Baliw
Napatulala ako dahil , kanina ko pa gustong pukpokin ang sarili, hindi ko alam kong matatawa baako o magagalit.
"Nababaliw naako"Halos hindi kona makain ang pagkain dahil sa naisip, ako pa talaga ang humalik,ako pa talaga ang initiate, paano kung hindi kami tinatawag ni Laura, ano may mangyayari nanaman saamin. Paano ko nagawa iyon, ganun ba talaga ako?
May mukhang mahaharap pabako ako sa kanya mamaya, hindi ko kayang mag-usap kami kaya kinuha ko ang tray at mabilis na kinain ang pagkain.
Hindi kona inubos iyon dahil gusto kong matulog kaagad ,kaya grabe ang pasasalamat ko ng nakatulog kaagad ako . Kinaumagahan ay dahan-dahan kong minulat ang mata,sana nakaalis nasiya, sana nakaalis nasiya hindi ko kayang harapin siya. Ano nalang ang sasabihin nito sa ginawa ako, hinalikan ko siya!
Lumunok ako at dahan-dahang nilingon ang kama at napalaki ang mata ko ng makitang dilat na dilat ito, kaagad na nagsalubong ang mata namin, kaagad korin namang binalik ang pwesto ko.
Shemay, bakit nandito pasiya? Wala ba siyang trabaho, merkules pangayon?Halos hindi kona naiintindihan ang sarili, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako gumalaw sa kama , natuod ako sa nangyari.
"Morning"Buong bati nito, pumikit ako , bakit ganito yung nararamdaman ko? Ano bang nangyari saakin, bakit ganito nalang ka kaba ang
nararamdaman ko?"Good morning"Mahinang usal ko, hindi ko alam kong narinig baniya kasi halos hangin nalang ang lumabas sa bibig ko, dahil sa kaba at hiya, dapat lang talaga akong mahiya, kahit kailan wala paakong ginawang ganung kag*g*han .
"Simeon!"Sigaw ko ng dinantay nito ang binti saakin, sobrang lapit niya saakin at ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang dibdib, lalo na nong niyakap niya ako , natuod na talaga ako!
"Simeon , ano ba , may trabaho paako, ano ba?"Hisyerikal kong sabi, sabay alis sa kamay niya baywang ko kaso hindi manlang ito natinag.
Napatihaya ako at sinulyapan ito, seryuso ang mukha nitong nakatitig saakin.
"A-ano ba, babangon n-na a-ako"Utal-utal kong saad.
"Tinulugan mo ako kagabi, really?"Nilingon ko siya.
"Ano?"Pumikit ako ng mariin, heto na, magsasalita na ito tungkol sa ginawa ko kagabi
"Really woman , you seduced me and all you need is to sleep"Tinulak ko siya pero kagaya kanina hindi manlang ito nakagalaw.
"A-ano bang pinagsasabi mo at siyaka dapat lang akong matulog ,antok na antok ako eh"
"I want you"Napanganga ako sa sinabi niya, literal na napanganga, the memories is very vivid at hindi ko alam kung paano ito alisin sa utak, lalo na ang sinabi niya kagabi, I want you!
Dahil sa kaba at baka may mangyari nga saamin ngayong araw ay tinulak ko siya ng malakas at umupo ako sa kama! May trabaho ako ngayon kaya dapat nasa tamang pag-iisip ako, hindi rin ako pweding malate dahil may pupuntahan kaming isang municipalidad.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"Tumayo naako , halos matumba paako dahil sa nerybos.
"I'm sorry"Bumuntonghininga ito at pinasadahan ng kamay ang buhok, napatitig tuloy ako sa ginawa nito, shemay , ang gwapo! Mabilis akong umiling, oo gwapo siya pero , hanggang doon lang! Hindi ko siya dapat magustuhan, nakakatakot! Pero bakit ganito kalakas ng tibok ng puso ko? Bakit halos lumabas na ang puso ko sa pagtibok nito, normal paba ito?
"H-hindi porket may nangyari na saatin ay gagawin na natin iyon"Hanging sabi ko, akala ko hindi nito narinig pero kumunot ang noo nito.
"Your the one who initiate it Kline"Ayan na nga ang sinasabi ko eh, dahil sa kakahiyan ay hindi kona siya pinansin at pumasok nasa banyo.
Nilock ko ang banyo at tiningnan ang mukha sa salamin, nababaliw nanga ako ang kapal ng mukha ko para sabihin iyon sa kanya eh ako nga ang unang humalik dito!
Halos ayaw ko ng lumabas sa banyo, tapos naako sa lahat pero natatakot naman akong makita siya, nakatowel lang ako at ang bubo ko dahil nakalimutan kong kunin ang bathrobe ko sa closet.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, nakahinga ako ng mabuti ng makitang wala siya sa kama at couch. Tinakbo ko ang closet at nagbihis na, isang black pantalon at ang white t-shirts na uniform ang suot ko, sinusuklay kona ang buhok ko. Nilagyan konarin ang mukha ng liptint ng makitang okay na ang mukha ko ay kinuha konarin ang bag .
Nagulat ako ng makita si Simeon at Tito Bender sa hapag, ang akala ko nakaalis nasi Simeon, minsan kasi sa guest room ito naliligo kapag nauuna akong maligo at siyaka nakakapanibago kasi halos magseseven na.
"Good morning eha"Ngumiti ako ng hilaw kay Tito, ngayon kolang narinig ang pagtawag niya ng eha saakin. Tumabi ako kay Simeon.
"Okay kana ba ngayon, sabi ng asawa mo masama ang pakiramdam mo kagabi?"Sinulyapan ko si Simeon.
"Okay napo" Kaagad naakong kumain, maraming tanong si tito Bender kay Simeon kaya naunahan ko sila sa pagkain.
"Mauna napo ako sainyo"Ngiting saad ko.
"Ihahatid kita Kline"Napalingon ako kay Simeon.
"Ahm, huwag na, I'm sure malalate ka"Umiling ito.
"Don't worry I'm the boss anyway"Gusto ko siyang tangggihan kaso ramdam ko ang titig ni tito saakin, ngumiti ako at tumango.
Kaya ng nasa byahe nakami, halos hindi naako humihinga dahil naamoy ko ang pabango nito, gustong-gusto ko ang amoy niya at nakakatakot isipin iyon, ano bang nangyari saakin?
"Ramdam kong uneasy ka kay Tito Bender, may ginawa basiyang masama sayo ?"
"Sinabi kona sayo , hindi ko gusto ang pagtitig niya"
"Why are you intimidating?"
"Yes, may ibang meaning iyung pagtitig niya at hindi ko gusto iyon lalo narin ang mga salita niya"Bumuntonghininga ito.
"You're just over thinking,Kline"Umiling ako , hindi ko alam lalo na kanina, mapanuya itong tumitig saakin at ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa buong mukha ko lalo nasa labi ko!
"Kailan ba siya aalis?"Tumawa ito.
"Really tinatanong mo ako ng ganyan, if you don't know he's the owner on that mansion, Kline"Napalingon ako sa kanya, akala ko ba mayaman ito ang lalaking ito?
"Tsk, lahat pala ng meron ka sa kanya pala tapos ang arrogant mo, akala mo pinaghihirapan mo, hindi naman pala.....Simeon!"Napasigaw ako ng nagbreak ito, nilingon ko ito , kung galit man ako mukhang masgalit ito.
"What did you say Kline? Pinaghirapan ko ang lahat na meron ako ngayon, yes kanya ang bahay naiyon at ang kompanya pero dugo at pawis ang pinuhunan ko Kline,ako ang namahala sa kompanya at the age of 20, kaya huwag mong sabihin iyan, hindi mo ako kilala"Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya, galit na galit ito , kitang-kita sa mata . Wala akong nasabi dahil ayaw ko ng magsalita at baka iba pa ang masabi ko.
Ilang minuto rin nitong binuhay ang makina, ang bigat na hininga niya nalang ang narinig ko, kabang-kaba ako at parang na black out ako, takot at hiya ang nararamdaman ko.
Kaya ng huminto na ang sasakyan sa harapan ng office ay bumaba naako, kaagad rin naman nitong pinaandar ang sasakyan at umalis na.
"Ano bang nangyari sayo Kline, bakit ganun ka makapagsalita sa kanya, hindi kanaman ganito noon, hindi ka vocal sa mga nararamdaman mo pero bakit sa kanya ganun mo nalang sinabi ang masasakit na salita, at hindi mo siya kilala, ilang buwan mo palang siyang kilala"
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
RomanceMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...