CHAPTER 28

21 2 0
                                    

Stalk

Natapos nalang ang movie wala parin akong naiintindihan.

"Uuwi naba tayo?"Tanong ko ng nakalabas na sa cine.

"Bakit may gusto ka bang puntahan?"

"Gusto ko sanang pumunta sa Macdo "Tumango ito.

"Lead the way"

"Eh, hindi ko alam kung saan"Tumitig ito saakin, yes ganun ako ka naive, ni Macdo hindi ko alam kung nasaan, kasalanan ko bang hindi paako nakapunta doon.

Hindi naito nagsalita at naglakad na, kinuha nito ang cellphone . Good thing there's internet at nakita rin namin.

"Dito kalang , bibili lang ako"Iniwan ko siya sa upuan at pumunta nasa counter. Parang bumalik ang pagkabata ko ng makita ang ibat-ibang mga pagkain. Ayaw ni papa na kumakain kami ng ganitong pagkain kaya noon nagpapabili lang ako sa mga katulong at tagong kumakain.

Ngayon dahil kasama kona si Simeon pwedi ko ng gawin ang mga hindi ko nagawa noon.

"Ihahatid nalang po namin sa upuan niyo ma'am"Ngiting saad ng crew nang maramdaman niyang naghihintay ako sa mga order.

"Segi"Ngiting sabi ko, lumapit naako kay Simeon at umupo sa tapat nito. Confident itong sumandal sa upuan at malagkit akong tiningnan. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina sa cine .

"Okay naba tayong dalawa?"Tanong ko.He sigh.

"Hindi ko gusto ang ginagawa mo sa bar"Tinanguan ko siya, lasing ako nun at nagsisi rin naman ako but I wonder kung sino ang nagvideo saamin.

"Pero before nun hindi mona ako pinapansin....ayaw mong magkagusto ako sayo ,diba?"Matapang kong saad. Hindi niya ako nasagot ng lumapit ang dalawang crew na dala ang mga order ko.

Kitang-kita ko ang pagkakunot ng noo ni Simeon habang nilalapag ng mga crew ang pagkain sa mesa .

"Enjoy ma'am and sir"

"Thank you!"Pagkaalis ng mga crew ay tiningnan ko ang mga pagkaing nasa harapan. Tatlong large na french fries,apat na large ng burger, dalawang bucket ng fried chicken at spaghetti.

"Ang dami naman ata nito"Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay ito sa camera.

"Iuwi natin kapag hindi maubos"Tinalikuran ko siya at inangat ang cellphone. Ngumiti ako sa camera ng nakatapat naito saaming dalawa. Kumuha ako ng dalawang pictures.

Binaba kona ang cellphone at hinarap na si Simeon, tiningnan ko ang kuhang picture, napangiti ako ng makitang seryuso ang mukha  nito pero kahit ganun sobrang gwapo parin. Sa pangalangwang picture naman magaan na ang aura ng mukha niya,hindi man nakangiti pero maaliwalas parin ang mukha.

"Ang gwapo mo dito"Tinapat ko ang cellphone ko sa harapan nito para ipakita ang picture na nakuha ko . Nakatitig lang ito saakin, napalunok ako ng maisip ang sinabi kanina. Nakakahiya! Ano kaya ang iniisip niya, na gwapong -gwapo ako sa kanya! Pero totoo naman, pero hindi dapat iyon pinalandakan!

Iaalis kona sana ang cellphone ko sa harapan niya ng hinawakan nito ang kamay ko . Rinig ko ang singhapan sa tabi namin kaya napalingon ako doon at doon ko lang nalaman na halos lahat ng tao ang nakatitig saamin.

"Simeon"Tawag ko sa kanya para ipaalam sa kanya na nakatingin ang mga tao saamin. Tiyak na gwapong-gwapo sila kay Simeon kaya ganyan sila.

Nasa cellphone na ang tingin nito.

"Tapos na, gutom naako"Sabay alis ng cellphone sa harapan niya. Tumango ito at kumain narin. Halos naubos ko ang pagkaing inorder. Ngayon nakatitig nalang si Simeon saakin habang ako naman kumakain parin.

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon