CHAPTER 21

24 2 0
                                    


Dagat

Mabilis itong lumangoy papunta saakin, malaki ang ngiti nito nang nasa harapan , dahan-dahan naman akong umatras.

"Your wearing bikini"Nakanguso nitong saad, nakaramdam ako ng hiya, sobrang lapit kasi namin at hindi ako sanay lalo na sa mga titig niya.

"Ahm, bakit ka narito?"

"I'm with my friends, you know hang out,ikaw sino kasama mo and wow himala at nagbibikini kana pala!"Napakunot ang noo ko, as I remember we're not close at kung makapagsalita siya ngayon akala mo magbestfriend kami.

"Ang pamilya ko"Tumango ito.

"So how's life?"

"Okay lang naman"

"Ate Kline!"Nilingon ko si Kidie, may tinuro ito kaya nilingon ko ang tinuro niya. Nagtama kaagad ang mata namin ni Simeon.

Kahit malayo ang distansiya namin dahil nasa dalampasigan siya ay kitang-kita ko parin ang mariin nitong pagtitig.

"Ohhhh, kasama mo pala ang asawa mo"Mapanuyang sabi ni Jay nanasa tabi ko.Hindi ko siya pinansin at tiningnan lang si Simeon, nakasulubong ang kilay nito at kunot ang noo, mukhang galit.

Naisip kong puntahan siya kaya lalangoy nasana ako ng hinakawan ni Jay ang braso ko, napalingon ako sa kanya.

"Saan ka pupunta, usap muna tayo"Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso, nawala ang ngiti nitong nakaplastar sa mukha.

"Pupuntahan ko lang ang asawa ko"Lumangoy naako at iniwan ito, tumayo ako ng hanggang sa tuhod nalang ang tubig.

Lalong kumunot ang noo nito at galit itong lumapit saakin, tatanungin kona sana siya kung bakit galit ito nang maalala ko na nakabikini lang pala ako.

Halos uminit ang mukha ko at ang katawan ko ng nasa harapan kona ito, mariin itong nakatitig sa mukha ko.

"You always make me surprise , huh "Mariin nitong saad.

"Huh?"Tanong ko ng hindi ko siya maintindihan, mabilis ko siyang iniwan at pumunta nasa lounge para kunin ang bathrobe. Kinuha ko ang bathrobe at ilalagay kona sana ito sa katawan ng hinawakan ni Simeon ang kamay ko,nabitawan ko ito kaya binalik ko nalang sa lounge ang bathrobe.

"Bakit nandito iyong lalaking iyon?"

"Ha,sinong lalaki?"Ngumiti ito ng hilaw.

"I know ,you know what I mean"Inalis ko ang kamay niya sa braso ko . Nilingon ko si Jay, nakatingin ito saamin.

"Ahhh si Jay, nagkita lang kami dito, sabi kasama niya ang kaniyang mga kaibigan, bakit?"

"Talaga?"

"Oo, bakit ?"Umiling ito .

"Ohhh, naligo napala kayo"Nilingon ko si tito Bender, nakangiti itong tumingin saakin. Mabilis kong kinuha ang bathrobe at nilagay ito sa katawan ko. Umupo ako sa lounge imbes na umalis.

"Si Kline lang po"

"Ligo tayo, hindi panaman init"Malaking ngiti nitong saad saakin, dahil saakin siya nakatingin, hihindian kona sana siya dahil tapos narin naman ako ng nagsalita si Simeon.

"Segi po"Lumingon si Simeon saakin, nagtitigan kami saglit bago lumapit siya saakin at hinakawan ang kamay ko. Halos hindi naako makahinga sa ginawa niya lalo pa when he intertwined our fingers. Boltaheng koryenti ang dumaloy sa pisngi ko pababa sa katawan.

Napatayo ako sa ginawa niya , ramdam ko ang titig ni tito Bender kaya nilingon ko ito , kaagad itong bumaling sa ibang direksyon.

Napakagat ako ng labi ng maramdaman ang katawan ni Simeon.

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon