ko at alam kong hindi nila ako ipapahamak.

"Huwag niyo napo akong isipin mama, masaya ako kung masaya kayo"Tumango ito at niyakap ako ng mahigpit, mayamaya ay pinahanda na kami . Nasa resort lang ang seremonya , sa totoo lang gusto kong makasal sa simbahan, conservative at mavirtues akong tao pero alam kong wala akong karapatan na ipahayag ang gusto ko dahil fix marriage lang naman ang lahat ng ito.

Bumukas ang malaking pintuan at una kong nakita ay si Simeon, gwapong -gwapo ito sa suot nitong white suit , nakatingin ito saakin o baka tulala lang, bumuntonghininga ako at dahan-dahang lumakad papalapit dito. Papalapit ako sa taong hindi ko kilala at ilang araw kolang nakilala, ikakasal ako sa taong hindi ko manlang minahal, I wonder kung dadating ba ang araw na mamahalin ko siya o baka maghihiwalay rin kami.

Sinulyapan ko sa gilid si Daphne, malaki ang ngiti nito saakin, sana humaba itong nilalakaran ko, sana tumagal pa ang oras o tumigil man lamang, titig na titig ako kay Simeon. Ikakasal ako sa taong sobrang gwapo pero hindi ako segurado sa buhay ko sa kanya, hindi ko siya kilala at hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko , nakakatakot.

"You may now kiss the bride"Halos matulala ako sa sinabi ng pari. Hindi ko naisip ito! Stress na stress ako sa nagdaang araw kaya hindi ko naisip na hahalikan niya ako! Paano naito! Then he will be my first kiss.

Nakita seguro nito ang gulat ko kaya mabilis niyang hinapit any baywang ko at kaagad na hinalikan. Mabilis lang iyon pero kahit ganun naramdaman ko parin ang labi niya! Nagpalakpakan kaagad ang mga tao, mahigpit ang pagkahwak niya sa baywang ko, gusto ko mang alisin ang braso niya kaso hindi ko parin maiwaglit ang nangyari kanina. Hinalikan niya ako!

Halos marinig kona ang tibok ng puso ko dahil sa  lakas ng pagtibok nito.

Mabilis lang ang seremonya at pagkatapos nun maraming lumapit saamin para batiin kami, nakakapagod  ngumiti pero iyon ang dapat kong gawin para makita nilang masaya ako sa kasal naito .

I distance myself on Simeon, kitang-kita ko ang pagkakunot ng noo nito sa ginawa ko, paano banaman kasi naiilang ako ginagawa nito, nakahawak ang braso nito sa baywang ko habang kinakausap ang bisita.

"Ahm, pupuntahan kolang ang magulang ko"Magaan kong sabi, hindi naako naghintay pa  sasagot nito, tumalikod naako .

"Kline!"Mabilis na lumapit si Daphne saakin kaya hindi naako tumuloy pa sa magulang ko para harapin si Daphne, niyakap niya kaagad ako.

"You look goddess, wow, I almost didn't recognize you"Nginitian ko siya ng hilaw, ang saya kasi nitong akala mo totoo talaga ang kasal na ito, nakita niya seguro ang ngiti ko kaya ngumuso ito .

"Malay mo pala Kline, mamahalin ninyo ang isatisa"Umiling ako, impossible. Hindi ako yung tipong tao na loveable, hindi naman ako maldita pero mahirap akong mahalin, nerdy din ako, iba ang gusto kong gawin sa ibang tao. Gusto kong mapag-isa kaysa sumama sa mga kaibigan, matahimik lang din akong tao at hindi ako marunong mag-open ng conversation kaya impossibleng magustuhan niya ako.

"Impossible"Mahinang usal ko, hinakawan niya ang kamay ko.

"Huwag kang mag-alala Kline, nandito lang naman ako , tawagin mo ako , dadating ako" Ngumiti ako at niyakap si Daphne, hindi kona alam kong wala siya.

Maraming bisita ang lumapit saamin para e congratulate kami, kaya kahit gusto kong magpahinga ay hindi pwedi.

"Ang bata at sobrang ganda ng asawa mo Simeon, ang galing mo talagang pumili"Hilaw akong ngumiti kay sir Lee. Isa siyang kilalang tao sa business pero dahil sa kaba  ay hilaw ang naibigay kong ngiti sa kanya . Paano banaman kasi kanina pa nakahawak si Simeon sa baywang ko.

"Thank you Mr. Lee"

"As expected to the most intelligent and best young businessman pero my advice is huwag mona kayong mag-anak just enjoy your companys and days as a wife's and husband iba nakasi kapag may anak na hahaha "

"Noted"  Akala ko makapagpahinga naako pero rumami lalo ang lumapit saamin, lumingon ako kay Simeon, ganun rin ang ginawa niya kaya nagkatitigan kami, kaagad kong iniwas ang tingin dahil sa kakaibang naramdaman.

"Gusto ko ng matulog, pagod naako"Mahinang sabi ko halos hindi kona makausap ang pamilya ko dahil sa sobrang daming tao , gusto ko mansilang kausapin ngayon ay naisip kong hindi na kaya ng utak at katawan ko, pagod na pagod naako.

"Okay"Nagulat ako sa sinabi niya, akala ko makipag-away paako. Pabagsak akong humiga sa kama, hindi kona kayang magbihis pa dahil sa pagod kaya pagkahiga ko ay nakatulog na kaagad ako.

Nagising ako ng makarinig ng ingay, dahan-dahan kong minulat ang mata at nakita ko kaagad si Simeon, mabilis akong umupo sa kama.

"A-anong ginagawa mo dito?"Lumunok ako dahil sa kabang naramdam.

"Maligo kana , aalis natayo"Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, aalis? Saan? Maghohoneymoon ba kami? Pero walang sinabi ang magulang ko tungkol diyan!

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon