Heaven
Nagising ako dahil sa ingay pero kahit anong dilat ng mata ko itim parin ang nakikita ko, kinabahan ako pero maskinabahan ako ng hindi ko magalaw ang katawan ko.
I tried also to shout pero hindi ko magawa and then naalala ko ang nangyari. Nahimatay ako sa kotse. Goodness, anong nangyari?
"Ui, gising na si ma'am. Malapit naba si sir?", Bumuhos kaagad ang luha saaking pisngi, ano to? Bakit ako nandito? Anong gagawin nila saakin?
"Oo, paparating na"
"Grabe si sir, pangalawang beses naniya ito noh, pero asawa parin ng kanyang pamangkin"Dumadagundong na ang puso ko, sino ang nag-utos nito? At asawa ng kanyang pamangkin?
Naalala ko kaagad si tito Bender, please sana nagkakamali lang ako, hinding-hindi niya ito magagawa saamin lalo na kay Simeon, pamangkin niya si Simeon. Pero .......ano tong sinabi ng mga lalaking ito, pangalawa ng ginawa?
Lalo akong nagpumiglas at sumigaw pero hindi nila ako pinansin. Anong gagawin nila saakin dito?
"Ang gaganda ng babaeng ito, ang bata pa" Tawa ng lalaki.
"Oo nga eh, iyan ang mga gusto ni sir"
"Tahimik kayo, nandiyan na si sir"Sumigaw paako lalo at nagpupumiglas sa upuan.
"Good evening sir"Bati nila , kinabahan ako lalo. Papatayin baako ? Gagahasain? Naalala ko si Chesza,kung si tito Bender man ang may kasalanan sa pagkawala niya, anong ginawa nito sa kanya? Pinatay? Ginahasa?
"Tanggalin niyo ang panyo sa kanyang mata"Lalo akong umiyak ng marinig ang boses niya. Si tito Bender nga, pero bakit? Naging mabait naman sa kanya si Simeon, nirerespito ko rin siya?
At ano ang ginawa niya kay Chesza? Bakit niya nagawa iyon kay Chesza?
Tinanggal nila ang piring sa mata ko, noong una blurred pa ang nakikita ko pero habang tumatagal nakikita ko na ng maayos si tito sa harapan ko.
Lalo akong umiyak ng makita ang buong mukha niya. Una ko palang siyang nakita may kakaiba naakong naramdaman sa kanya na hindi ko ma eksplain.
Hindi ako naniniwala sa mga kilos nito noon at binibigyan ko ng meaning ang mga galaw niya saakin at dahil hindi naman ako segurado sa nararamdaman ko sa kanya ay naniwala ako sa sinabi niya na wala siyang interes saakin, naniwala ako sa sinabi niya na mahal niya ako dahil asawa ako ng kaniyang pamangkin.
Pero bakit? Bakit ako nandito? Ano tong ginawa niya?
"Kline"Ngiting saad nito. Gusto kong sumigaw gusto kong magalit pero hindi ko magawa dahil may nakalagay sa bibig ko.
Natatakot ako, natatakot ako sa paraan ng kanyang pagtitig saakin. Naalala ko ang paraan ng kaniyang pagtitig saakin noon, natatakot ako na baka ngayon magagawa naniya talaga ang gusto nitong gawin saakin .
"Hmmmm!"Sigaw ko ng lumapit ito saakin, lumuhod ito at hinakawan ang pisngi ko. Pumikit ako ng mariin at inisip si Simeon. Please Simeon tulungan mo ako, please tulungan mo ako, kailangan kita ngayon Simeon! Please naniniwala akong dadating ka at tutulungan mo akong makalayo dito.
Natatakot ako Simeon!
Pinunasan nito ang mukha ko at kahit anong baling ko sa mukha ko napupunasan niya parin ang luha ko .
"Ang isang tulad mo hindi dapat sinasaktan, hindi dapat iniiwan"Malumanay nitong saad na ikinatakot ko pa lalo.
Sana makawala ako dito? Hindi ko kayang maisip na gahasain ako pagkatapos ay patayin. Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang makasama ang pamilya ko at si Simeon. Gusto ko pang magkaroon ng anak, gusto kong magkaroon kami ng pamilya ni Simeon at gusto ko pang makausap si Daphne.
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
RomanceMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...