CHAPTER 50

37 2 0
                                    

Surprise

Nagising ako sa iyak ni Kline. Mabilis akong tumayo sa kama at mabilis na kinuha ang boxer at t-shirt bago lumabas sa kwarto.

"Ano ba, tumigil ka Nikko!"Nag-iinit ang katawan ko dahil sa galit na nararamdaman ng makita si Kline na pinupwersa ng gago. Mabilis akong lumapit at sinuntok kaagad ang mukha ng lalaki.

Sumigaw si Kline, pero hindi ko tinigilan sa pagsuntok ang lalaki. Hindi siya makalaban dahil nasa ibabaw ako habang sinusuntok ang mukha nito.

"Simeon! Stop that!"Hinakawan ni Kline ang braso ko para patigilin sa pagsuntok,gusto ko pa sanang suntukin ito ngalang panay na ang pigil ni Kline, tumayo ako at sinipa ang tiyan nito.

"Gago ka!"

Umubo ito ng dugo, hinakawan ni Kline ang braso ko at pinalayo sa lalaki.

"Stop it Simeon,baka mapatay mo siya"

"Anong ginagawa mo dito ha?! Akala ko ba magkapatid kayo ,puro ka kasinungalingan!"Sigaw ko at  aakma nasanang lumapit pero nahawakan naako ng mahigpit ni Kline.

Dahan-dahan itong tumayo at kitang-kita ko ang galit sa mata nito, pwes kung galit siya mas galit ako!

"Dapat ako ang magtanong sayo niyan!"Sigaw nito pabalik kahit halos hindi na makapagsalita ng maayos, halos dugo narin ang mukha nito.

"Talaga! Eh asawa ko to, dapat lang nandito ako! Ikaw bakit ka nandito para magsinungaling ulit ha!"Sigaw ko , kitang-kita ko ang paglunok nito .

"Alam ko ang ginagawa ng pamilya mo kay Kline  lalo na ikaw! Ngayon mabuti pang umuwi ka sainyo at maghanap ka ng abogado dahil ipapakulong ko kayo, hinding-hindi kita tantanan!"Tumawa ito at umiling.

"Nababaliw kana ata, matagal ng patay ang asawa mo , baliw kalang !"

"Baliw! Paano mo eeksplain kay Kline na mag-asawa kayo sa impormasyong nakalap ko e magkapatid naman pala ang alam ni Kline?!"Lumingon ito kay Kline, aakma pa itong lumapit ng hinakawan ko ang kamay ni Kline.

"Kate"Tawag nito.

"Alam kona ang lahat Nikko, salamat sa lahat pero kailangan niyong pagbayaran ang ginawa ninyo"

Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa buhay ko. Nabuhay akong walang magulang, nabuhay ako dahil sa tulong ni tito Bender , that's why I look up at him as my father, he's my father's figure.

Pinag-aral niya ako sa malaking paaralan at kahit hindi ako nakaranas ng hirap sa buhay kahit wala ng balak na mag-asawa si tito gusto ko paring makapagtapos ng pag-aaral. Gusto kong ipakita kay tito na tama ang desisyon niya at ito ay ang pagbigay ng magandang buhay saakin.

Lalo na nong nakilala ko si Chesza, I was high school that time and when I  first  saw her, I fell in love with her. Minahal ko kaagad siya, kakaiba ang kanyang ganda at lalo paakong nainlove lalo ng makilala siya.

She's very confidence and very preserve kaya kahit binasted niya ako hindi parin ako tumigil sa panliligaw sa kanya. Gusto kong siya na ang babaeng mamahalin ko at hindi kona nakikita ang sarili ko sa ibang babae. I promised to myself that I will cherish and love her lalo na nong sinagot naniya ako.

Nagtrabaho ako ng mabuti , inaral ko ang negosyo ni tito dahil gusto niyang saakin ibibigay ang mga ari-arian niya. Gusto kong maging isang doktor pero malaki ang respito ko kay Tito , siya ang nagpaaral saakin kaya kailangan kung sundin ito, malaki ang utang na loob ko sa kanya .

Balak naming magpakasal ni Chesza pero dumating ang trahedyang iyon. Sa pangyayaring iyon hindi ko alam kung mabubuhay paba ako , hindi ko na alam kung paano ako mamuhay. Pero nung makilala ko si Kline bigla akong nakaramdam ng pag-asa.

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon