Away
Pagkatapos kong tulungan si Laura ay natulog muna ako, gutom na gutom ako , gusto koring tawagan ang pamilya ko lalo nasi Kidie kaso antok na antok na talaga ako.Kaya pagkagising ko tinawagan kona si Kidie .
"Malaki ba ang bahay ate, rinig ko mansyon daw?" Ngumuso ako, noong una galit na galit pasiya may naiisip pasiyang tumakas tapos ng makita niya si Simeon nag-iba nalang ang ihip ng hangin.
"Mansyon nga eh, ngapala kailan kayo bibisita dito?"
"Talaga, sasabihan ko si papa na bumisita nadiyan" Naligo mona ako bago baba para kumain dahil gutom na gutom na talaga ako, binuksan ko ang closet para makapili ng suauutin.
Kinuha ko ang isang pajama at isang loose t-shirt. Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko ang sarili sa salamin, napatitig ako sa repleksyon. Hanggang sa hita ang damit ko , ngayon parang nagdadalawang isip ako sa damit na sinuot pero gusto ko ito at komportable ako kaya imbes na magpalit ay hindi kona ginawa.
Lumabas naako sa kwarto at halos mapanganga ako sa webles dito, pagkababa ko sa hagdanan ay sa gilid nito ay may naglalakihang paintings. Napatitig tuloy ako sa mga paintings, ang gwagwapo at maganda ang nasa picture, imbes na bumaba sa hagdanan ay tiningnan ko muna ang mga paintings.
Natigil ako sa isang maliit na painting, napatitig ako sa babae, malaki ang ngiti nito, kitang-kita mo sa kanyang mata kung gaano siya kasaya, mabilog ang kanyang mata at ang haba ng pilikmata , sobrang ganda rin ng labi nito na akala mo nang-aakit, malahugis bigas ang mukha nito. Naamaze ako sa ganda ng babae, hinawakan ko ang painting dahil sa pagkamangha.
Sino kaya siya, kapatid? O ancestors? Pero impossible...... Natigil ako sa pag-iisip ng makita ang mga letra sa baba.
"Chesza Valle"Basa ko , napalunok ako at binalik ko ulit ang tingin ko sa painting. Siya ang fiancee ni Simeon? Ang ganda!
Naalala ko ang sinabi ni papa na namatay na ang fiancee ni Simeon at hindi na ito nagkainteres pa sa babae, dapat lang , sobrang ganda ng babae at basi sa mukha nito makikita mong kung gaano kabuti ang puso nito, nasasayangan ako sa babae, sobrang ganda nito para mawala.
"What are you doing?"Napaatras ako dahil sa kaba , mabilis kong nilingon si Simeon, kunot noo itong tumingin saakin. Lumingon ito sa painting nanasa harapan ko, napalunok ako sa kaba.
"Ahm, tinitingnan kolang ang mga paintings"Mahinang usal ko . Kitang-kita ko ang pagtitig nito sa painting nanasa harapan ko, mabilis itong lumapit saakin . Dumoble ang kaba at takot ko ng halos maramdaman ko ang init ng katawan nito dahil sa lapit namin.
Mabilis nitong hinablot ang maliit na painting sa harapan ko, napatunganga ako sa ginawa nito, wala itong sabing umalis.
Bumuntonghininga ako, naisip kong tama nga si papa , mahal na mahal parin nito ang babae. Bumaba nalang ako sa hagdanan para kumain na. Halos mawala naako sa mansyon,mabuti ay nakita ko si Laura .
"Hindi paba kakain si Simeon?", Mahinang tanong ko kay Laura, nasa gilid ito, nag-aayos ng bulaklak.
"Baka mamaya papo iyon ma'am"
"Huwag mona akong tawaging ma'am, Kline nalang"Umiling ito.
"Iyan po ang utos ma'am"Ngumuso ako, hindi ako sanay na tawagin ng ganyan, nakakausisa.
"Ngapala, ilang taon ng namatay yung fiancee ni Simeon?"Alam kong hindi dapat ako nagtatanong kaso curious ako .
"Naku ma'am, huwag po kayong magsalita ng ganyan baka marinig kayo ni sir" Takot nitong saad .
"Eh , ano ngayon kung marinig ako?"Bumuntonghininga ito at tumayo, lumapit ito saakin, natigil tuloy ako sa pagsubo.
"Ayaw ni sir na binabanggit ang pangalan ni ma'am Chesza lalo na ang pagkamatay nito"
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
RomanceMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...