Selos
Pagkarating namin sa Polo Sea ay kumain na muna kami, gusto ko sanang magpahinga pero dahil narin sa haba ng byahe ay nagutom ako. Katabi ko si Kidie at panay ang kuha ng picture nito saakin, kaya palagi ko siyang sinabihan na tigilan ito pero dahil matigas ang ulo nito ay nilakihan ko nalang ng mata.
"Mabuti at naisip mo ito Bender, we're very burn out on our work kaya halos hindi nanamin matingnan pa ang sarili "Inangat ko ang tingin ko para tiningnan si papa, bago sinulyapan si tito Bender nanakatingin saakin.
Kumunot ang noo ko kaya nilingon nito si papa.
"Yeah, alam mona I miss Philippines so much, ilang taon rin akong nawala kaya I can't missed the Polo Sea " Busog naako kaya naisip kong pumunta nalang sa suite namin, magsasalita nasana ako ng naunahan ako ng kapatid ko.
"Ate, punta tayo sa sea side"Inilingan ko kaagad siya, sinulyapan ko si Simeon, kausap narin nito si mama.
"Ang kj talaga nito , segi na saglit lang"
"At ano nanaman ang gagawin natin doon?"
"Tsk, tingnan natin kung gaano iyon kaganda rinig ko sobrang puti daw ng buhangin nun"Bumuntonghininga ako at tumayo. Napalingon kaagad sila saamin, ramdam ko ang titig ni Simeon kaya si mama nalang ang tiningnan ko.
"Sa dalampasigan lang po kami"Paalam ko.
"Huwag kayong lumayo Kline"Si papa .
"Opo" Sabay na kaming naglakad ni Kidie papuntang dalampasigan. Panay ang tingin ko sa mga foreigner na babae na nakabikini, napatingin tuloy ako sa suot ko, isang loose shirt at isang pants.
"Doon ka ate ,picturan kita"Inilingan ko kaagad siya.
"Bakit ba? Ikaw nalang picturan ko ang pangit korin naman"Narinig ko ang tawa nito, naglakad ito papuntang dagat.
"Mabuti pa hubarin mo yang suot mo, tingnan mo nga sila nakatwo piece lang"Nilakihan ko siya ng mata, kahit kailan hindi ko naisip na magsuot ng ganyan.
"Hindi ko gagawin iyan noh!"
"Tsk, wala namang nakatingin sayo ate at walang mag-iinteresado sayo noh"I rolled my eyes.
"Hindi rin naman ako maliligo "
"Segi, mamaya kapag maligo ka kailangang magtwo piece ka, ang pangit tingnan nanasa isang resort tapos iyan ang suot mo "
"Bakit patayo dito kung lalaitin molang naman pala ako"Galit kong saad, lumapit ito saakin.
"Kumusta pala ang buhay may asawa?"Inilingan ko siya kung makapagtanong akala mo kung sinong masmatanda saamin.
"Okay lang, ikaw kumusta ka?"
"Tsk, boring sa bahay"Nanliit ang mata nito, ngumuso ito sa likuran ko kaya nilingon ko ito.
"Asawa mo may kausap na babae"Napalunok ako ng makita ang suot ni Simeon, naka khaki shorts ito at manipis na white t-shirts, naka tsinelas lang din at kahit sobrang simple lang ang suot nito ay makikita mo talaga kung gaano ito ka successful sa buhay, nilingon ko ang babaeng kausap ito. Morena ang babae, mahaba ang kulot nitong buhok at sobrang tangkad nito, para siyang isang modelo , bagay na bagay sa kanya ang two piece na suot nito.
Nakaramdam ako ng pait , bumuntonghininga ako at nilingon nalang ang dagat nanasa harapan ko. Ang layo talaga namin ni Simeon, kahit mayaman man ang pamilya ko at kahit asawa kona siya ngayon parang ang layo parin namin sa isatisa. Matangkad si Simeon, may pagkamoreno , maganda ang katawan nito , sobrang gwapo at successful sa buhay kaya kailangan din niya ang babaeng katulad ng kausap nito ngayon, isang matangkad, maganda at confident na humarap sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
RomanceMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...