CHAPTER 36

24 1 0
                                    

Traitor

Akala ko walang mangyayaring maganda sa bakasyon namin ,kasi naman palagi kaming nag-aaway,kaya hindi ko naisip na ganito pala ang mangyayari saamin. Pagkauwi namin galing sa bakasyon naisip ko na sabihin nasa mga magulang ang totoong estado namin ni Simeon.

Ngayon lang ako nainlove kaya hindi ko alam na ganito pala ka sarap sa feeling na mahal karin ng taong mahal mo.

Naging normal narin ang buhay namin pagkatapos naming magbakasyon sa Boracay, everything is on the right place.

"Ang blooming mo ma'am,buntis ka ata"Natigil ako sa pag-arrange ng mga cookies na binake ko kanina at tiningnan si Laura. Ngumuso ako sa sinabi ni Laura, maniniwala sana ako sa kanya kung hindi ako nagtatake ng pills.

"Salamat pero hindi ako buntis"Binalik kona ang tingin sa mga cookies pero napako ang isip ko sa sinabi ni Laura. Gusto ba ni Simeon na magkaroon kami ng anak? Sabi niya mahal niya ako kaya tiyak na gusto rin niyang magkaanak kami! Tatanungin ko siya tungkol diyan, kasi kung ako ang tatanungin,gusto koring magkaanak kami. Gusto kong magkaroon ng malaking pamilya sa kanya.

Napangiti ako,tama tatanungin ko siya tungkol sa diyan. Pero ngayon ang pamilya ko muna ang sosurpresahin namin.

"Kline"Nasa dining room na kami ngayon ng pumasok si Daphne.

"Daphne!"Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit, inimbita ko siya ngayon dahil pamilya narin ang turing ko sa kanya.

Pagkatapos ng yakapan ay lumapit ito sa hapag.

"Wow, ang daming pagkain. May birthday ba?"Ngumiti ako at inilingan siya.

"May surpresa ako sa inyo"Ngumiti ito at tumango. Mayamaya ay dumating narin ang pamilya ko.

Si Simeon nalang ang wala kaya kinuha ko ang cellphone para tawagan ito.

"Where are you?" Tanong ko ng sinagot niya ang tawag.

"Nasa garage na"

"Okay, ibaba kona "

"Okay,I love you "Halos lumabas na ang puso ko sa lakas ng tibok nito.

"I love you too"

"Hung up it now baby"Ayaw ko nang patayin, gusto ko nalang makausap siya.

"Okay, bilisan mo"Pinatay kona ang tawag at bumalik nasa hapag.

"Mabuti at naisip niyong imbitahin kami dito sa bahay niyo"Si papa ng nakaupo naako.

"Syempre naman po" Tumayo ako ng bumukas ang pintuan at niluwa doon ang gwapong asawa ko, naka white polo and black pants ito,sa kanang kamay nito may relong ginto, wavy narin ang buhok nito at may dala itong bouquet na yellow na roses na hindi ko inaasahan.

"Good evening po, I'm sorry I'm late"Lumapit ito kay mama para hagkan ang pisngi nito.

"No,bago palang din naman kami eho"Nakangiting saad ni papa. Sumikdo ang puso ko at halos hindi naako makahinga ng lumapit si Simeon saakin.

"Flowers for you"Kinuha ko ang bulaklak sa kanya.

"Ang ganda"

"Syempre it's your favorite"Ngumiti ako at umupo na.

"Mukhang iba ata ang epekto ng bakasyon ninyo"Nakangiting saad ni papa. Nilingon ko si Daphne sa tabi ko, I smiled at her , ayaw kong makaramdam siya ang awkward.

"Try this, sobrang sarap niyan"Tumango ito at kumuha ng ulam.

Nag-uusap na ang magulang ko tungkol sa ibat-ibang magagandang lugar, ngalang tungkol sa ibang bansa ang gusto nilang puntahan. Alam kong gusto ni Simeon magtravel dito sa Pilipinas, hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya na gusto niyang puntahan ang lahat ng mga beaches sa Pilipinas, and I promised to myself that I'll be with him in that journey.

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon