Sakit
Habang nasa sasakyan halos hindi naako makahinga ng mabuti, ngayon ko lang naramdaman ang kakahiyang ginawa ko. Tiningnan ko siya sa peripheral vision, umiigting ang panga nito at sobrang seryuso ng mukha habang nagdridrive.
Ano kaya ang nasa isip nito? Pagkatapos ko kasing masabi iyon sa kanya ay natahimik ito at mayamaya ay umalis. Sobra ang pagasisi ko , hindi ko akalain na masasabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Ang balak ko ay ilihim ang nararamdaman kong ito hanggang sa mawala ito, pero hindi na nangyari ang plano dahil nadulas ako sa nangyari ka gabi.
Nakakabwesit naman kasi kapag pinaparatangan ka, wala din akong tamang rason na ibigay dito dahil panay ang sabi nito na hindi siya naniniwala kaya nasabi ko tuloy ang totoo.
Gustong-gusto ko nalang makauwi na kami sa bahay, nakakasuffocate naman kasi lalo na't sobrang tahimik naming dalawa dito sa sasakyan.
Alam kong walang magiging tugon ang nararamdaman ko sa kanya lalo pa't mukhang hindi panito nakalimutan ang dating fiancee nito, alam kong hanggang ngayon mahal parin nito ang fiancee. Naisip ko tuloy na what if hindi naman pala patay ang fiancee nito? Paano kung babalik ito bigla? Anong mangyayari?
Imbes na mag-overthinking ay kinuha ko nalang ang cellphone at airphone at nang hindi maramdaman ang awkward , habang nakikinig ng music ay nakaidlip ako. Nagising rin ng maramdamang tumigil ang sasakyan.
Napalingon ako kay Simeon at dahil nakatingin siya saakin ay nagtagpo ang mga mata namin, mabilis akong bumaling saaking pintuan, napalunok ako ng maalala ang kanyang mukha, ngayong alam naniya na mahal ko siya hindi ko na alam kong paano ko siya patutunguhan.
Lumabas naito habang ako naman nasa loob pa ng sasakyan. Kaya mo yan Kline, huwag mo nang isipin ang nararamdaman nito sayo dahil tiyak na masasaktan kalang.
Sa ilang linggong nagdaan ramdam na ramdam ko ang pagdidistansiya niya saakin. Halos hindi narin siya sa kwarto natulog . Sa totoo lang nasasaktan ako dahil syempre mahal ko siya tapos hindi niya ako kinakausap at kapag nagkikita kami ni hi wala.
Hindi ko naisip na magiging cold siya matapos kung aminin ang nararamdaman ko sa kanya.
"Kline, ilang linggo na kitang nakitang ganyan, gat up and don't mind him"Sinulyapan kolang si Daphne, alam niya ang nangyari sa buhay ko at porket hindi pa ito nainlove ay ganun nalang ka simple ang sinabi niya.
"Mabuti pa Kline, sumama ka saamin ni Alberto, pupunta kami mamaya sa club , sumama ka mukhang may problema ka eh"Si Helen, gusto ko siyang tangggihan pero ng maalala ang ginawang pagsnasnob ni Simeon ay tumango ako.
Ngayon titingnan ko kung e snasnob parin baniya ako kung alas diyes na ako uuwi.
Alas singko kaming natapos sa trabaho,kaya halos alas syete na ng dumating kami sa club dahil pumunta pa kami sa mall.
"Daphne ang sagwa ata ng suot ko" Nasa u shape kami , nakaupo. Panay naman ng inom ni Helen at Alberto na akala mo may mga problema.Tiningnan ni Daphne ang hita ko.
"Okay langyan, hindi ka naman tatayo kaya hindi ka mababatos niyan"Tinunguan ko nalang siya kahit hindi komportable sa suot ko. Tiningnan ko si Alberto at Helen, binigyan ako ni Daphne ng isang baso.
"Gusto mong uminom?"Inilingan ko siya .
"Ngapala hindi kaba hahanapin ng asawa mo?"Inilingan ko siya.
"Wala siyang pakialam saakin"Tumango ito, tumingin nalang ako sa harapan , sobrang wild ng mga tao, kung makasayaw sila parang wala ng bukas. Minsan naisip kong sana ganyan din ang personality ko, sana bold at wild nalang ako.
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
RomanceMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...