CHAPTER 22

20 2 0
                                    

Mahal

Hindi naako bumaba pa, hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa dagat, gustong-gusto kong magalit sasarili at dapat lang akong magalit , nakakahiya at parang makasalanan.

Bumaba lang ako nang maglunch na, habang kumakain walang tinginan ang nangyari saamin ni Simeon, alam kong galit siya saakin at hindi ako galit sa kanya, galit ako sasarili ko dahil hinayaan kong mangyari iyon.

Pagkatapos ng kainan ay nagdesisyon silang mag snorkeling, inilingan ko kaagad si mama ng inaya niya ako. Takot ako sa malalim na dagat kaya ang ginawa ko nasa suite lang ako.

Pagdinner naman ay halos sa pagkain lang ang tingin ko , hindi ko kayang tingnan si Simeon.

"It was very fun,Klino"Si tito Bender pinag-uusapan nila ang snorkeling.

"As much as I want it but you know my body can't take it"Matagal silang natapos sa pagkain dahil panay lang ang kwentohan nila kaya umuna naako.

Kinaumagahan maaga akong nagising ,mamaya na ang umuwi namin kaya gusto kong maramdaman ang ganda ng dagat. Tulog pa si Simeon, mabuti narin iyon, naisip kong magshorts at spaghetti dahil nasa isang resort naman kami.

Pagkababa ko palang ay marami parin ang mga tao, seguro ang iba ay inaabangan nila ang sunrise.Pumunta ako sa sea side at naghanap na ng lounge para a makaupo.

Wala akong balak na maligo pero habang tinitingnan ant dagat , parang inaakit ako, sobrang nakakahalina ngalang naalala ko ang nangyari kahapon, nawala ang ngiti sa labi ko ng maisip ang nakakahiyang nangyari kahapon.

Mukhang hindi kona talaga makakalimutan ang pangyayaring iyon. Nakakabaliw.

"Ohhh is this destiny?"Napaangat ako ng tingin , malaki ang ngiti ni Jay, dahan-dahan itong lumapit saakin at tumabi sa pag -upo ko sa lounge.

"Good morning"Mahinang usal ko.

"Good morning ang aga mo ah, dika napagod kahapon?"Inilingan ko siya, naisip kong tumayo nalang gusto ko sanang kumuha ng maraming larawan .

"Hindi kaba napagod sa pagsnorkeling ninyo?"

"Hindi ako sumama , ang pamilya ko lang at ang asawa ko"Tatayo nasana ako ng magsalita ulit ito.

"Ohh asawa, for sure sa papel lang diba?"Bumuntonghininga ako, heto nanaman siya, akala ko tapos nasiya sa usaping ito.

"Jay....."Umiling ito.

"Tiyak na magsisisi ka Kline, ang bata mo pa, mrami kapang magawa sa buhay mo"Inilingan ko siya , noon nagpakasal ako kay Simeon dahil kailangan kong sundin ang magulang ko, kailangan kong tubusin ang kompanya dahil hindi kaya ng pamilya ko ang mamuhay ng simple . Pero ngayon dahil mahal kona si Simeon, hindi ako nakaramdam ng pagsisi sa desisyon ko, alam kong masasaktan ako dahil kaabit ito ng pagmamahal pero I can't turn back time,so I should embraced my decisions and be happy about it.

"Gaya ng sinabi ko sayo, kayang-kaya kitang tulungan"Nginitian at inilingan ko siya.

"Salamat sa concerned mo Jay, pero gaya ng sinabi ko sayo hindi ko kailangan ang tulong mo, hindi ko kailangan na  salbahin mo ako, alam kong hinding-hindi ako magsisi sa desisyong ginawa ko"Dahan-dahan itong tumango.

"Okay, I respect it but I just want you to know that I always be here, kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako"Nginitian ko siya, hindi ko kailan man naisip na magiging ganito si Jay saakin. Isa siya sa mga kaklase kong pinoproblemahan ko dahil palagi nilang akong binubully kaya ngayon nakakagulat ang sinabi niya but I appreciate it.

Tumayo naako.

"Maiwan nakita, kukuha lang ako mga larawan"Tumango ito, iniwan kona siya doon at naglakad na, mahilig ako sa mga scenery kaya iyon ang pinagkaabalahan ko hanggang sa marinig ang boses ni papa sa gilid.

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon