Awkward
"Saan tayo pupunta?"Dahan-dahan akong tumayo.
"Sa bahay "Magtatanong ulit pasana ako ng lumabas naito sa kwarto, napabalik ako ng upo sa kama, ngayon lang ata pumasok sa isip ko na kasal naako at hindi naako sa bahay uuwi kundi sa bahay na ng asawa ko. Pumikit ako dahil mga naiisip.
Ginawa ko ang sinabi nito, kinuha ko ang isang pants at jacket ko ,iyon ang susuotin ko. Pagkatapos magbihis ay kumatok naman si Laura .
"Ma'am, sabi po ni sir tulungan ko daw kayong mag-impake"
"Salamat Laura"Nilabas kona ang lahat ng damit ko sa closet.
"Ako na dito ma'am "Inilingan ko siya, mayaman kami pero hindi ako sanay na sinisilbihan . Biglang tumunog ang cellphone ko kaya iniwan ko muna si Laura para kunin ang cellphone sa mesa.
Bumuntonghininga ako ng makitang si papa iyon.
"Good morning pa" Bati ko.
"Morning eha , nasabi naba ni Simeon na uuwi kayo sa kanilang bahay ngayon?"
"Opo pa "
"Tapos kana bang mag-impake?"
"Tinulungan po ako sa isa sa mga katulong niya po"
"Mabuti, I called it off eha, bibisita rin kami ng mama mo sa mansyon"
"Segi po"Babalik nasana ako sa closet ng tumawag si Daphne, sobrang ingay at panay ang tanong niya tungkol sa kasal ko.
"I'm sorry Daphne, hindi na to talaga kita nakausap pa, sobrang pagod na kasi ako"
"Okay lang , ano kaba, so... Wala bang nangyari?"Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, nong una hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero ng rumihistro ito sa utak ay napalaki ang mata ko.
"Ano bang tanong iyan Daphne, syempre, hindi ko siya gusto at ganun rin siya saakin"Kinakabahan kong saad. Humagikik lang ito.
"Pero malay natin diba "
"Impossible iyan at siyaka ayaw kong isipin ang ganyang bagay"
"Naku, Kline, ang gwapo pa naman nun baka mahulog ka dun, masasaktan kalang "Umiling ako, kahit kailan hindi paako nagmahal ,oo may nagwagwapuhan ako pero hanggang doon lang ang nararamdaman ko kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam ng magkagusto sa isang tao.
"Hindi ko siya magugustuha Daphne, hindi siya ang tipo ko...."Hindi kona natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto, niluwa doon si Simeon.
Nakapolo white at black pants naito , sumulyap ito sa cellphone ko bago ako tiningnan. Napatikhim tuloy ako sa nangyari dahil sa kaba, nakakaintimidate kasi siyang tumingin.
"Are you done packing?"Napalingon tuloy ako sa closet. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone.
"Ahm, titingnan ko muna, si Laura kasi ang nagligpit"
"Okay, just faster , I just wait you on the parking lot"Napatunganga ako sa sinabi niya, parking lot? Hindi ko alam kung saan iyon! Pagkaalis nito ay pumasok naako sa closet, naabutan kong sinirado na ni Laura ang bagahe.
"Ahm, pakisamahan mo naman ako sa parking lot, okay lang ba sayo?"Nahihiya kong tanong, baka kasi busy ito, paano nayan?
"Walang problema ma'am, sasama rin po kasi ako, personal na katulong po kasi ako"Nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi niya, siya na rin ang nagdala ng bagahe ko kahit ayaw ko man ito.
Madaldal siya kaya hindi ako nakaramdam ng kaba habang papalapit sa parking lot.
"Mukhang ang bata mo pa para maging katulong, ilang taon kana pala?"
BINABASA MO ANG
Blue and Grey
RomanceMATURED CONTENT Ang utak , dadalhin kaniya sa tamang landas. Ang puso ,dadalhin kaniya sa kung saan ka magiging masaya. Sa dalawang option naiyan hirap na hirap pumili si Kline dahil alam niyang masasaktan siya kapag may pipiliin mansiyang isa. I do...