Chapter 3
I wore my simple White Dress that was above my knee. I put on makeup, my usual makeup that I always did in Manila. Ang tagal na simula noong naglagay ako ng ganitong makeup.
"Saan po kayo pupunta, Madame? Alam po ba ito ng Mommy ninyo?" the maid asked.
"Lalabas lang naman ako saglit. D'yan lang naman sa malapit. They don't need to know. I'm no kid no more." Tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad palabas sa mansion. Mabuti na lang at wala ang guard.
Naglakad pa ako papalabas sa Villa para makasakay ng tricycle.
"Manong, puwede mo ba 'kong ihatid sa magandang galaan dito?" tanong ko sa driver.
Kunot ang noo niya na pinasadahan ako ng tingin. "Galaan? Hindi ka ba taga rito?"
"Bago lang po," sagot ko. Tumango siya at pinasakay na 'ko sa tricycle.
Hindi naman kalayuan ang lugar na pinuntahan namin. I paid the driver, I then looked around the place. May mga tao, hindi tulad sa lugar namin na walang tao. Napangiti ako mang may makitang coffee shop, kainan at kung ano pa. Marami rin ang nagtitinda sa gilid-gilid. Marami ang mga bumibili kaya naisip kong bumili rin.
Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap habang bumibili rin. "Tapos na ba 'yong game? Sayang naman 'di ako nakanood!"
"Oo. Sayang ang chance mo, girl. Naglaro ang team ni Felix dito pati ni Dylan. Sila ang magkalaban kaya maraming tao. Alam mo naman na minsan lang naglalaro ang team ni Felix dito."
"Grabe! Super pogi talaga nila, lalo na si Felix! Luluhuran at pakakasalan talaga!"
"True. Kaso hindi sila ulit maglalaro dito, ilang years pa siguro ulit." Tuluyan na nilang na agaw ang atensyon ko sa nabanggit na pangalan. Pero umalis na rin sila.
Felix? Felix Clemente?
I crossed my arms over my chest. I looked around the place once again. Marami nga'ng tao. Posible kaya na siya talaga iyong tinutukoy nila? Hindi naman siguro.
"Ano ang sa iyo, ganda?" tanong ng nagtitinda.
"What's this, po?"
"Squid ball 'yan. Ito naman ay Fish ball, Kikiam, Fries." Marami pa siyang mga binanggit na tinda niya.
"Eh, ito po?"
"That's Tokneneng." I was stunned at the familiar voice, whispering in my ear. I turned to him.
"Lucian?"
He smirked. "You remembered," he whispered to himself but I still heard him.
I was about to speak when someone tapped his shoulder. "Hindi man lang nag-aya! 'Buti malinaw mata ko at nakita kita."
"T*nga, abnormal ka lang talaga," the other man said.
"F*ck off," Lucian glared at them. Napalingon naman ang lahat sa akin. Lucian glanced at me, he then hid me in his back.
"Woah! Who's she? Patingin-" tanong ng lalaking laging nakangiti. I noticed that they're all wearing jersey shorts and t-shirts except Lucian. But he's carrying a duffle bag like the others.
"Clyde," mariin banggit ni Lucian sa pangalan niya. Tumango na lang ang lalaki na nakangiti pa rin.
"Una na kami," the man with an earring in his left ear. Tipid na tango lang ang iginawad ng nasa harapan ko.
I cleared my throat. Pumili na lang ako ng bibilhin. Tinuro ko ang Tokneneng at Fish ball. I remembered Aine and William tried these. Kumuha na siya mula sa kawali nilagay sa lagayan. Kinuha ko 'yon at tinitigan.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Sweet Lies
RomantikDisappointing her family is not in Solana Shivani Vanidestine's vocabulary, even if it takes to risk herself, she will do everything. She has a goal and she needs to win his affection. She needs to tame him. She is compelled to take all of those act...