CHAPTER 24

19 1 0
                                    

Confrontation

"Pasensiya napo , hindi kona po uulitin"

"Dapat lang, nababaliw kana Kline?"Parang tinusok ng punyal ang puso ko sa sinabi ni papa.

"Pasensiya napo"Ulit kong saad.

"Hindi ko alam kung paano ko ito  e explain kay Simeon kaya magdasal ka diyan na hindi niya ito makita!"Lumunok ako .

"Opo"Rinig ko ang mabigat nitong pagbuntonghininga.

Kaya ng matapos ang tawag namin ni papa ay  tiningnan ko ang text ni Alberto, panay ang hingi ng sorry nito dahil nasa Facebook na daw ang videos ka gabi. Kaya mabilis ko itong tiningnan sa Facebook at nandun nga. Nasa harapan ko si Alberto sumasayaw ng malaswa,si Jay naman sa likuran habang ako nakatayo lang at nakangiti.

Tinawagan ko si Daphne dahil hindi kona alam kung saan pa ako pupunta, siya lang ang mapagsabihah ko sa mga problema ko.

"Naku Kline, paano nayan?"Umiling ako kahit hindi niya ako nakita.

"Mukhang wala namang pakialam si Simeon sayo kaya huwag ka nalang mag-alala" Nakaramdam tuloy ako ng pagsisi, sana hindi nalang ako sumama sa kanila, sana hindi ako uminom. Alam kong walang pakialam si Simeon saakin pero ayaw ko ang nangyari sa video. Oo wala namang masama doon , bakla si Alberto at nakatayo lang din naman ako kahit nasa likuran ko si Jay. Ngalang my circle is conservative. Konserbatibo ang magulang ko , lalo na ang mga relatives at mga kaibigan ng pamilya ko.

At siyaka ano nalang ang masasabi ng mga kaibigan at kakilala ni Simeon.

"Nakita ko ang video, nakakagulat at kami talaga ang focus sa video,sino kaya ang kumuh nun?" Bakit niya kami kinuhanan ng video? Anong makukuha niya sa video at sino ang taong iyon?

"Oo nga eh,nakita korin ang video mukhang kayo talaga ang punterya ,may kaaway kaba?"

"Wala, alam mo namang bahay at trabaho lang ako"

"Naku kung sino mang kumuha ng video tiyak na may galit iyon sayo"Bumuntonghininga nalang ako , wala akong maisip na tao ,pero kilala ang pamilya namin at kilala din si Simeon baka namukhaan ako kaya kinuhanan ako ng video , baka iyon nga talaga ang nangyari.

"Seguro, alam mona kilala ang pamilya ko at si Simeon kaya baka nainggit lang iyon sa buhay na meron ako"

"Seguro, Kline"

"Napapagod na ako , okay lang kayang umabsent ngayon"

"Naku Kline , pupunta tayo sa Sugod, magbibigay tayo doon ng mga tambal"Ngumuso ako.

"Segi, magreready nalang ako" Pagkatapos ng tawag ay tumayo naako para maligo. Ilang minuto rin akong naligo kaya pagkalabas ko sa banyo ay sobrang kaba ko ng makita si Simeon.

Sumulyap ito saglit saakin, akala ko magsasalita ito tungkol sa nangyari kagabi pero walang salita itong lumabas sa kwarto. Napakagat ako ng labi. Bakit siya ganun? Porket may nararamdaman ako sa kanya ginaganito naniya ako? Pwedi naman niya akong kausapin ah, pweding-pwedi niya akong kausapin at huwag nalang isipin ang nararamdaman ko sa kanya.

Bakit niya binibigdeal ang nararamdaman ko sa kanya at tiyak na mawawala din ito at kong iniisip man niyang pipikutin ko siya dahil mahal ko siya pwes nagkamali siya. Mahal ko siya at alam kong mawawala din ito, impossible naman segurong isang beses lang akong magmahal kaya sana hindi niya binibigdeal ang pangyayaring iyon!

Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko , kung iyan ang gusto niya eh di bahala siya, hindi korin siya kakausapin kong ganun. Nang nasa hapag ako ay tulala lang ako, kanina pa nakaalis si Simeon sabi ni Laura.

Tumayo naako sa hapag ng maubos ang pagkain , aalis nasana ako sala ng makita si Tito. Lumapit ito saakin ng makita niyang nakatingin ako. Kanina pa ba siya diyan sa pintuan?

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon