CHAPTER 4

22 2 0
                                    

Help

Sa sea side na kami nagdinner ni Daphne, gusto niya daw makalanghap ng sariwang hangin.

"Sayang Kline hindi natin kasama ang future husband mo" Mabuti ngarin iyon, hindi kasi ako komportable kung nasa paligid kolang siya .

"Busy , maraming trabaho siyang ginawa" Tinusok nito ang steak at nilamon, napangiwi tuloy ako, actually Daphne is not a from a wealthy family, teacher ang mama niya habang traffic enforcer naman ang kanyang papa pero kahit magkalayo ang agwat ng aming buhay ay hindi naman nagalit ang pamilya ko,at gumagaan ang pakiramdam ko kapag nasa paligid si Daphne.

"Oo ngano, ang swerte mona Kline magiging senorita ka lalo kapag magiging asawa mona siya, e travel mo ako sa South Korea ha"Natawa ako sa sinabi niya.

"At nang makita kona ang mga oppa ko doon"

"Mga oppa talaga, ang dami naman"Tumawa ito pero napawi rin ng makita si Jay, papalapit ito saamin, ng nakalapit na ay umupo ito sa bakanteng upuan na katapat ko.Akala ko nakaalis naito.

"Bakit kaba nandito Jay?"Inis nasabi ni Daphne, binalingan  ko nalang ang pagkain ko ng makita ang paninitig ni Jay saakin.

"Bakit, hindi naba pweding umupo dito?"

"Oo, at siyaka marami namang upuan doon, bakit pa dito?"

"Shut up Daphne, a gold digger"Napaangat ako ng tingin kay Jay, sumusobra na ito, ayaw niya saakin at palagi niya akong binibira noong college at highschool, ayaw na ayaw niya din kay Daphne dahil gold digger daw ito, lahat daw ng mayroon ito ay galing saakin e hindi naman iyon totoo.

"What if gold digger nga ako ha! Umalis kanga we don't need your presence here, nakakabanas ka ah!"Inis na lumingon si Jay kay Daphne.

"Kung nababanas ka then better to go, nandito ako dahil gusto kung kausapin si Kline"Lumingon ito saakin, kumunot tuloy ang noo ko.

"At ano naman ang sasabihin mo sa kanya, kukutyain molang siya, alam kung hindi ka parin nagbago Jay...."Hindi nanatapos magsalita si Daphne ng pinutol ito ni Jay .

"I'm not joking to you Kline when I offered you a help"Seryuso ito kaya nababaguhan tuloy ako dahil panunuya lang naman ang binibigay nito saakin kapag nagkikita kami.

"Alam kung fix marriage lang ito, at tiyak na napipilitan kalang na gawin ito , kaya kitang tulungan....."

"Hep! Hep! Hep! Anong tulong pinagsasabi mo Jay, tutulungan mong umalis si Kline, nababaliw kana ba!"Sigaw ni Daphne.

"Can you shut up, gold digger"

"Jay"Inis kong sabi dahil sumosobra naito, lumingon ito saakin.

"I'm sorry if I'm jerk to you before, pinagsisihan ko iyon Kline , at ngayon gusto kung humingi ng tawad sa pamamaraan ng pagtulong sayo, you don't deserve that guy"

"At bakit, dahil nerd siya, ganun ba Jay?'Si Daphne nanaman.

"Hindi, hindi deserve ni Kline ang lalaking iyon dahil matanda nayun, bata pasi Kline para diyan"

"At kailan kapa  naging concern kay Kline, Jay?"Mapanuyang  tanong ni Daphne.

"Alam mo nabwebwesit naako sayo, pwedi ba"Bumaling ulit ito saakin.

"Tutulungan kitang umalis dito Kline, kahit saan mo gusto, alam kung hindi mo mahal ang lalaking iyon at tiyak na ayaw mong makasal doon kaya tutulu....."Hindi nanatapos magsalita si Jay, nang makakita nang isang  silhouette, napalunok tuloy ako ng makitang si Simeon iyon. Malamig ang tingin nito saamin.

"Aren't you done? Your father called"Malamig nitong sabi, napatayo tuloy ako , ganun rin si Daphne.

"Tapos na kami"Umalis na kami doon, hindi naako nagpaalam kay Jay , hindi ko siya naiintindihan, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba iyon. Nasa likuran kami ni Simeon, mahigpit ang pagkahawak ni Daphne saakin.

"Mukhang galit ata ang hubby mo?"Bulong nito saakin, pinalakihan ko siya ng mata dahil baka marinig pa ito. Nang nasa kwarto naako ay tinawagan kona si papa.

"Eha, hindi pala kayo magkasabay na kumain ni Simeon?"Bungad kaagad nito, umupo nalang ako dulo ng kama .

"Opo, busy po daw kasi siya marami po daw siyang tatapusin pa"

"Nandiyan ba si Daphne, magtatagal ba siya diyan?"

"Magtatagal po daw siya pa"

"Mabuti, segi na , ibaba mona, makipag-usap karin kay Simeon ,Kline"

"Segi po"Pagkababa sa tawag ay nilapitan kona si Daphne nasa sofa ito habang nakatitig sa screen ng tv, lumingon ito saakin ng tumabi ako sa kanya. Kinuha nito ang remote para lakasan ang volume.

"Nood tayo ng Lolita"Kinunutan ko siya ng noo, sa totoo lang ayaw ko talaga sa mga gustong movie's ni Daphne, mga malalaswa kasi.

"Tsk, sana K-drama nalang yan "

"Rinig ko maganda daw ang movie nato, pangit ngalang ang ending, pero maganda daw ito"Nanood nga kami, maganda nga kaso ayaw ko sa nangyayari. Tumayo nalang ako ng makita ang malalaswa doon, tumawa si Daphne sa ginawa ko.

"Tsk, magkakaroon kanarin ng asawa Kline, huwag mong sabihin na hindi niyo ito gagawin, ano wala kayong honeymoon?"Nilakihan ko siya ng mata dahil sa mabubulgar nitong salita, naniniwala naman ako sa sinabi ni papa kaya hindi ako nababahala kahit na kasal na kami ni Simeon, basta huwag lang siyang gumawa ng labag sa kalooban ko.

"Nakakahiya iyang sinasabi mo Daphne,kaya nga nandito ka diba?"Umupo ito ng mabuti at tiningnan ako.

"Impossible na walang mangyari sa inyo Kline,walang divorce dito , kaya kung maisipan ninyong maghilaway aabot iyon ng ilang taon , at impossibleng hindi ka ikakama nun, ang ganda ng....."

"Daphne, nakakahiya ka, walang mangyayari saamin , impossible iyang pinagsasabi mo!"Tumawa ito at umiling.

"Ano pustahan tayo?"Pumikit nalang ako sa nonsense nitong sinabi.

"At siyaka tiyak na paligayahin kanun Kline..."Pinihit ko na ang pintuan para makalabas sa kwarto, rinig ko ang tawa nito pagkalabas ko . Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya pero kahit ganun, naliwanagan ako sa sinabi niya. Tama siya, kung magpapakasal man kami ni Simeon, habang buhay nayun. I wonder kung wala ba siyang girlfriend o mahal na babae. Gwapo ang lalaki at sobrang successful nito, tiyak na impossibleng walang nagkakagusto dito at tiyak na wala itong napupusuan.

Bakit ito pumayag sa gusto ni papa? Alam baniya ang pinili niyang buhay. Kasi ako, alam kung sunodsunuran ako sa magulang ko, gagawin ko ang gusto nila at wala rin naman akong taong mahal ngayon kaya alam kung madali lang ito para saakin.

Pumunta nalang ako sa kusina para makainom ng tubig, napahinto ako sa paglalakad ng makita doon si Simeon, lumingon ito saakin , napalunok tuloy ako. Naka white t-shirts at black pants ito habang nagluluto ata ng ulam.

"Good evening"Bati ko sa kanya. Hindi ako nito sinagot kaya naisip kong baka galit ngaito ,seguro na stressed sa trabaho, mabilis akong lumapit sa refrigerator para makainom na ng tubig at sa ganun makaalis na. Nagsalin ako ng tubig at ininom kaagad iyon halos madilaukan ako dahil sa lamig nun!

Pagkababa ko sa baso ay aalis nasana ako ng magsalita iyon.

"I thought you don't have a boyfriend Miss Kline?"Napalingon ako sa kanya, nakatingin naito saakin.Napakurap-kurap tuloy ako .

"Ahm, w-wala akong boyfriend"

"Mag-usap kayo ng boyfriend mo at sabihin mo sa kanya na ikakasal tayo sa ayaw at sa gusto niya, walang makakapigil dito"Mabilis akong tumango dahil sa kaba, pero umiling rin kaagad dahil wala naman akong nobyo.

"Wala akong boyfriend"Ulit ko.

"Then who's that boy that who wanted to elope with you?"Naisip ko ang si Jay kanina.

"Hindi ko iyon boyfriend"Kumunot lang ang noo nito at naglakad na papuntang mesa. Napatingin ako sa nilutong ulam nito, na takam tuloy ako, kunti lang kasi ang kinain ko kanina.

"Then that's good"Malamig nitong sabi, gusto ko sanang kumain sa nilutong minudo nito kaso mukhang galit ito.

"Matutulog naako"Tatalikod nasana ako ng maamoy lalo ang ulam, pumikit ako, sa totoo lang kahinaan ko talaga ang mga pagkain.

"If you really want to eat, I let you Kline"Pumikit ako at kinagat ang labi dahil sa sinabi nito, nakakahiya!Pero bahala na.

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon