Chapter 17

14 0 0
                                    

Chapter 17

Bumitaw ako sa hawak ni Lucian sa kamay ko habang naglalakad at nilingon si Yuka na nakatulala lang at nakasunod sa amin. Kunot ang noo ni Lucian na tinignan ako. Umirap lang ako at sinabayan si Yuka sa paglalakad. Nanatili pa siguro siya sa gym na iyon kung hindi ko lang siya hinila dahil sa pagka tulala.

"Hey... Are you okay?" Doon lang siya nabalik sa huwisyo at nag angat ng tingin sa akin.

"A-Ah. S-Sorry na-shock lang," aniya. Bumuntonghininga ako at pilit na ngumiti. I understood him somehow. I lied just to cover up anything about Lucian and me.

"I'm sorry, I lied about that." Pinalibot niya ang kaniyang braso sa akin, umiling siya at ngumiti lang.

"It's okay! Ano ka ba. Naiintindihan ko naman, Sol. Hindi pa tayo gaanong close at... Feeling close lang talaga ako," awkward siyang tumawa at lumagpas ang tingin sa akin at tumingin kay Lucian na nasa tabi ko na rin at hawak ang kanang kamay ko.

"Sorry pero... s-sabi mo kasi wala kang boyfriend. So that means, tinatanggi mo si Felix bilang boyfriend mo? Sol naman..." ingat siyang bumubulong dahil takot na marinig ng isa.

Natawa ako at nailing na lamang. "Let's talk about that tommorow. I'm tired," sabi ko nang makarating na kami sa Aston Martin ni Lucian.

"S-Sige. Mauuna na ako," ani Yuka. Umatras siya at naiilang na tumingin sa amin.

"No, sumabay ka na lang sa 'min." Umiling siya agad.

"Hindi na. May tricycle naman. Ayokong maging third wheel. Nakakahiya rin..."

"That's okay with Lucian," I turned to him and raised an eyebrow. He nodded sparingly and did not avert his gaze from me.

"Of course," aniya. Ngumiti ako at nilapitan si Yuka. "See? He's okay with it."

Dahan-dahan siyang tumango at pumasok na sa backseat na binuksan ko para sa kaniya. Pumasok na rin ako sa sasakyan at ganoon din si Lucian. I suddenly felt the awkwardness ngayon na hindi lang kami ang nasa sasakyan niya. Lucian was still holding and kissing my hand. He doesn't even care that we're not the only people here. Nilingon ko si Yuka sa likod para matignan kung okay lang siya. Nagpipigil ngiti siya at nakatingin sa magkahawak na kamay namin Lucian. Umiwas naman agad siya ng nang makitang tinitignan ko siya.

Kunot ang noo ko. "Are you okay there?" Tumango siya at nag thumbs up sa akin.

"May I know where your place is?" Tanong ni Lucian kay Yuka.

"A-Ah, liko mo na lang diyan. Tapos may gate na itim, doon na lang."

Tumango si Lucian at ginawa ang sinabi niya. Tumigil na ang sasakyan sa harap ng hindi kalakihang gate. The house is not that big either, hanggang pangalawang palapag ito.

"Dito na lang ako. Uh, salamat sa paghatid, Felix, Solana." Tinulak niya na pabukas ang pintuan at lumabas. Lucian lowered the car window glass so I could say goodbye to Yuka.

Dumungaw ako sa bintana ng sasakyan at kumaway kay Yuka. Matamis siyang ngumiti sa akin.

"Bye, Solana! Salamat ulit. Ingat kayo," aniya. Tumango ako. Nawala bigla ang ngiti ni Yuka nang may marinig kaming sigaw ng babae mula sa bahay nila.

"S-Sige, mauuna na ako," nagmamadali siyang pumasok sa kanila.

"What--" hindi ko na matuloy ang sasabihin dahil sa pagkabigla at pagtataka.

"Baby, what's the problem?" I felt his warm hand caress my thigh.

"I... I heard a woman screaming from their house." He frowned and seemed to be thinking about what I was saying.

Embracing Her Sweet Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon