Tulong
Pagkatapos ng usapan namin, pumunta naako sa kwarto. Dilat na dilat parin ang mata ko,nakahiga na ako ngayon sa kama at hinihintay siya. Nag-usap kami kanina kaya naisip kong dito na ulit siya matutulog,ngalang ilang oras naakong naghihintay ngayon at mukhang hindi parin siya dito matutulog.
Galit parin basiya saakin? Nasabi kona sa kanya ang totoo. Nakatulog rin ako sa paghihintay sa kanya .
Kinaumagahan dahan-dahan kong minulat ang mata, napalaki ang mata ko ng makita si Simeon! Kaharap ko siya ngayon sa kama, tulog na tulog.
Napalunok ako ng maisip na malaya ko siyang matitigan ngayon. Nilakbay ko ang mata ko sa kabuang mukha nito. Sobrang gwapo nito, unang kita ko palang sa kanya manghang-mangha naako.
Ibang-iba ang beauty ng lalaki, malahugis bigas ang mukha nito, makapal ang kilay, mahaba ang mga pilikmata , maitim ang kanyang mga mata na akala mo nangungusap at ang ganda ng pagkahiwa ng kanyang labi.
Napalunok ako at nagtagal sa labi nito, sobrang lambot ng kanyang labi at kapag hinahalikan niya ako nababaliw kaagad ako kaya kung saan-saan na nakarating ang halik niya.
Naisip ko tuloy kung what if one day mamahalin din niya ako? Mabilis kong inalis ang iniisip, huwag kang mangarap Kline, nababaliw kana ata.
Habang nakatitig sa gwapong mukha nito ay biglang dumilat ang mga mata nito, mabilis kong pinikit ang mata kahit alam kong nakita na niya akong nakatingin dito.
"Morning"Garagal na boses nito dahil sa bagong gising, dahan-dahan ko namang dinilat ang mata at umupo na sa kama.
"Morning"Mahinang saad ko , tumayo naito at pumasok nasa banyo.
Akala ko magiging normal na ang buhay namin pero hindi parin niya ako pinapansin, nagpapasalamat nalang ako na tumabi nasiya saakin sa kama, ngalang walang usapang nangyari.
"In sorry Daphne"Tinupad ni papa ang sinabi nito saakin, halos hindi narin kami nag-uusap ni Daphne kasi sa sobrang busy sa trabaho at kapag lunch naman kinukuha ako ng driver ni papa para sa opisina na niya ako kakain at kapag uwian naman , kinuha kaagad ako.
"Okay lang Kline, naiintindihan ko naman ang magulang mo"Niyakap ko ng mahigpit ang unan .
"Pasensiya na talaga at salamat din sa pag-intindi. Alam mo minsan naiinis narin ako kay papa,I feel like he deprived my happiness"
"Hindi naman Kline, maswerte kanga kasi may magulang ka na may pakialam sayo"Naisip ko tuloy kung may problema ba ulit siya sa kanilang bahay, sa aming dalawa ako lang palagi ang nagshare -share ng problems ko kaya minsan hindi ko alam na may problema na pala siya.
"Bakit Daphne, may nangyari ba?"
"Wala naman, naisip ko lang na ang layo ng agwat ng buhay natin pero nandito ka saakin, nakikipagkaibigan"Natawa ako ng mahina.
"Wala naman akong pakialam sa stados ng buhay Daphne ang importante saakin maprinsipyo ang isang tao at totoong kaibigan, nakitaan kita nun kaya kinaibigan kita"Rinig ko ang pagbuntonghininga nito.
"At siyaka kahit na mayaman kami pareha lang din naman tayo may ibat-ibang problema"
"Oo nga eh,ahm ngapala kumusta na kayo ni Simeon?"Lumunok ako, niyakap pa lalo ang unan.
"Nag-usap na kami ngalang malamig parin siya saakin"Walang gana kong saad, pinapansin naman niya ako at tumabi nasiya sa kama ngalang ramdam ko parin ang tensyon namin.
"Ahm, mahal mona basiya?"
"Oo"Bigla itong tumahimik.
"Daphne"Tawag ko ng tumahimik ito.
"Akala ko ba hindi mo siya mamahalin, mukhang kinain muna ang mga sinasabi mo noon Kline"Natatawa nitong saad, natawa rin ako.
"Oo nga eh, it's just that life is unpredictable"Tumahimik ulit ito. I wonder kung may problema ba siya.
"I'm inlove too"Bulong nito, sobrang hina ang pagkakasabi niya pero narinig ko parin.
"Wow, talaga!"Masayang sabi ko.
"Ahm,Kline"Gulat nitong saad.
"Whose the guy? Kilala ko ba?"Nagagalak kong saad, sanay akong maraming crush si Daphne pero never siyang nagsabi saakin na nainlove siya.
"Magkaibigan nga tayo, pareha tayong inlove, so who's the lucky guy?"
"Ahm, hindi mo kilala"
"Kapitbahay mo ba ?"
"Hindi Kline, basta hindi mo kilala" Gusto ko sanang makilala ang lalaki pero hindi ko nasiya pa pinilit.
Nang weekend na ay maaga akong nagising para magbake ng cookies at cake .
"Ang galing mo ma'am, buti pa ay gumawa ng bakeshop ma'am"Inilingan ko si Laura.
"Naku, hindi ko kaya iyan"
"Ang sarap kasi ng mga cookies"Bumukas ang pintuan at nilabas doon si Tito, nakangiti itong lumapit saamin.
"Finally hahhaha, akala ko hindi na mangyayari ang sinabi mo"Nilapit ko sa kanya ang cookies .
"Malapit nang matapos ang cake"Tumango ito at kumuha ng cookies.
"Masarap "Sabi nito matapos kumagat.
"Salamat "
"Ngapala okay na kayo ni Simeon?"
"Galit parin po siya"Tumango ito
"Bukas, tutulungan kita"Napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Paano?"Kumindat ito.
"Ako ang bahala" Kaya kinabukasan maaga naakong naligo , pagkatapos maligo ay pumasok nasa closet.
Ilang oras ata akong namili ng susuotin, ang sabi kasi ni tito tutulungan niya akong madate si Simeon, ayaw ko sana sa ideya niya kaso gusto kong maging okay na kami ni Simeon.
Nauna nasila kaya ng natext si tito nanasa SM nasila ay kaagad naakong nagpahatid sa driver. Napangiti ako, sabi ni tito hindi mahilig si Simeon magmall but I hope hindi ito magalit.
Kinuha ko ang cellphone para tiningnan ulit ang mukha, light make up lang ang ginawa ko dahil hindi naman talaga ako magaling magmake up. I wore a yellow croptop Dior and a skirt. Nakaramdam ako ng kaba, this is my first date and I hope it will be successful.
Binuksan ni manong ang pintuan ng nasa harapan na kami ng mall.
"Thank you po, ngapala pakihintay po kay tito Bender "
"Segi ma'am "Malaki ang tulong ni tito , dahil sa kanya nakapag-usap kami ni Simeon at ngayon tinutulangan niya rin ulit ako. Hiyang-hiya ako sa naiisip ko noon , pinagsisihan ko iyon.
Pumasok naako sa mall at pinuntahan ang lokasyon na binigay nito. Pumasok ako sa isang pinakamamahal na boutique ng relo.
Nakita ko kaagad sila, lumingon si Simeon saakin, sobrang gwapo nito sa dark blu'ng polo nito, kitang-kita ko ang pagkakunot ng noo nito. Kahit sobrang kaba ng puso ko ay lumapit ako sa kanila.
"Kline!"Nilapitan ako ni tito , hinawakan niya ako sa baywang at hinalikan sa pisngi. Bumalik ang nararamdaman ko sa kanya noon dahil sa ginawa nito, mabilis korin namang inalis sa utak ang inisip, don't be paranoid Kline.
"Mabuti at nakarating ka"Nilingon nito si Simeon.
"Tumawag si Joseph at gusto niya akong makita ngayon at nakakahiya naman kong iiwan kitang mag-isa kaya naisip ko si Kline, Im sure you will be happy to your wife Simeon lalo na't nasa mall nakayo"Nakangiting saad nito, sinulyapan ako ni Simeon, akala ko magagalit ito kaya nagulat ako ng ngumiti ito at tumango.
"Thank you tito"Ngumiti si Tito.
"Okay aalis naako, magsaya kayo dito, buy all you wants or you can watch movie"
"Thank you po"Mahinang usal ko sa kanya, ngumiti ito saakin at nagpaalam na , inangat ko ang tingin kay Simeon, sumulyap lang ito saakin at bumalik nasa harapan. I think he will buy a watch.
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
RomanceMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...