CHAPTER 3

23 2 0
                                    

Quiet

Lalakad nasana ako ng mabilis ako nitong nahawakan, nilingon ko siya kaya ngumiti ito ng panunuya.

"Tsk, ikakasal ka nanga, sa ganun pa, ang cheap mo naman"Hinawakan ko ang kamay nito para ialis sa kamay ko, mapanuya itong ngumiti saakin.

"Ano, sabihin molang na ayaw mong magpakasal sa kanya tutulungan kita"Mapaglaro itong ngumiti kaya imbes na maniwala sa sinabi niya ay mabilis naakong tumakbo patalikod sa kanya, marami ang sumalubong saakin para e congratulate ako, nabigyan ko tuloy sila ng hilaw na ngiti. Papalapit naako sa mga magulang ko ng may biglang humapit sa baywang ko, halos mapatili ako .

Napalunok ako ng makita ang seryusong  mukha ni Simeon sabay nakaming lumapit sa magulang ko.

" You look perfect!"Bati kaagad ni papa saamin, hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o sinabi niya lang iyon dahil marami ang nakatingin saamin.

"I think Kline is tired, she can rest  now " Malamig na sabi ni Simeon . Nginitian ako ni papa, umiling ito sa sinabi ni Simeon.

"Are you tired eha?"Gusto ko mang sagutin ng totoo si papa pero dahil sa hilaw nitong ngiti ay umiling ako.

"She's not tired eho,  just entertain your visitors"Gaya nga sa sinabi ni papa ay nakipag-usap kami sa mga bisita, hawak niya ang baywang ko habang kausap ang matandang babae na malaki ang ngiti saakin.

"Tsk, don't worry ,age is just a number and Kline is look matured enough, you look good perfect eho"Maligayang sinabi ng ginang ng tinanong niya ang edad ko at edad ni Simeon. Sa gabing iyon ay ngiti lang ang binigay ko sa mga bisitang lumapit saakin dahil napagod at inaantok na talaga ako, kaya ng natapos ang party ay natulog kaagad ako kahit hindi pa nakapagbihis.

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko, sinagot ko ang tawag ng makitang si Daphne iyon.

"Hello"Maalat-alat kopang sabi dahil sa bagong gising.

"Hoy! Ano na ang nangyari?"Napaupo ako dahil nagising ang buong diwa ko sa sigaw nito. Inisip ko naman ang nangyari kagabi.

"Pinakilala lang ako" Bumuntong hininga ito.

"Pero hindi mo pa sinabi saakin ang buong pangalan ng mapapangasawa mo Kline"Napahawak ako sa ulo dahil sa sakit doon, late na kasi kaming nakatulog.

"Simeon Lomon Albaracin ang full name niya"

"Okay I searched it...."Natahimik ito  kaya napatulala tuloy ako dahil sa mga unexpected na nangyari sa buhay ko, pero mayamaya ay sumigaw si Dapne kaya halos mabitawan ko ang cellphone.

"Goodness! Ang gwapo nito Kline, baka hindi talaga ito ang fiancee mo ha, at baka bagong crush molang ito?"Umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya, paano ko maging crush iyan e kahapon kolang nakilala at nakita.

"Basta bisitahin mo ako dito mamaya , feeling ko mabobored ako dito"Aalis na ang pamilya ko mamaya at maiiwan ako dito kasama si Simeon,wala akong kakilala dito at ayaw koring makausap si Simeon dahil nakakaba ang aura nito, parang strikto.

"Segi! Oo, pupunta ako diyan at nang malaman kung nagsasabi kaba ng totoo, ang gwapo kaya nito at sobrang successful rin"Hindi ko nalang siya sinagot pa dahil katulad niya ay hindi rin ako makapaniwala, simpleng babae lang ako, hindi ako sopistikadang babae, at weirdo rin ako kaya impossible ngang magkaroon ako ng ganung future asawa.

"Sana inimbita monalang ako sa engagement party mo, may pa drama-drama kapa na huwag naakong pumunta diyan dahil fix marriage lang ito e papupuntahin mopala naman ako diyan"

"Pasensiya na, na stressed lang talaga ako nung panahon nayun"

Pagkatapos ng tawagan namin ni Daphne ay naligo naako para makakain na. Pagkatapos kung magbihis ng isang spaghetti strap at shorts nasi mama ang pumili ay pumunta naako sa restaurant nakung saan doon kami magkikita ng pamilya ko.

Nang makita ang upuan ng magulang ko ay tatakbo nasana ako pero pinigilan ko ang sarili ng makita ang katabi ni Kidie, malaki ang ngiti ni Kidie habang kausap si Simeon, napakunot tuloy ang noo ko , akala ko ba ayaw niya sa lalaki dahil ayaw niyang maikasal ako dito, bakit parang ang saya nito.

Sabay silang napatingin saakin ng umupo ako sa tabi ni mama na kung saan katapat ko si Simeon, tumingin ito saakin pero binalik rin naman ang tingin sa kapatid ko.

"Bagay sayo ang suot mo eha"Bulong ni mama, nginitian ko nalang siya kahit sa totoo lang hindi ako komportable dito, nagpapakita kasi ng balat,  pants at t-shirt lang naman ang sinusuot ko noon.

"Mamaya nakami aalis Kline,make sure to make yourself comfortable here, tiyak na hindi ka pababayaan ni Simeon"Lumingon si Simeon saakin at tumango ito.

"Don't worry about your daughter, ako na ang bahala sa kanya"Ngumiti si papa sa sinabi ng lalaki.

"May magandang dagat sila dito eha, marami silang activities so don't bore yourself"Tumango ako kay papa.

"Opo at pupunta ngapala si Daphne dito"Pumayag ang pamilya ko sa sinabi ko na si Daphne ang kasama ko sa buong linggo ko dito, alam nilang hindi totoo ang relasyon namin ni Simeon at sa tingin ko takot rin si mama na makapag-iisa kami ni Simeon.  Pagkatapos ng kainan ay nagpaalam na ang pamilya ko, napaiyak paako ng nakaalis na ang kotse nila dahil nasa unfamiliar na lugar ako, wala akong  pamilya dito at kakilala.

"Sa  aking room kana matutulog"Napalingon ako kay Simeon sa sinabi nito, nasa hallway na kami ngayon papasok sa hotel .

"H-ha, pero bakit?"Huminto ito sa paglalakad at nilingon ako, nagtaka kaagad ang mata namin, kinabahan tuloy ako sa seryuso nitong mata.

"Many people are curious in our engagement, they dig if this engagement is fix and I don't want controversial, don't worry may isa paakong kwarto sa room ko"Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero naiintindihan korin naman kaagad, siya ang may ari ng resort kaya tiyak na iba ang kwarto nito .

Pumayag ako sa sinabi niya kaya pagkapasok namin sa kwarto ay gulat na gulat ako, para kasing condo o unit. Pagkapasok mopalang bubungad kaagad sayo ang couch at ang malaking TV nito, condo ata ito dahil sa laki

Tinuro nito ang isang kwarto.

"It's your room"Tumango ako, papasok nasana ako ng maalala si Daphne.

"Pwedi bang dito narin matulog si Daphne, sa room ko"Bumuntong hininga ito at tumango.

"Suit yourself then"Pagkasabi nun ay pumasok naito sa isang kwarto nasa tingin ko kwarto niya . Imbes na pumasok narin sa kwarto ay nilibot ko ang tingin, sobrang laki nito, condo naata ito at hindi na hotel room.

Kaya ng dumating si Daphne ay patalon-talon ito sa kama .

"Grabe Kline, hindi ko pa siya nakita ng personal pero ng makita ko ang picture niya sa wall kanina grabe halos mahulog na ang panty ko, ang gwapo talaga!"Natawa ako sa ingay ng kaibigan ko.

"Tumahimik kanga diyan, lumabas natayo"Sabay nanga kaming lumabas ng kwarto pero napahinto rin kami ng makita si Simeon sa isang table, nasa harapan nito ang laptop.

"Oh goodness ang gwapo!"Nilingon ko si Daphne dahil napalakas ang boses nito, nakakahiya naman ang babaeng ito.

"Ipakilala mo Kline!"?Malakas nitong boses, tumango ako sa kanya pero ng makita si Simeon ay napaatras ako mukhang busy kasi at may kausap.

"Segi na Kline, ipakilala mona ako, ang gwapo naman ,swerte mo"Inis kung tiningnan si Daphne.

"Busy pa , mamaya nalang"

"Anong mamaya, ngayon na"

"Mamaya nalang Daphne"Inis ko ng sabi kahit mapaglaro ang tingin nito saakin.

"Ang gwapo niya, impossibleng hindi ka mahulog sa lalaking iyan?"Napalaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Hindi ko siya magugustuhan ano kaba!"Malakas kong sabi, kaya napalingon si Simeon saamin, kunot ang noo nito.

"Quiet"Malalim at malamig nitong sabi sabay tingin sa laptop, uminit tuloy ang pisngi ko dahil sa kahihiyan, narinig konaman ang hagikik ni Daphne.

Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon